CHAPTER 13

469 6 4
                                    

Chapter 13

After a week of being at home, I decided to go to mall with the kids because Mark become the First Honor in their class. And as their Mama, I would like to show him how proud I am to what he achieved and since I still have money a little, we decided go to mall and now here we are.

"Mama, paano po 'pag naubos ang money natin?" Napatingin ako kay Caly na nakahawak sa kamay ko.

Nasa may unahan ang tatlo at magkahawak kamay kasi baka mawala sa dami ng tao sa mall dahil Sunday.

"Kapag gano'n, magtatrabaho ulit si Mama para hindi kayo matigil sa pag-aaral at may maabot sa buhay hindi tulad ni Mama." Napatango tango naman siya at pasalamat ko na lang na hindi na siya nagtanong pa at nag-eenjoy sa pagtingin sa mga store na nadaanan namin.

Isang libo na lang talaga ang pera sa bulsa ko dahil nagbayad ako sa school nila. Mga homeroom project gano'n.

Kita sa mga mata nila ang saya habang naglalakad lakad sa mall.

Biglang tumigil ang tatlo at napalunok na lang ako nang tumigil ito sa harap ng store na puro mga laruan. Eh sana hindi mahal ang mga laruan d'yan eh jusko isang laruan limang daan, dagdag pa na isang libo na lang pera ko.

Nakita kong niyuko ni Rehan ang mga kapatid niya at nagsalita na hindi ko marinig dahil sa patugtog ng mall.

Ngumiti si Rehan at pinatpat ang ulo ng mga ito bago sila nagpatuloy sa paglalakad.

Sa pagkakataong ito, tumigil sila sa isang store na wala gaanong tao dahil na din siguro sa mga tinda nila. 

"Ma, dito na lang tayo." Tumango ako nang makalapit ako kay Rehan at pinapasok na sila sa loob.

Agad akong nilapitan ng isang sales lady..

"Good day, Ma'am. Kapag po may tanong kayo ay tawagin niyo lang po ako," saad nito na siyang nginitian at tinanguan ko.

Agad akong naglakad patungo sa isang tinda at tiningnan ang presyo. Napahinga ako ng maluwag nang ang mga tinda nila ay hindi umaabot ng singkwenta ang halaga.

"Mama pwede mo po akong ibili nito? May sulat sulat po kasi sa loob, para po maging better sulat ni Breil," ani Breil at tinuro ang sarili.

"Sige pili ka ng three na ganiyan. Si Kuya Mark at Caly papiliin mo din ng ganiyan, okay?" Tumango siya at bumalik na sa mga shelves na may nga libro, coloring books at kung anu ano pa.

"Ma..." napaatras ako nang marinig ang boses ni Rehan sa may likuran ko. "...kasya ba pera mo Ma? Kapag kulang sabihan mo'ko ah, may ipon akong dala dito."

Hindi pa ako nakakasagot ay yumakap ito sa akin at bumalik sa mga bata. Hindi naman gaanong malaki ang store kaya tanaw ko lang silang lahat. 

Hindi nakaiwas sa pandinig ko ang bulungan ng dakawangt sales lady na malapit sa counter.  Maliit lang ang space nila kaya talagang rinig ko.

"Asawa niya 'yon? Ang bata!"

"Oo ata, may tatlong Anak pa."

"Malandi siguro."

"Baka nga at walang pera kaya nandito sa store natin." At nagtawanan sila kaya nilingon ko at umaktong walang narinig.

"May problema?" tanong ko na agad nilang inilingan at bumalik sa dati nilang pwesto noong hindi pa kami pumasok.

Umabot ng kalahating oras ang pagpili nila ng mga libro at crayons at papel ay sabay kaming naglakad sa counter. Si Rehan na mismo ang naglagay sa counter ng mga napiling bilhin nila at sinabihan ko mauna na silang lumabas.

HER HALF (COMPLETED)Where stories live. Discover now