CHAPTER 3

5.6K 190 32
                                    



"Nasaan yung bike mo?" tanong ko at hinahanap ito sa gilid ng gate kung saan niya ito laging inilalagay. "I didn't bring it with me," diretso nitong sagot, kunot noo ko itong tiningnan.

"Huh? Bakit hindi mo dinala?" lagi niyang dala yung bike niya pag sinusundo ako ng ganitong oras, bakit ngayon hindi?

"We have feet, we can walk," pilosopo nitong sagot, I rolled my eyes on him, tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay. At naunang naglakad.

"Hey," he said, followed me and tried to get my hand back. Iniwas ko ito at lumayo ako sa kanya. But he kept chasing, panay ang iwas ko sa kanya at halos pazig-zag na kami maglakad dito sa tabi ng kalsada.

"Ano ba!" singhal ko dahil patuloy pa 'rin nitong inaabot ang kamay ko. Hindi ito tumigil kaya tumakbo na ako papalayo sa kanya, when I saw him run after me, hindi ko napigilang tumawa at mas binilisan ang aking pagtakbo.

Buhat nito ang aking bag, kaya hindi ako nito agad mahahabo—--, "Ahh!" sigaw ko ng mahuli ako nito. Kinuha niya ang aking kaliwang kamay at ito ay hinawakan ng mahigpit na tila wala na itong balak pakawalan pa.

He made me face me, let go of my hand to take off his jacket, sinubukan kong tumakas at tumakbo muli, pero hinila niya ang likod ng uniform ko at pabalik akong pinatayo sa harapan niya.

Nawala ang ngiti sa aking labi, dahil hindi man lang ako binigyan ng chance makatakas. I bit my lower lip and frowned at him, he smirked and made me wear his windbreaker jacket.

Para bata akong bata na binibihisan, siya ang nagpasok ng mga braso ko sa sleeve ng jacket at siya ang nagzipper nito para, he even made me wear the extended hoodie of his jacket. Dahil maliit ako halos masakop nito hanggang mukha ko.

"You're ugly," he whispered before he intertwined our hands and started walking.

"I didn't bring my bike with me, because I wanna spend more time with you, walking would extend more holding this tiny hand of yours." my heart skipped a beat, and I pursed my lips, shook my head to hide this uncontrollable smile on my lips.

This guy really knows how to play with his words, he makes my heart weak in just one sentence. Nakakainis!

Obsessive Demand (LOA 2 #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon