Rehan's POV
Tahimik lagi ang gabi naming magkakapatid. Walang mainit na gabi maliban kung may lagnat ka. Hindi lahat may kumot. Nakakatulog kami dahil sa lamig, nagigising dahil sa lamig ng simoy ng hangin.
"Kuya may pagkain ka?" May lungkot sa labi akong Umiling sa pinakabata kong kapatid na si Caly.
"May nakauna sa basurahan nung bakery na lagi nating pinupuntahan. Ayoko namang magkagulo kaya umalis na lang ako. Pasensiya ka na prinsesa namin ha? Baka bukas, makahanap o makahingi ako. Sa ngayon, tiis tiis na lang muna tayo," saad ko at pilit akong ngumiti sa kanila kahit na naiiyak na din ako sa awa sa aming magkakapatid.
Wala na ang mga magulang namin. Nagising na lang kaming kami na lang ang magkakatuwang sa buhay.
Sa umaga, naghihiwalay kami ng dalawa ko pang kapatid para maghanap o manghingi sa mga taong nakakasalubong namin. At pagkatapos ng dalawa o tatlong oras, depende kung meron o wala na talaga, bumabalik kami sa Parke. Buti nga at hindi kami shinoshopi sa Parke na 'yon.
Kapag naman may nagkakasakit sa mga kapatid ko, minsan ay kumakapit na ako sa patalim. Gumagawa ng bagay na hindi naman dapat.
Hanggang sa may dumating anghel sa amin. Napapasabi talaga ako na nakikinig pa din si Lord sa mga dasal natin kahit na nadi-delay. Pero ang mahalaga ay may grasya pa ding binibigay si Lord kahit na tayo'y mga makasalanan.
Binigyan niya kami ng makakain, simula nun ay naging mas madalas ang pagbibigay niya sa amin. Hanggang sa pag-uwi niya galing sa trabaho at kapag nadaan sa Parke, may binibigay itong mga coloring book at kung anu-ano pang nakakatulong sa amin.
Nag-aaral ako noon at tumigil nang matapos sa grade 11. May naalala naman ako pero kadalasan at wala talaga kasi panay absent din dahil nga sobrang hirap sa buhay.
At ito ngayong si Ate Maya, ginagawa at binibigay ang makakaya niya para matulungan kami hanggang sa dalhin niya kami sa bahay nito na hindi din kalakihan pero sapat na.
Nasa iisang kwarto kaming magkakapatid, siya sa kabila. Nagta-trabaho pa din ito at isang gabi ay nagulat na lang kami nang may sumisigaw sa may kadiliman at nang mapagtanto naming si Ate Maya iyon, agad kaming sumugod dala dala ang kahoy at bato.
Lasing ang mga ito kaya may kadalian lang sila na patumbahin. Agad akong lumapit kay Ate pero sa totoo mas gugustuhin kong tawaging Mama si Ate Maya. Dahil para siyang Nanay kung mag-alaga.
"Alam mo na 'to, Rehan?" tanong ni Mama habang nakaturo sa multiplication table.
Kumpyansa akong tumango. "Yes, Ma. Ang galing ko 'no?" Ginulo nito ang buhok ko at natawa kaming dalawa bago tinanaw ang mga kapatid kong naglalaro sa swing at slide dito sa Parke.
At nakilala niya si Kuya Achie. Alam kong may gusto ito sa Mama namin pero may parte pa din sa akin na huwag pagkatiwalaan ang mga mayayaman dahil minsan sa kanila, ginagamit ang pera mas ipamukha sa'yo kung gaano ka kaawa-awa at kahirap. Na mas mataas sila sa'yo dahil may pera sila at ikaw wala. Nabibili agad nila ang gusto nika samantalang ikaw ay hindi. Isang pitik lang ng kamay nila, nasa sa kanila na. Habang ikaw ay kailangan pang magbanat ng buto.
"Para sa inyo 'to, kakasya ba 'to sa isang linggo o hindi?" tanong ni Kuya Achie sa akin nang matapos naming ayusin ang binili niyang pang isang linggo lang daw e kaya na ng isang buwan 'to eh.
"Bakit mo 'to ginagawa? Sa tingin mo ba madadaan mo ang Mama ko sa pera? Hindi gano'n ang Nanay namin."
Ngumiti ito ng maliit at umiling. "I know Maya will not fall for money. Gusto ko lang talagang tumulong." Tumango ako at tinalukuran si Kuya Achie.
As much as possible, ayokong isipin niya na unti-unti niya kaming nakukuha dahil sa kabaitan nito dahil hindi namin alam na baka nagpapanggap lang itong mabait kahit hindi.
"Oh my! They're your children?" Tumango si Mama sa babaeng kaharap namin. Parang excited na excited ito na mapunta kami dito.
Nakatayo ako sa gilid ni Mama habang karga-karga na ni Kuya Achie si Caly at hawak ko si Mark habang si Briel ay nakay Mama.
"Oh god! The mansion has kids again! Ahh I'm so excited!"
"I'm glad you brought them here, Maya."
Nang lumingon si Mama sa amin at tumango, agad kaming nagmano sa dalawa na halatang naging masaya sa ginawa namin.
Isang araw nagising kami nang walang kasama sa puno ng laban na mundo, at isang araw nagising kaming naging Ina na namin sa papel si Mama Maya. Mas napabilis pa nga ang proseso dahil sa tulong ni Lola Fisaia.
At mas naging maayos pa ang buhay namin nang ipasok kami sa isang paaralan. Sa una ay sobrang hirap makipag-halubilo. Natatakot akong kumausap sa ibang tao dahil nasa likod ng isipan ko na tatratuhin nila akong basahan pero mali ako dahil agad akong nagkaroon ng kaibigan kahit pa na alam nilang dati akong nasa kalsada.
Lalong naging masaya ang pag-aaral ko nang ipinakilala ako ni Maam Fisaia sa isang tutor. Magaling itong magturo dahilan para mabilis akong natuto.
May Anak itong babae na nagngangalang Moffet Dianne Reeves. Masayahing tao. Iyong kahit simpling ngiti lang o baling niya sa'yo, maayos at kompleto na ang araw mo.
Parehas kami ng Strand pero mas bata siya sa'kin. Napapaisip tuloy ako na nasa mas bata ang true lab.
Pero syempre, goals muna. Kailangan ko munang maka-graduate bago ako manligaw. Aabutin ko muna ang pangarap ng Mama ko bago ko suyuin ang pangarap ko.
Kapag naabot ko na at nasuklian ko na ang ginawa at mga tinulong sa aming magkakapatid, saka na ang mga gusto ko. Sina Mama muna bago ako.
Nami-miss ko na ang mga magulang ko pero alam kong ayaw nilang malungkot kami dahil sa kanila at alam kong masaya din sila sa kung saan kami ngayon.
Swerte na kami at nagkaroon kami ng tsansang magkaroon ulit ng magulang at si Mama Maya 'yon.

YOU ARE READING
HER HALF (COMPLETED)
RomansaUNEDITED. - She was treated badly, she longed for a Father's love and still, she can't do anything about it. Maya is a hard-working woman and didn't even realize that her life can change in a snap that leads her to being with her half.