Chapter 38

12 3 0
                                    

Chapter 38

Sa sumunod pang araw ,nagkita na nga kaming dalawa ni Erich. Halos sabunutan niya ako nang makita niya ako dahil hindi ko sinabi sa kanya na nandito ako sa Manila!

Nagtanong nga siya kung bakit nandito ako sa Manila kaya sinabi ko sa kanya yung totoo na may dinaluhan ako na party. Halos manlaki nga ang mata niya nang pinagtapat ko na nakasama ko sa table ang pamilya ni Allejo.

"Really? Eh ano namang say ng  bruhilda ng nanay ni Terrence?"usisang tanong niya pa na parang interesadong interesado siya sa kinukwento ko.

Natawa ako nang marinig kung ano ang tinawag ni Erich kay Tita Rhea.

"Wala namang sinabi. Tahimik lang siya nung nandoon ako sa table nila ,"tanging sagot ko habang kumakain ako ng blueberry cheesecake ,"Si Tita Lilian lang ang tanging kinakausap nila. Samantalang ako ay parang hangin lang and mas okay na yon."

Mabuti nga at hindi kami napang abot dalawa ni Tita Rhea. Mas hindi ako magiging kumportable kung lalapitan niya ako. Simula nang inamin niya sa akin na hindi niya ako gusto noon para kay Terrence ,hindi ko na pinilit na magustuhan niya ako. Napaka hipokrita ko naman kung ginawa ko lahat para lang magustuhan niya ako para sa anak niya.

"Baka natakot kay Tita Lilian?"she concluded then chuckled ,"Napaka powerful kaya ni Tita Lilian! Mas mayaman pa nga siya doon sa mga Allejo eh! Siya ,mayaman na kahit walang anak at asawa!"

She's right. Mas mayaman si Tita Lilian kaysa sa mga Allejo. I'm proud of her.

Marami kaming pinag usapan kaya inabot na kami ng gabi. Damn ,I missed her so much. Kaya buti na lang at nagkita at nagkasama na kami!

Kaya sa ilang araw ko pananatili ay nagkikita kami ni Erich. Kung saan saan na nga niya ako dinadala dahil gusto na nga niya na sulitin ang paglalagi ko pansamantala dito sa Manila.

Hindi naman ako nagreklamo dahil pinagbigyan ko na lang siya. Pinakilala niya rin ako sa mga ka-trabaho niya sa pinagtatrabahuhan nang bumisita ako sa workplace niya dahil dinalhan ko siya ng lunch niya na ako mismo ang gumawa. Mabuti na nga at mababait mga kasamahan niya kaya mabilis ko sila napalagayan ng loob.

Ngayong araw ,balak kong pumunta ng ospital para bisitahin si Sophia. Ilang araw rin ko siya hindi nabisita dahil masyado akong napasarap sa kakasama kay Erich. Hindi na ako pinilit ni Tita Lilian na samahan siya kapag binibisita niya si Sophia dahil kay Erich kaya siya na lang mag isang pumupunta doon.

"Aalis po kayo?"nagulat ako nang nasa harapan ko na si Carlos na kalmadong nakatayo.

"Yes."maayos na sagot ko ,"Wala po ba kayong gagawin? Pwede po ba ipagdrive niyo po ako papuntang ospital?"

He nodded ,"No problem. "

Ngumiti ako saka pumasok sa sasakyan. Mabuti na lang at pinauwi ni Tita Lilian yung driver kung hindi ,baka mapipilitan ako na magcommute.

Umalis si Tita Lilian kanina dahil may pinuntahan siya na hindi ko alam kung nasaan.

Hindi rin naman nagtagal ay nasa ospital na ako. Nagpasalamat ako kay Carlos bago bumaba ng sasakyan. Pumasok na ako sa loob ng ospital at dire diretso ako naglalakad para bisitahin na si Sophia.

Matutuwa panigurado yung bata na yon dahil sabi sa akin ni Tita ,miss na miss na daw ako ni Sophia. S'yempre dahil maaawain akong tao ,magpapakita na ako.

When I was in Sophia's room ,I slowly entered and stopped when I noticed someone inside. When I turned around ,I almost gasped when I realized that it was Terrence inside.

He was sitting on the bed where Sophia was also there. The two of them were talking and I just stayed standing because they didn't seem to notice that I was here.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)√Where stories live. Discover now