Author's Note: Hi! If ever na mas nauna itong chapter 5 pagkatapos ng chapter 3, kindly skip this one and continue sa next chapter. I don't know why ayaw ma rearrange ng chapter 4&5 kahit na inaayos ko pero talagang mas nauuna ang chapter 5 sa akin. Thank you and enjoy reading!
CHAPTER 5
Warning: Sexual scene ahead!
Months had passed and I became more comfortable with Sir around. Mas naging close din kami. Lagi nga kaming nag-aaway kasi pa'no ba 'yan, lagi na lang nakikialam. Tapos gusto pa siya magtali sa buhok ko.
Naalala ko tuloy no'ng gabing nakita ko siyang may kasamang lalaki pagkapasok ko tapos naging pormal ulit sila nang maupo na ako sa mesa ko. Medyo malayo naman ang pwesto ko sa kanila pero nagbubulungan pa din sila.
At magyakapan sila ng ilang segundo bago umalis ang lalaking kausap niya, hindi ko na napigilang lumapit sa kaniya at umupo sa swivel chair sa harap ng mesa niya at ipinatong ang baba sa mesa at tumingin sa kaniya sabay sabing.
"Lalaki mo 'yon no." Napakunot naman ang noo niya at sinamaan ako ng tingin na siyang hindi ako nagpatalo.
"Ano na naman bang iniisip mo? Baka nakakalimutan mo iyong panyo ko na nagunting mo para ipangtali sa may sugat ko," saad niya at parang nangongonsensya. Pero matatag ako.
"E kung hindi ko ginawa 'yun edi nawalan ka ng malay? Napakaarte mo pa naman. Parang sa dugo lang e, namumutla agad. Ang sabihin mo, hindi ka maingat. Lagi ka na lang nagsusugat. Heh! D'yan ka na nga!" Tumayo ako sa pagkakataong iyon at naglakad palapit sa aking mesa at nang makaupo ako ay napunta ang tingin ko sa kaniya at nahuli kong nakatingin din siya sa'kin na may kunting ngiti sa mga labi na siyang sinagot ko sa pagtaas ng isa kong kilay at pag-irap sa kaniya.
Pagkatapos nun ay kinukulit niya ako pero hindi ko siya pinapansin. Ngunit inutusan niya ako ng kape kaya wala akong magawa kundi ang pansinin siya nang mailagay ko sa mesa ang tasa.
"Sorry na kasi."
"Inaano ba kita?" mataray kong saad.
"Okay look, it's my fault why that 15 thousand handkerchief was torn apart because I'm a very clumsy boss." Imbes na mapangiti ako ay mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.
Nagsosorry siya o mas nangongonsensya?
"Ewan ko sa'yo, Sir. Bahala ka na d'yan."
Weeks after that, a girl came to visit. Nang makapasok ito ay tinaasan pa ako ng kilay pero matapos ko siyang matingnan ng halos dalawang segundo ay bumalik na ako sa pagkakaupo at mas inatupag ang sinusulat sa notebook na ibibigay ko kila MJ.
Nagsusulat ako ng numbers ay letters para may mabasa sila kapag hindi sila nanlilimos o nangangalakal, lalo na kay Caly.
"Mama, Papa, Baka, Baboy, Halaman, Damit, Zigzag, Kuya, Ate," pagbabasa ko sa mga nasulat ko.
Itong notebook na 'to ang magsisilbing basahan ni Caly since hindi ko pa natatanggap ang pangatlong sahod ko para malabili ng mga makakatulong sa pag-aaral sa pagbabasa o pagsusulat. Sa kanila ko halos nauubos dahil binibilhan ko sila ng damit na mumurahin lang din, bumabayad din kami sa may poso para makaligo silang magkakapatid. Tinuruan ko din ang panganay ng mga basic na math na alam ko din para kahit papaano e may nalalaman silang bago. At masasabing kong matalino si Rehan dahil mabilis niyang naka-catch up ang nga naituturo ko. Dahil na din siguro na natigil ang pag-aaral niya ng grade eleven.
Masaya nga ako at mabilis matuto ang panganay sa kanila. Natutuwa din ako kasi kahit papaano ay sumasabay ang iba pa niyang kapatid kapag nagtuturo ako ng plus and minus. Kahit pinagtitinginan kami sa parke ay wala kaming pakialam dahil wala naman kaming ginagawang masama sa halip ay sinisikapan nilang matuto.
YOU ARE READING
HER HALF (COMPLETED)
Любовные романыUNEDITED. - She was treated badly, she longed for a Father's love and still, she can't do anything about it. Maya is a hard-working woman and didn't even realize that her life can change in a snap that leads her to being with her half.