CHAPTER 10

4.1K 138 9
                                    



"Arf, Arf!"

Napuno ng ingay ng mga aso ang umaga ko, hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay malakas na pag yugyug ng kama ang aking nararamdaman na tila inaalog ni lord ang mundo ko.

Dama ko ang mga fresh morning breath ng mga babies ko, habang tumatahol sila sa harap ng mukha ko. Then, they started licking my face, forcing me to open my eyes.

"Hmmm, Toffie, five minutes please," I begged, but they were so heartless. Naramdaman ko ang pagkagat ng isa sa kanila sa aking kamay, at tila pilit akong hinihila upang bumangon. Kasunod 'non ay ang paghila ng isa sa comforter ko.

Wala akong choice kung hindi buksan ang aking mga mata at bumangon, binitawan nila akong apat ng makita akong bumangon, inayos ko ang magulo kong buhok at tiningnan sila ng masama.

They all avoided my gaze, tiningnan ko ang aking kamay na puno ng laway. Bumalik ang tingin ko sa kanila at ng makita ang bibig ni Simon na puno ng laway. I knew it was him, and I'm sure Toffie is the one who's licking my face, and the one who pulls the comforter is Doofy, kagat-kagat niya pa 'rin ito hanggang ngayon. Habang si Bingbong naman ang tumatalon sa kama ko kanina.

Hindi ko na talaga kailangan ng alarm clock, sumulyap ako sa wall clock ng kwarto ko at hindi makapaniwala sa aking nakita. "It's 4 am in the morning!" singhal ko at pabagsak na bumalik sa pagkakahiga.

Sa aking pagbalik ay tila nagwala na nanaman sila at muling inalog ang mundo ko. Sobrang ingay, sinubukan kong takpan ng unan ang aking tenga pero tila parang wala itong effect.

Naririndi na ang aking tenga, parang tumatagos ang ingay mula sa aking tenga papunta sa aking utak.

"Ito na!!!" sigaw ko at mabilis na tumayo mula sa kama. Nanahimik sila sandali bago isa-isang lumabas ng silid. Pumasok ako sa banyo upang magsipilyo at mag ayos ng buhok.

I even change my sleeping clothes, dahil siguradong morning walk ang dahilan kung bakit ako ginising ng apat na ito. Paglabas ko ng kwarto, sumalubong sa akin ang bagong bili kong sandals na puno ng kagat.

My eyes widened with disbelief, "Toffie! Doofy! Bingbon—-," I looked at them but they just ran away and hid in the kitchen. Naiwan lang si Simon na tila hinihintay na tawagin ko ang pangalan niya.

Sa sobrang cute nito, hindi ko magawang magseryoso, isang malalim na pagbuntong hininga ang aking pinakawalan bago tinawag ng kanyang pangalan. "Simon," as soon as I uttered his name, doon lang siya tumakbo papalayo at nagtago.

Umiiling-iling kong kinuha ang sira kong sandals at tinabi ito sa bukas na shoe rock malapit sa pinto. "At talagang yung bago lang talaga ang ginalaw niyo ah," I whispered and close it.

Pinuntahan ko sila sa kusina at naabutan silang naglalaro, hinayaan ko na lang siya at nagtimpla na ako ng kape. I don't usually eat breakfast when I'm alone, I just take some coffee.

Itinali ko anga king buhok at isa-isa nang pinasuot sa kanila ang mga leash nila. They were so excited, that as soon as they had their leash on, they would run towards the door and wait for me to open it.

"Come here, Simon." huli kong pinasuot ng leash ay si Simon, at binuhat ko siya papunta sa pintuan.

Hinawakan ko na ang leash ng lahat at binuksan ang pinto, eksakto 'ring bumukas ang pinto ng condo ni Cameron na katapat ng condo unit ko.

Yes, pati sa tirahan ay magkasama kami ng weirdo na ito.

"Good morning!" masigla nitong pagbati, I look at him from head to toe and rolled my eyes, "Walang maganda sa umaga kung ganyan ang suot mo, Ano na naman ang trip mo?!" sambit ko, lumabas ako at siniguradong nakalock ang pinto ng condo ko.

Obsessive Demand (LOA 2 #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon