CHAPTER 19

427 7 3
                                    

Chapter 19

Payapa ang ilang buwan na nagdaan. Naging komportable na sila Nemesis at Vitto sa bahay kasama ang mga bata, walang nanggugulo Ama ni Vitto at may patagong trabaho si Nemesis.

Ang mga bata? Tuwang tuwa dahil may panibago daw sila na Kuya. Si Vitto naman ay talagang gumaling na at mas nagiging showy na ito sa Ina. Panay ngiti na ito kagaya ng apat, humahalik na din ito sa noo o pisngi ng Ina kapag may pagkakataong nakikita.

Malaki daw ang pasalamat ni Nemesis sa akin dahil mas naging mapagmahal ang Anak niya sa kaniya. Tulong tulong kami sa mga gastusin sa bahay lalo na sa pagkain. Naging pito ba naman kami sa iisang bahay. Kaya kailangan talaga magsikap para may makain kaming pito sa pang-araw-araw.

Kung dati kasi laging may pa free grocery si Ma'am Fasaia, ngayon ay wala na at kung meron man, hindi ko tinatanggap at pinapabalik ko sa mansyon. Sapat naman na ang mga naitulong nila sa akin at sa amin, responsable ko na bilang Nanay ay ang kumayod para makakain kami lahat.

Matapos ang anim na buwan mula ng pag-alis nila, ni litrato ni Achie hindi ako nakatanggap. Suot suot ko pa din ang kwentas na ibinigay ni Ma'am Fasaia dahil pinanghahawakan ko ang binitawan niyang mga salita. Hinuhubad ko lamang ito sa tuwing ako'y patulog na.

Marahil napaka-busy nila doon sa ibang bansa at hindi na nila nagagawang kumuha at magpadala ng litrato.

Sa mga unang buwan mula ng pag-alis nila, lagi akong naiiyak ng patago dahil ayaw kong malaman ng mga bata kung gaano ako kaapektado sa mga biglaang pangyayari.  Hindi ko din ba mawari ang tadhana, kasi kung kailan nagkakalinawan na, saka naman dadanak ang dugo at ang mga problema.

Alam mo iyong tipong nagiging okay na, na akala mo malilinawan na ang lahat, mas may pagkakataon na kayong ipakita sa isa't isa kung gaano kahalanang bawat isa. Kaso ang panahon na mismo ang humahadlang kaya ano pang magagawa ko?

Ni hindi ko na nga nabibisita ang mansyon dahil ano pa bang gagawin ko doon? Wala naman ang mga taong gusto kong bisitahin. Maski sa trabaho ko sa kompanya nila ay hindi ko na magagawa dahil purong pagka-miss lang ang mararanasan ko dahil sa bawat sulok ng opisinang 'yon, anyo ni Achie ang nakikita ko kaya mas mabuting humanap na lang ako ng ibang trabaho.

Minsan na akong dumalaw sa kompanya at huling beses ko 'yon dahil nagpaalam ako na magre-resign na nga ako at ang dinahilan ko ay ang mga bata. Nanghinayang sila, oo, lalo na si Alexandria. Kung kailan daw may Ate na siya doon pa ako aalis.

Sa anim na buwan na wala siya, puno ako ng lungkot pero nandyan naman ang mga bata at sila Nemesis kaya medyo nababawasan kahit papaano.

Nababawasan nga ba? O baka nakakalimutan ng pansalamatala?

Kahit ano na. Ang akin lang ay gumaling siya at humiling na sana'y ako'y maalala sa pagbalik niya. May mga araw na hindi ko mapigilang hindi umiyak dahil sa pangamba at sa isiping baka tuluyan na niya akong makalimutan.

Pero ang mas nakakatakot ay kung baka mas piliin niyang huwag bumalik sa kadahilanang naisipan niyang hindi talaga ako ang gusto niya. Mga tao pa naman ngayon ay mas pipiliin iyong kasama nila sa mga panahong lugmok sila at walang wala.

Paano na lang kung si Vix ang piliin niya? Dagdag pa na fiancee niya ito? Paano na lang ako?

Paano na lang si Maya?

Hinihigpitan ko na lang ang pagkakakuyom sa pendant ng kwentas kapag nangyayari ang mga gano'n, ang pag-ooverthink sa mga bagay bagay.

"Ma! We're home!" Agad kong inayos ang pagkakatali ng buhok ko nang marinig ang tinig ni Rehan. Nasa kusina ako at naghahanda ng meryenda para sa kanila kaya naman isinabay ko na pagbitbit sa tray papunta sa sala at sinalubong ang mga yakap at halik nila sa pisngi o noo.

HER HALF (COMPLETED)Where stories live. Discover now