Chapter 20
Two months later, I found myself entering the building of the Vasco Empire. I received a text message from Alexandria saying I need to come about something she didn't said. So, I am now here facing the personnel in the front desk.
She's surprised for my sudden visit because I haven't been here for almost a year now.
"Wow, Maya. How are you?" she asked.
"Okay naman. Payapa ang buhay," tanging sagot ko.
Nang magtanong siya kung bakit ako nandito ay agad kong sinabi na pinapunta ako ni Alexandria to talk about something i don't know.
"Thank you." I walked directly to Mrs Kalim's office and when I knocked, it wasn't Mrs Kalim who opened the door, it was Alexandria.
"Hi Ate!" Napaatras ako ng kaunti ng sugudin niya ako ng yakap. Natatawa akong yumakap pabalik sa kaniya hanggang sa pinaupo niya ako.
This office has changed. Kung dati puro drawer lang na may uniform, ngayon ay puno ng calming vibe. Mula sa mga gamit na halos kulay brown, light brown, at puti may mga maliliit din na bulaklak.
Ngayon ko lang din napansin na pangalan ni Alexandria ang nakalagay sa desk niya katabi ang ibang papeles na hindi ko tiningnan.
Pagkapasok ko kanina ay agad kong napansin ang pagbabago ng kulay ng pintura sa mga dingding at may ibang desinyo na din na nakalagay.
"Nag-retire na si Mama. Kaya ako na ang pinalit sa kaniya." A proud smile appeared in my face while nodding slowly.
"That's good. Kamusta naman? Hindi ka na naglilinis sa taas?" Nawala ang ngiti nito kaya nagtaka ako.
"After Sir Achie disappear—well not really disappear. You know Ate, dinala sa ibang bansa, hindi na kami nakapasok sa opisina. Kung meron man makakapasok, iyon ay ang maglilinis. But once in a month lang din. Hindi nga bumisita ang mga magulang niya dito eh. We're hoping na lang talaga na maayos na ang lagay ni Sir kasi mag-iisang taon na siyang wala 'di ba." Tahimik akong napatango.
"Si Sir Alark ang minsang naghahandle ng mga bagay bagay kapag need ng approval sa kung saan," saad nito at napatango naman muli ako.
Speaking of Alark, he visited us last week and I found out na malapit nang manganak ang magiging miss niya. But he's sad somehow. He's scared about something. Hindi daw kasi aproba ang mga magulang niya sa babae dahil na din daw sa past nito. I can't blame his parents though, but I hope they accept her since sooner or later, makikita na nila ang apo nila.
Alark changed a little when it comes to his appearance. Namayat kasi ito eh kasi grabe maglihi ang magiging Asawa niya. Nagreklamo nga sa akin 'yon kung bakit pinapagawang shampoo nung girl ang downy na para sa damit.
Ilang buwan daw siyang amoy downy na black. Pati sabon niya, downy.
Ako na nga natatawa na naaawa sa kaniya kasi literal na mahirap maglihi ang babae. Tinatanong ko nga kung sino kasi gusto kong maging kaibigan pero ayaw niya namang sabihin sa kadahilanang nahihiya din daw ang babae. Hinayaan ko na lang, saka na lang kapag manganganak na ito.
Nagreklamo din siya sa cravings nito kasi kung siya ang kakakain, nasusuka daw talaga siya.
"Anong lasa ng manggang sinasawsaw sa Mafran aber? Iiyak pa kapag hindi ako kumain, Maya! Eh mahal ko kaya ilulunok ko na lang," problemado niyang saad noong nag-usap.
Oo nga naman, anong lasa ng gano'n.
Eh mahal niya naman kaya kakainin niya ang gustong ipakain ng mapapangasawa kung ayaw niyang mabwesit ang babae dito.
YOU ARE READING
HER HALF (COMPLETED)
RomanceUNEDITED. - She was treated badly, she longed for a Father's love and still, she can't do anything about it. Maya is a hard-working woman and didn't even realize that her life can change in a snap that leads her to being with her half.