CHAPTER 6

657 9 0
                                    

CHAPTER 6

Halos isang linggo akong walang trabaho. Nakatambay lang ako sa bahay, kahit papaano naman ay may ipon ako na mga delata kaya ayun na lang ang kinain ko. Hindi din ako lumabas ng bahay.

Pero matapos ang ikapitong araw ng pagiging unemployed ko, bumibili ako sa tindahan malapit doon sa building ng Vasco Empire ay nakita ako ng guard ni Sir Achie kaya ang nangyari, dinala nila ako sa office.

In short, nagtrabaho ulit ako. Kaya hanggang ngayon ay nandito ako. Halos dalawang buwan na din ang nakaraan simula ng mangyari ang katangahan kong 'yon. Hindi nga kami masyado nag-uusap nun. Tahimik ako at tahimik din siya, ginagawa niya mga papeles niya, nililinis ko naman iyong mga bintana at magsulat ng mga makakatulong sa magkakapatid.

At ngayon, may tumawag sa telepono. Kikitain daw ako. Sa halos isang taon ko na sa kompanyang ito, hindi ko alam kung mabait ba talaga ang Nanay at Tatay ni Sir. Though mga hindi abot ng lima ang beses na nakita ko sila simula noong naging P.A. ako ni Sir Achie kasi nagtatago ako eh o hindi kaya'y nasa Cr.

Ang sabi sa tawag eh maghintay lang daw ako at may susundo sa akin. Tutal tapos ko naman na ang trabaho ko at alas onse pa lang, nagsimula na akong maglakad pababa sa hagdan kasi baka umakyat pa sila tapos pababa ako, edi hindi kami nagkita niyan.

Sa ilang beses kong pagtataas-baba sa mga hagdanang ito ay kahit papaano hindi na ako medyo napapagod at hindi na ako gaano kabagal tulad noong dati na sobrang sumasakit ang mga hita ko sa sobrang paglalakad pataas o pababa.

Halos bente minutos din akong bumaba sa hagdan at saktong paglabas ko sa may hallway patungo sa hagdanan eh pumasok ang mga naka uniform na suit na itim at shade. Ganito talaga ang mga nakikita kong guard ng mga mayayamang pamilya sa telebisyon.

"She's there."

Nagsabay ang kanilang paglingon sa gawi ko dahilan para makakuha ng atensyon at mga mapanuring mata ng mga taong naglalabas-masok sa building.

"Good morning po," saad ko pero hindi naman sila nagsalita.

Sinabihan lang nila ako na sundan ko sila at dadalhin nila ako kay Sir Vasco. Habang pasakay ako, hindi ko mapigilan ang kabahan. Paano kung prank pala 'to? Tapos kikidnapin ako, manghihingi ng ransom money e wala kami nun! Paano na lang ang mga bata at si ate ko?

"We're not kidnapping you, Ma'am. Mr. Vasco wants to see you for some private reason...I said that because you look like you're overthinking here or maybe thinking that we're kidnaping you and will order a ransom money."

Napahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang talaga. At tsaka, pati mga guard nila, English din. Paano ako nito makipag-usap kung minsan ay hindi ko ma-express and sasabihin ko?

Tumango tango na lang ako at hinintay na dumating kami sa bahay. And o how wrong I was, hindi lang ito bahay. Mansion! Ano pa nga ba ang ine-expect ko sa pamilya nila? Mga bilyonaryo.

Bumukas ang malaking gate at doon ay bumungad sa amin ang isang malaking fountain sa gitna, umikot doon ang sasakyan at tumigil sa mag hagdan papasok ng mansyon nila. Nakaawang ang bibig kong bumaba sa puting van nila at doon na lang ako naka-recover sa pagkabigla nang may lumapit na maid at nagtanong kong ako nga ba si Maya na siyang tinanguan ko bago niya ako iginiya papasok.

"Woah."

Iyon ang unang lumabas sa bibig ko nang makita ang kabuuan ng loob. May grand staircase sila na paikot pababa at napakalaki ng space. Mamahalin din ang mga gamit na nakadisplay lalo na iyong mga vase at mga painting na nakasabit sa dingding. Ang ganda.

Hinahangaan ko pa din ang mga desinyo ng lugar nang marinig ko ang boses ng isang lalaki kaya agad akong napalingon.

"Are you Maya Pedrosa?"

HER HALF (COMPLETED)Where stories live. Discover now