CHAPTER 13

3.8K 132 8
                                    




Lord, God, please take me out of here as fast as you can, please I can't stay here any longer.

I feels like I was praying for my life at this state, punong-puno na ako ng kahihiyan ni hindi ko na nga magawang nguyain ng maayos ang pagkain na aking kinakain dahil sa presensya ng taong nasa tabi ko.

Ramdam ko na panay ang tingin nito sa akin, at tuwing ako naman ang susulyap sa kanya, ay nakikita kong pasimple niyang hinahaplos ang bandaid sa kanyang ilong.

Oo, na ako na ang may kasalanan niyan, shit! Gusto ko na ho talagang umalis dito Lord, iyon po ang tanging hiling ko sa inyo lord.

"Naivy," Lord, sige na ho, bigyan niyo na ako ng chance makaalis dito, promise ho hindi ko na tatarayan si Cameron after nito. Please lang po.

"Naivy?" Lord, kakain na 'rin po ako ng masustansyang pagkain after nito, please paalisin niyo lang po ako dito.

"Naivy?" bumalik ako sa aking sarili at gulat na napalingon kay Tita A at Mama ng sabay nila akong tawagin. Lahat sila ay nakatingin na sa akin.

"P-po?" tanong ko, at pilit umiwas sa tingin ng lalaking nasa tabi ko. Bakit ba tingin siya ng tingin, namiss niya ba ako?!

"Kanina ka pa tinatawag ng Tita A mo, tulala ka d'yan," sambit ni Mama, "Ahh hehe, lutang days ko po ngayon," pagpapalusot ko. Tita A just smiled at me before she spoke.

"Nagustuhan mo ba yung lasagna na pinadala ko kay Dyky kagabi?" pasimpleng nanlaki ang aking mga mata dahil sa tanong ni Tita A. sinusubukan ko nga hong iwasan ang usapan na iyan eh. Tita A naman eh.

Kunot noong tumingin si Mama kay Tita at nagtanong, "Pinuntahan ni Dyky si Naivy sa condo niya?" tanong nito, jusko po nagtanong pa!

Itinuon ko na lang sa pesto ang aking atensyon para makaiwas sa tanong pero, sino bang makakatakas kila Mama at Tita A. "So, what do you think about the taste of my Lasagna?" tanong muli ni Tita A na may napakagandang ngiti sa kanyang labi.

"Ahm..." anong sasabihin ko? Eh hindi ko pa naman kinakain iyon, nilagay ko lang iyon sa ref kagabi. Hindi ko 'rin pweding sabihin na uminom ako kagabi kaya hindi ko nakain mayayari ako kay Mama.

"She said it tastes good mom, she ate the whole last night, because she's not drunk." halos mahulog ang panga ko dahil sa biglang umepal itong katabi ko.

"Yeah, Naivy doesn't drink because she's a doctor," Dad said. Parang may boomerang beer sa lalamunan ko dahil doon.

"Really, Tito?" Punyeta ka Dyky! "Yes," Dad answered. "Wow, such a good doctor," talaga bang!! Agh nakakainis!

I give him a death glare but he ignores it and continues to speak to his mom. "Really, natutuwa naman ako at nagustuhan mo siya Naivy, mas pinasarap ko talaga yun, dahil alam kong favorite mo." I looked back at Tita A and chuckled.

Sumakay na lang ako, "Opo hehe," shit!

Bumalik ang tingin ko kay Dyky at nginitian lang ako nito, talaga bang sinasabya niyang mang-asar o talagang presensya niya pa lang ay naasar na ako.

I bite my lower lip out of irritation and glared at him, but instead of saying sorry, he just gently touches the bruises on his nose, making me feel guilty for the things he's at fault.

I gritted my teeth and rolled my eyes on him, pinagpatuloy ko ang aking pagkain at sinubukan isipin na hindi ito nageexist sa paligid.

Dahil isa naman siyang multo kaya ganun dapat ang aking gawin.

Obsessive Demand (LOA 2 #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon