CHAPTER 20

3.2K 127 9
                                    



"Pasok, pasok, welcome to your new home," pabagsak kong binitawan ang duffle bag ko ng tumigil ako sa harap ng pinto ng bahay ni Dyky. pumasok si Mama kasama ang mga aso at si Tita A naman ay excited na nakatayo sa gilid ng pinto.

My lips parted, bakit naman katabing kanto lang ang layo ng bahay ni Dyky kila Tita A. "Do you like it? Matagal na namin itong pinatayo bago pa umalis si Dyky dito sa pinas, he was begging us for a house that time kaya pinagawan namin siya pero hindi rin niya nagamit dahil he stayed in the U.S." yeah, hindi nga siya nagpaalam eh.

Hinila ako ni Tita papasok ng bahay at hindi ko maiwasang mamangha sa napakagandang interior sa loob, it's a Scandinavian Interior Design, I know this dahil nagsearch ako ng iba-ibang interior nung lumipat ako sa condo ko.

"Dahil matagal na siyang hindi nagagamit, agad akong tumawag ng interior designer kagabi at ipinaayos ito buong gabi para makalipat kayo kaagad dito, since hindi 'rin naman nag stay dito si Dyky nung umuwi siya. He would rather be at his father's company or staying at his old condo." Sambit ni Tita A at binitawan ang bag ko sa couch at hinila ako sa kusina.

"Woah," hindi makapaniwala kong sambit ng makita kung gaano kaganda at kaoraginze ang kusina, marami ring stock ng pagkain sa pantry. "Nagpa-grocery na ako kaninang madaling araw kaya ok na yan, bumili na 'rin ako ng mga iniinom kong gatas noong ipinagbubuntis ko si Dyky, you should drink it too." napalunok ako ng aking tuyong laway dahil sinabi ni Tita A.

Ok sana iyon kung meron talagang bata sa tiyan ko, pero ang problema wala eh, "T-Thank y-you po Tita A," naiilang kong sambit at ngumiti ng pilit.

"Wala pa si Dyky ngayon, pinatawag ng Dad niya sa opisina kaya mamaya pa siya darating, halika, ipapakita ko sayo ang kwarto niyo ni Dyky sa itaas." nanlaki ang aking mga mata dahil walang katapusang surprises ang lumalabas sa bibig ni Tita A.

Kwarto talaga namin?! "S-sige po, hehe," kung pwede lang magteleport ako ngayon gagawin ko.

Excited akong dinala nila mama at tita A sa second-floor ng bahay, malaki-laki ito, siguradong maraming guest room dito kaya ok lang, Naivy.

Pero pag akyat ko sa itaas halos mahulog ang panga ko ng isang pinto lang ang meron sa second floor at isang malawak na salas na puno ng higaan ng mga aso.

"Wala pong guest room dito?" tanong ko at tiningnan si Tita A, pinilit kong wag ipakita na nagpapanic ako sa puntong ito pero ang totoo sasabog na ako sa kaba.

Imposibleng isang silid lang ang meron ang bahay na ito!!!

"Yes, alam kasi namin na hindi mahilig sa bisita si Dyky, he would rather visit his friend that asking them to go to his house, and request din to ni Dyky sa amin nung High School pa lang siya, ang ganda diba," nakangiting sambit ni Tita A at nagkatinginan pa sila ni mama na tila natutuwa sila sa stratura ng bahay na ito.

Jusko po, isang silid lang ang meron dito!!! Saan ako matutulog?

"Tara dali," hinila nila akong dalawa papalapit sa pinto ng silid at binuksan ito. Agad akong sinamid ng matindi ng makita ang isang kama at crib ng baby sa kabilang side ng kwarto. Sobrang minimalist lang ng design pero bakit may baby place na agad.

"Water?" buti na lang ay may dalang water bottle si Mama sa kanyang bag kaya agad niya itong naiabot sa akin, mamatay na ako dahil sa pagkasamid. Fucking shit! Ano ba itong pinasok mo Naivy, kinakarma ka na ata.

"Nagrequest na din ako ng baby place dito sa loob ng kwarto niyo ni Dyky para mas lalo kayong mainspire," Tita A said.

"Naivy!!! Ano ba!" tumaas ang boses ni Mama ng muntikan kong maibuga ang tubig na nasa bibig ko, mamamatay na ako today!

Obsessive Demand (LOA 2 #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon