CHAPTER 16

495 6 2
                                    

Chapter 16

"Good morning everyone, and welcome to the event that will help the homeless in our place. Ang malilikom na pera ay ipambibili ng mga pagkain at mga bagay na kakailangan ng nasa lansangan. Nawa'y mag-enjoy tayong lahat and at the same time, makatulong."

Lahat kami ay nagpalakpakan. Kasalukuyan kaming nakaupo sa sobrang laking space ng school nila. May itinayong stage ang paaralan sa sentro ng napakalaking paaralan na 'to.

Nagkalat ang upuan at mga desinyo ng event. Buti na nga lang ay may pa-bubong ang eskwelahan kundi baka may mahimatay kapag nababad sa sobrang init. May mga mesa din at sa harapan, naroon kami naupo. Sunod ng mesa na linya ng mga guro, magsasalita kasi si Rehan mamaya at talaga namang kanang kaba siya ngayon dito sa tabi ko.

Tinatapik ko nga ang kamay niyang nanlalamig kahit kakasimula pa lang ng program. Nagpapawis din ito kaya buti na lang ay nagdala ako ng extra uniform at pang-ilalim na dami in case na kailanganin niya since ito ang una niyang pagsasalita sa harap ng maraming tao.

May dala itong papel na ni-print niya para basahin niya daw mamaya. Baka daw kasi mamental siya kaya naghanda na siya ng sasabihin niya.

Nakaupo din sa ibang upuan ang tatlo na busy kakalaro sa lobong hawak. Buti na nga lang at hindi naglilikot ang mga 'to dahil sa sobrang dami ba namang tinda na nagpaligid sa buong paligid na makakatulong din para sa mga walang tahanan.

Malaki ang mesa namin dahil nandito sila Ma'am Fasaia, Achie at Vix. Si Sir Vlad hindi nakasama dahil daw kailangan niyang lumipad sa ibang bansa para sa meeting na hindi ko na inalam kung ano.

Ang mahalaga ay nandito ang isa sa makapangyarihang tao na tumulong para mapatayo ang paaralang ito. Ngayon ko lang din nalaman nang i-introduced ng emcee ang presence ni Achie at ng Mama niya as the second biggest contributors of the school.

Akala ko kasi simpleng donation lang ang ibig sabihin nung guro ni Rehan noong nakaraang meeting. Jusko, hindi naman pala.

Habang nakikinig kami, napansin kong naiinitan si Vix kaya tahimik kong iniabot ang pamaypay na hawak ko tutal komportable naman na ako.

Eh itong si Vix, sanay sa Aircon ang balat kaya paniguradong init na init ito ngayon kahit na may bubong naman dito.

"I don't need that," saad niya at hindi tinanggap.

"Namumula ka na. isantabi mo muna ang init ng ulo mo sa'kin kahit ngayon lang kung ayaw magmukhang hatdog sa pamumula," sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya at nanatili ang mata sa stage.

"Argh, annoying." Tumahimik na lang ako at hindi na sila kinibo.

Ramdam ko ang titig niya.

Ramdam ko ang titig ni Achie.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang nangyari matapos nang halik na 'yon.

Sa sobrang kaba ko na may makakita sa amin, natulak ko siya at deretsong pumasok sa loob kasama ang tatlong aso.

Sa buong pagkain namin ng hapunan, minsan ko lang siya dinadapuan ng tingin tapos ang loko sa bawat paggawi ko sa kaniya, nakatingin din siya tapos biglang tatawa.

At napansin iyon ng Papa niya kaya nung tanungin siya, patawa-tawa lang itong sumagot ng, "I am happy because the kids are here." Tapos iiling na naman siya habang panay ngiti.

Actually hindi ko alam na ganoon pala ang magiging reaksyon niya pagkatapos marinig mismo sa bibig ko na gusto ko siya. Namula kasi siya kanina pero pinigilan ko kasi baka maurat.

Masira pa once in a blue moon naming moment.

Matapos namin kumain mga eight na siguro iyon ng gabi. Nagkayayaan kami sa sala ng mansyon na kay laki.

HER HALF (COMPLETED)Where stories live. Discover now