CHAPTER 7
"Hello, dogie," ani ko at agad niyang dinilian ang kamay kong hinihimas ang noo niya at nagsimula ding gumalaw ang buntot niyang mahaba. Ito ba ang sinasabi ni Sir na nangangagat at kinakatakutan? Nang tinanong ko naman kung bakit pa pinapakawalan gayong nangangagat daw, ang sagot lang naman ay sinanay ang mga asong ito na amuyin ang mga bomba o kung ano pa mang mga bagay na magdadala ng disgrasya sa pamilya lalo na at madaming gusto silang ipabagsak.
"Anong pangalan mo?" Napatawa ako sa sarili kong tanong, para namang sasagot ang aso. Kinapa ko ang sa may leegan nito at nakita ko ang collar ng aso.
"Hmm, Lasorous? Hi Lasorous, I'm Maya. Personal Assistant ng amo mo o master mo." Tumahol ito at mas naging makulit dahilan ng pagkaupo ko sa malamig na sahig. Tumatawa na din ako dahil nakikiliti ako at dinidilaan niya ang mukha ko sabay ng pagtahaol niya.
Natigil lang pakikipaglaro ko sa aso nang sumigaw ang guard.
"Maam, stop!"
Sa tingin ko ay naalarma ang mga tao sa palapag na ito sa biglaang pagsigaw kaya nagsilabasan sila at nagtaka naman ako dahil halatang gulat na gulat sila sa nakikita ng mga mata nila. Ano nga bang nakakagulat? Gayong nakikipaglaro lang naman ako sa aso nila. Ay hala. Galit kaya sila dahil hinawakan ko ang sobrang mahal at high trained na aso na 'to?
"Lasorous! Get the taser, Levis!"
Naalarma naman ako sa narinig. Iyan 'yong nakukuryente ka. Gagawin nila iyon sa aso gayong wala naman itong ginagawang masama?
"Hala, 'wag po!" Lalapit na dapat ako kay Lasorous nang hablutin ang isang braso ko at nang lingunin ko ay isang chief ito. Nagpumiglas pa ako at sumisigaw na huwag nilang saktan ang aso. May kung anong nabasag sa puso ko sa isiping masasaktan ang aso dahil sa pakikipaglaro ko sa kaniya at nagsimula nang tumulo ang luha ko.
Si Lasorous naman ay mas lumakas ang pagtahol habang hawak hawak ng guard and collar nito at may nilagay nang itim na bagay dahilan para hindi niya mabuka ng tuluyan ang bibig niya pero nakakatahol pa din siya.
"What is happening?"
Sabay sabay kaming napatingin sa nagsalita. Nakatayo si Sir Vasco sa dulo ng hagdan at sa likod nito ay ang kaniyang asawa. Napatingin naman siya sa akin at kumunot ang noo niya sabay tingin sa aso.
"Did our dog bite you, Maya?" Marahas akong umiling at ginamit ang buong lakas para makatakas sa hawak ng cheif at nang magawa ko iyon ay tinakbo ko ang pagitan namin ni Lasorous na siyang nakaipon ng singhapan sa mga nakakasakasi.
"S-sorry, Lasorous," hikbi ko at niyakap siya, kumalma na din siya at hindi na agrisibong tumatahol. Sinamaan ko ng tingin ang nakahawak sa kaniya kanina habang pinupunasan ko ang mga luhang nakatakas sa mga mata ko.
Pansin kong napatanga ang mag-asawa sa nakita. Iniisip ba nila na gano'n kasama at kadelikado ang asong 'to? Hindi ba nila naiisip ang mararamdaman ng aso kapag kinuryente nila? Paano kung mangyari sa kanila ang ginagawa nila sa aso? Magiging masaya din sila at magiging kalmado?
"Pasensiya ka na ha," bulong ko at hinimas ang ulo nito bago sinubukang tanggalin ang bagay na pumipigil sa kaniya na mabuka ng tuluyan ang bibig nito. Napangiti ako nang dilaan niya ang mga kamay ko at naupo habang dinadama ang paghaplos ko sa kaniya.
Isang ala-ala ang pumasok sa utak ko sa mga oras na 'yun. Kahit ano mang gawin mo sa isang hayop, kapag naging konektado kayo, hinding hindi na at wala ng makakaputol ng koneksyong nabuo niyong dalawal. Iyon ang sinabi sa akin ni lola na nasa kalye, may kasama siyang tatlong aso at makikita mo talagang walang balak ang mga ito na iwan si lola kahit na nanghihina na ito dahil sa katandaan. Isang linggo matapos ang pangyayaring iyon ay nalaman ko na lang na lumisan na si lola at ang mga aso ay nasa animal rescue.
YOU ARE READING
HER HALF (COMPLETED)
RomanceUNEDITED. - She was treated badly, she longed for a Father's love and still, she can't do anything about it. Maya is a hard-working woman and didn't even realize that her life can change in a snap that leads her to being with her half.