CHAPTER 1

1.2K 20 5
                                    

HAPPY VALENTINE'S DAY SA INYO! SA MGA KAPWA BITTER KO D'YAN, APER.

CHAPTER 1

"Maya... Maya... Maya!"

Mabilis pa sa kidlat na tinakbo ko ang hagdanan nang marinig ang sigaw ni Kuya. Baka magsumbong na naman kay Mama at ako na naman ang lumabas na masama. Ewan ko ba d'yan kay Kuya parang walang kamay o paa! Naiirita na ako pero wala akong choice kundi ang sundin sila.

I am now eighteen, gusto ko ng umalis sa pamamahay na 'to pero natatakot na baka anong gawing ni Mama o ng mga kapatid ko. Paano na lang ang mga pang-araw-araw nila. Baka hindi sila makakain ng tama kasi wala ako na mag-aasikaso sa kakainin nila. Pati na rin sa mga gawaing bahay, baka hindi na maging malinis ang bahay kapag wala ako.

"Bakit, Kuya?" May ngiti sa labi kong tanong.

Sa mga nagdaang taon, napagtanto ko na kung iiba ako sa agos ng Pamilya namin, ako lang ang masasaktan. Ako lang ang mahihirapan dahil wala silang pakialam. The more na umayaw at magmatigas ako, the more na masasaktan ako at ang pisikal na katawan ko. Buti nga at hindi na gaanong nananakit si Mama nitong mga nakaraang linggo. Payapa ang buhay ko, payapa ang bahay namin.

"Pupunta rito ang mga barkada ko, maghanda ka ng meryenda namin. Magpalit ka din ng damit. Iyong maayos at hindi ka mukhang nanay. Try mo magsuot ng short at sleeveless na damit."

Bigla namang nanlamig ang kamay ko. Nang marinig ko ang salitang barkada nagsitaasan ang balahibo ko.

"Ang ganda mo naman pala, Maya." Hindi ako lumingon pero alam kong si Paul ang nagsalita. Kanina pa kasi siya panay puri sa akin at sa gandang sinasabi niya.

"Mike, baka naman?" Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay alam kong nakangisi ito. Imbes na kay Paul ako tumingin eh sa Kuya ko ako tumingin at hindi na ako nagulat nang tumawa lang ito at tumango na para bang hindi niya naiintindihan ang pambabastos ng kaibigan niya.

"Ahm... Paano ba 'yan, Maya? Pumayag ang Kuya mo? Hahaha."

Hindi ko inaakalang imbes na maghahatid lang ako ng meryenda nila eh mababastos na ako ng ganito. Pilit inaabot ni Paul ang beywang ko pero agad akong tumayo at marahang lumayo sa magbabarkadang nakaupo.

"Sana po masarapan kayo sa ginawa ko pong meryenda, mauuna na po ako." Akmang maglalakad na ako palayo nang biglang tumayo si Paul at niyakap ako mula sa likod. Muntik na niyang makapa ang dibdib ko, buti na lang ay naharangan ko ito ng kamay ko.

Ramdam ko ang pagkiskis niya sa may likod ko dahil mas matangkad siya sa'kin. Mahigpit ang pagkakapikit ng mga mata ko, hinihintay ang susunod na mangyayari. Kung ito na ba ang huling araw ng pagiging malinis ko o hindi. Ilang ulit niya pang ginawa ang marahang pagbayo sa likod ko, ramdam na ramdam ko ang bukol niya sa bawat paglalapit ng likod ko at ng babang katawan niya.

"Paul, tigilan mo na. Pinapaiyak mo lang ang kapatid ko," pagpapatigil ni Kuya. Tila nagbago ang ihip ng hangin at nagkaroon ng concern ang Kuya niya sa kaniya.

"Tsk, akala ko ba okay lang. Arte mo naman, Maya. Ayaw mo ba sa tite? Tabi nga." Itinulak niya ako dahilan para mapaupo ako sa malamig na sahig.

HER HALF (COMPLETED)Where stories live. Discover now