CHAPTER 7

4K 129 7
                                    




I watch him fix his bag before unlocking his bike, at sumakay siya dito, tiningnan niya ako bago inabot ang aking suot na bag at sinuot ito. Inayos niya ang pagkakasuot sa kanyang cap bago ako inalalayan sa pagsakay sa harap ng bike.

Tahimik at tanging ang malakas na simoy ng hangin lamang ang aking naririnig, nang ako'y makasakay na sa bike, nagsimula na siyang paandarin ito.

Pahero kaming hindi umiimik at dahil doon, mas lalo lang akong naguguilty, nangako ako sa kanya na manonood ako, pero hindi ko tinupad, dahil sa akin natalo sila.

Kung ano-ano ang umiikot sa aking isipan dahil sa nangyari, at hindi ko magawang tumigil kung kaya't tuluyan nang tumulo ang aking luha. Kasalanan ko ang lahat.

I bite the bottom of my lips to control a sob, at paulit-ulit na pinupunasan ang tumutulong luha sa aking pisngi. Ayaw kong makita niya na umiiyak ako.

I tried my very best to stop crying but I can't, natigilan na lamang ako ng bigla kaming tumigil sa isang gilid. Hindi ko hinarap si Dyky at pasimple kong pinunasan ang aking luha.

"Monnie," he called me but I choose to ignore it, "Bakit tayo tumigil?" tanong ko, baka may ibang taong makakita sa amin dito pag nagtagal pa kami dito.

Hindi tumitigil ang aking luha, nakakainis! Hindi ako sinagot ni Dyky sa aking tanong at nagulat ako ng bigla niyang pinasuot sa aking ulo ang suot niyang cap.

Enough for me to hide my crying face. Napayuko ako dahil sa kanyang ginawa at mas lalong naiyak. "I'm sorry," I whisper.

Naramdaman ko siyang hinalikan ang sumbrero na suot ko, "It's not your fault, shh, stop crying," using that comfort tone of his voice, gumaan ang pakiramdam ko.

Ginawa ko ang sinabi niya, I stop crying. He made me face him and wipe my tears, look at me straight in the eyes, and kissed my forehead. After that, he drove me home.

"You should take a rest, I'll be fixing something, don't wait for my call ok, I'll see you tomorrow." he gently uttered, I nodded and watched him leave with his bike.

Napahawak ako sa aking bag ng mahigpit ng tuluyan na siyang mawala sa paningin ko, nakapa ko ang matigas na bagay sa loob nito at ng ito ay aking tingnan, bagsak balikat akong napabuntong hininga.

It's the banner I made for him, hindi ko man lang nagamit o naipakita sa kanya. I shook my head down out of frustration and went inside the house.

"Tadaima," mahina kong sambit, naabutan ko si Mama na checheck ng test papers ng students niya, she looks at me with her bright smile and said, "Okaeri, what's with the face?" she asked.

"Pagod lang po, hehe," sambit ko, lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi bago umakyat sa aking kwarto, pabagsak akong humiga sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata.

Siguro kung nakapanood ako simula pa lang ng game, hindi mangyayari ito kay Dyky, nilabas ko sa aking bag ang banner na aking ginawa at tiningnan ito ng mabuti.

"Aghhh!" sigaw ko bago ito binato sa kung saan at nagtalukbong ako ng kumot. Hindi mawala sa aking sistema na kasalanan ko kung bakit sila natalo.

"I'm sorry Dyk."


***


From DK:

I'll be fixing some papers for my graduation, I won't be at school very often, I'll call you when I have time.

Nakatulala akong nakatitig sa screen ng aking cellphone, halos araw-araw ko na itong tinitignan. Mag-iisang linggo na ang nakalipas after ng game at sobrang naging busy si Dyky kaya hindi niya na ako nahahatid pauwi at sobrang dalang na namin magkita o magusap.

Obsessive Demand (LOA 2 #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon