Chapter 4
"Huh? ako ba kinakausap mo?"turo ko sa sarili ko. Malay ko ba kung may tao sa likod ko at di naman niya ako kinakausap.
"Yes. Ikaw lang naman yung taong kinakausap ko dito."she said coldly then I bit my lips.
Agad akong tumango sa sinabi niya. Mygosh! bakit ganun siya kung makatingin sa akin? nakakatakot!
"Tell me ,are you transferee student?"tanong niya ulit kaya mariin na ako napatitig sa kanya.
"Uh......"napahawak ako sa batok ko dahil sa sobrang kaba ,"Uh...oo..transferee lang ako dito.."
Nang tignan ko siya at tipid siyang tumango pero halos mapahigpit ako sa hawak ko sa desk dahil ganun pa rin siya kung tumingin.
Nagulat na lang ako na bigla siyang maglahad ng kamay sa akin. Napakagat ako ng labi dahil nagbago ang tingin niya sa akin ,"I'm Erich Enriquez and you are?"
"Uhm....Aifha Saavedra ,"sabi ko at tinanggap ko ang kamay niya.
"It's nice to meet you ,"pilit siyang ngumiti pero yung aura niya hindi pa rin nagbabago.
"Gusto kita kaibiganin."diretsong sabi niya kaya mas lalo mariin akong napatitig sa kanya ,"Ikaw lang naman kasi sa klase ang bagong student at mukhang mahihirapan ka makahanap ng mga pwede mong kaibiganin dahil yung iba dito ay mga sarili ng circle of friends."
Natulala ako sa sinabi niya. Ganon ba yun? mahihirapan ako makahanap ng kaibigan dahil may mga sarili ng circle of friends?
"Bakit ikaw? wala ka bang kaibigan dito kaya gusto mo ako kaibiganin?"mahinahong sabi ko.
Umiling siya ,"Meron akong kaibigan dito...pero ayaw ko nag iisa ka."agaran akong tumango sa sinabi niya.
Well ,mukhang mahihirapan nga ako dahil lahat nga nakikita ko dito may mga sari-sariling topic na di ko maintindihan.
"Bonus na lang kapag achiever ka..."pahabol niya pa kaya di nagtagal ang tingin ko sa kanya ,"Kapag achiever ka sa klase lalapitan ka para kaibiganin ka. Pero may kapalit yun ,kada quiz at test kailangan mo sila pakopyahin."
Halos mapanganga ako sa sinabi. Ganon ba yun? edi lalapitan ka pala nila kapag may kailangan lang sila.
"Achiever ka ba?"tanong niya sa akin kaya agad naman akong tumango.
"Oo since ,elementary hanggang sa nagcollege ako."sagot ko sa kanya at kita ko sa mga mata niya ang pagkamangha ,"Dean lister rin ako."
Namana ko ata ang talino ko kay Mommy kaya hangga't nagcollege na ako ay palagi ako achiever sa school. Walang palya yun kaya yung mga magulang ko ay sobrang proud na proud sila sa akin.
"Ang talino mo pala ,"bumaba ang tingin niya ,"Pano naman ako na hanggang with honor lang partida nung senior high pa ako nun. Tsamba lang yung pagiging with honor ko—unlike you...sinalo mo na ata ang pagiging matalino mo."
Dahil sa sinabi niya ay natawa ako. Atleast nakapasa siya. Madami pa siyang sinabi sa akin na wag na wag ko daw pakokopyahin ang mga kaklase ko lalo na't kapag nalaman nilang isa pala akong dean lister.
Nang dumating na ang professor namin ay bigla na kang tumahimik ang room. Nagpakilala pa ako sa harap ng mga tao pero kalauna'y umupo na rin ako.
Nang dumating ang prof ay puro orientation lang ang dinidiscuss nila kung ano ang magiging rule nila sa mga subject nila. Hangga't sa nagbreaktime ay parehas kaming lumabas ni Erich at habang naglalakad kami ay panay siya daldal sa akin.
"Bukas na lang kita itotour dito sa loob ng dream high. Nagugutom na kasi ako at sa sobrang laki nito baka maubusan tayo ng oras para kumain."
Tumungo na nga kaming dalawa ni Erich sa cafeteria. Pagkapasok namin ay marami kaming estudyante na nakaupo at yung iba nasa counter para mag order ng food nila.
YOU ARE READING
The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)√
RomanceA COLLABORATION SERIES [COMPLETED] Love. Endurance. Sacrifice. This is how Aifha Saavedra feels about her love experience. She never thought that it would come to the point where she had to endure just to strengthen her relationship with Terrence. S...