Chapter 34

11 3 0
                                    

Chapter 34

Sa tatlong taon kong pananatili dito sa Romblon ,nasanay na ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Palagi akong may ngiti sa aking mga labi kapag ako mismo ang lumalapit sa kanila. Bilang isang may ari ng isang resort ay puhunan ko talaga ang pakikipag usap lalo na't kapag guest sila. Pinaparamdam ko sila na hindi sila nagsisisi na pumunta sa ganitong lugar para makapagpahinga at makapagrelax.

Pero sa sa sitwasyon ni Terrence ,hindi ko magawang gawin yon kahit na isa siya sa VIP guest. Parang masyadong mabigat sa dibdib kapag nakakasama ko siya. Para bang hindi ko magawa maging kalmado ang puso ko kapag nakikita ko siya sa paligid ko.

Is it because Terrence was a part of my past that I can't rest my heart even though it's been three years since we broke up?

Naputol ang pag iisip ko nang bigla may pumasok sa aking opisina. Napatingin ako at nakita ko nga si Chelsea na palapit na sa akin.

"Ma'am Aifha ,Ms. Mendez want to see you po."Chelse interrupted me while she looking at me.

I sighed. Here we go again.

"Sige ,susunod na ako."I simply nodded then she nodded quickly. She turned her back to me and I just heard my office door close.

I massage my temple a bit. Isang linggo na ang nakalipas simula nang mag stay na sila dito. At sa isang linggo na yon ay walang araw na nakikita ko silang dalawa na magkasama dito. Umiiwas na lang ako ng tingin dahil ayoko na magpaapekto pa sa kanilang dalawa.

Nakikipagkita lang ako sa kanila kapag pinag uusapan naman namin ang tungkol sa plano nilang pagpapakasal dito sa Diva Resort. Ngayon ,gusto na naman ako makita ni Ross para sabihin siguro niya ang kabuuan ng gusto niyang mangyari sa gusto niyang beach wedding.

Sana nga lang ay siya lang ang mag isa. Naiilang ako kapag kasama niya ni Terrence. Hindi ko magawa makapag focus sa trabaho lalo na't kapag nandiyan siya tapos nakikinig pa siya sa pinag uusapan namin ni Ross.

Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na ako sa opisina ko. Habang naglalakad ay may kaba sa aking dibdib na animo'y may tinatakasan ako. Kung pwede lang talaga hindi ako magpakita sa kanila ay ginawa ko na eh! Pero dahil ako nga owner ng Diva Resort ay hindi maaari.

Gosh ,habang palapit na ako ng palapit parang bumibigat na talaga pakiramdam ko.

Kahit sa malayo pa lang ,natanaw ko na si Ross. Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtantong hindi lang siya mag isa. Parang anytime gusto ko na lang hindi magpakita dahil sa kanyang kasama.

Next to her , I saw Terrence calmly there as his eyes were seriously looking at the menu he was holding. While Ross was also sitting in front while her eyes were also busy with the cellphone she was holding.

Pilit kong pinapakalma ang puso ko dahil nararamdaman ko pa rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako pwedeng magpakita sa kanila hanggang sa hindi pa ako kumakalma!

Nang tuluyan na akong kumalma ay doon lang ako nagpatuloy na maglakad. Nang malapit na ako sa pwesto ay doon lang nila ako napansin.

"You're here!"Ross widened her eyes while looking at me.

I smiled awkwardly ,"Uhm yes ,sorry kung natagalan kayo sa paghihintay."and then I looked at Terrence with his lips parted as he stared at me. I immediately looked away from him.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)√Where stories live. Discover now