CHAPTER 23

3.3K 118 6
                                    



"Complaints about improper care like claims of abuse, or unsafe conditions like pet damage or unsafe place concerns." hindi makapaniwala kong sambit habang binabasa ang nakasulat sa pinadalang papel sa amin.

"And the complainants file a complaint about the doctors for being unprofessional conduct, incompetent practice, or licensing questions. Anong kalokohan ito?" Singhal ko at tila tumataas ang dugo ko habang patuloy itong binabasa.

"Who would complain like that? Our facility was never been inappropriate for the patients and the animals, and wala tayong na received na ibang complaint from our loyal patients bakit bigla tayong nagkaroon ng ganito, at ganito kaagad kalala?" naguguluhang tanong ni Cameron at sumandal sa edge ng aking lamesa dito sa loob ng opisina.

Kahit ako hindi makapaniwalang makakatanggap kami ng ganito, every year we have check our place and pumapasa kami sa guidelines for clinic. At wala ni-isa kaming natatanggap na minor complaints from our pur-owners and other patients.

Sino naman kaya ang gagawa nito sa amin? Tanong ko sa aking sarili at sa isang iglap may pumasok na alaala sa aking isipan.

"Oh, my Dutches, how are you baby,"

"Wait a second," bumalik ang tingin ko sa kanya ng magsalita siya at tiningnan ang likuran ni Dutches. "Ah!" bigla siyang tumili at binitawan ang kanyang aso.

Muntik na itong maghulog sa counter buti na lang ay mabilis ko itong nilapitan at nahawakan.

"What's wrong?" tanong ko. Bigla-biglang sumisigaw. "What have you done!!!" malakas ang boses at nanlalaking mga mata ako nitong tiningnan.

"Ano? Anong ginawa ko?" ano bang sinasabi nito? Exaggerated nito aking tinulak papalayo kay Dutches at ibinigay ito kay Cameron. "Look at her back, she has a tick!!!"

Tumama ako sa shelf sa aking likuran dahil sa pagtulak nito, "Naivs," tiningnan ako ni Cameron at halatang nag-alala sa akin. "Hey!! Look at her, she has a tick!!!" pero kinuha ni Killiane ang atensyon nito at ipinakita ang likod ni Dutches sa kanya.

Tiningnan ko si Cameron at bumalik ang tingin nito sa akin ng mapatunayan na totoo ang sinasabi ni Killiane, hindi maari, nilapitan ko ito at tinignan ang tinuturo nito.

Meron ngang garapata si Dutches, saan niya ito nakuha? Kanina nung checkup niya wala ito. "Wala siyang ganito kanina," sambit ko. "I know!" again tinulak muli ako nito papalayo sa aso niay buti na lang ay naalalayan agad ako ni Cameron.

"Don't push her," Cameron seriously said. "I saw you put Dutches together with your dogs! Maybe your dog has ticks, that's why my Dutches has one!!! This is so disappointing, I'll report this!!!"

"Si Killiane," I whispered and tightened my grip on this paper. "You're right, that girl yesterday, about the tick, she said magrereport siya, hindi kaya siya ito?" taong ni Cameron at tumayo ito sa aking harapan.

Wala nang ibang gagawa nito sa amin kung hindi ang bruhang barbie lang na iyon. "Siya lang ang gagawa nito sa clinic natin," sambit ko, bumabawi siya sa akin.

Tumayo ako at tiningnan ng diretso si Cameron, "Give me your keys," I said, "Where are you going? I'm coming with you," he said like he already knows what is running inside my mind.

"Hindi na, ako na lang, akin na yung susi ng sasakyan mo, dito ka na lang walang magbabantay sa mga aso," inilabas nito ang susi mula sa kanyang bulsa at ng ito ay kukunin ko, bigla niya itong inilayo sa akin at nag-aalalang nagsalita.

"Samahan na kita," he said with worried stares, "Hindi na kaya ko na ito, ikaw na ang bahala dito sa clinic, hindi ito magsasara," seryoso kong sambit at tinalon ang susi mula sa nakataas nitong braso.

Obsessive Demand (LOA 2 #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon