CHAPTER 15

531 9 4
                                    

Chapter 15

"At least I'm ready to be a parent. How about you?" sagot ko sa kaniya.

"Kung mag-aaway kayo, pwede na kayong lumabas sa opisina ko. Ayoko masira ang mood ko sa araw na 'to. If you two want to fight again, fight in the street, ladies." Parehas kaming natahimik ni Vix sa pagsasalita ni Achie.

"And you Maya, what time will you leave?"

"Eight thirty, Sir." Isang beses itong tumango at bumalik sa pagbaling sa mga papel na binabasa nito.

Nagsimula ang pagsasalo sa main cafeteria ng building. Nagtutgtugan at nagsisiyahan. May na close kasi na deal ang kompanya. A very big deal na international, that's why we're celebrating.

Habang naghahanap ng tyempo para magpaalam, lumapit ako kay Achie na nakatayo mag-isa sa may gilid at may hawak na inumin.

"Achie, pst...hoy Sir." Bingi ba 'to?

"Achie!" Sa wakas ay napalingon ito sa akin. Ngayon ko naisipang magpaalam kasi wala sa tabi niya si Vix.

"Aalis na'ko," I mouthed while pointing the exit.

Tumango ito at bumalik sa pag-iinok. Umagang umaga, psh.

Tahimik akong lumabas sa building at nag-abang ng taxi. Umaga pa naman pero bakit wala na masyadong nadaan na sasakyan?

Ang dalawang minuto ay naging limang minuto. Napapadyak na lang ako ng isang paa no sa inis. Eight forty na, alam ko namang hindi agad magsisimula ang meeting at sampong minuto lang ang tatakbuhin ng sasakyan papunta sa paaralan, pero kasi nakakahiya maging late doon, lalo na at bago pa lang si Rehan.

Isang busina ng sasakyan ang nagpaigtad sa akin at nang tingnan ko kung sino, lihim kong kinagat ang dila ko. Weird 'di ba.

"Sakay na, I'll bring you there. Baka ma-late ka pa."

"Paano ang celebration, Achie? Ikaw pa naman ang vida dapat kasi ikaw naka-close ng deal."

"Hindi ko naman dala ang kakainin at iinumin nila so... they'll manage." 

Tahimik lang ako sa buong byahe. Medyo natagalan pa nga ng kaunti kasi traffic. Pagkadating ko sa school nila, nakita ko si Rehan na nasa labas ng room nila.

Napatingin ako sa relo ko, alas nuwebe na. Baka nag-ooverthink na 'tong panganay ko.

Mana sa Nanay.

"Rehan!" tawag ko sa kaniya at kumaway. Napakunot naman ang noo niya nang makitang nakasunod sa akin si Achie.

Malay ko ba d'yan. Sama daw siya eh. Hindi ko naman pag-aari paa niya, tsaka matanda na siya.

"Ma," bulong nito nang nakatayo ako sa harap niya habang nakabuka ang dalawa kong braso para yayain siya sa isang yakap.

"I thought hindi ka dadating, sabi mo kasi 8:30," bulong nito habang niyayakap ako.

"Na traffic lang po. Tsaka ako pa ba? Hindi dadating? No way, high way." Sabay kaming natawa sa turan ko.

Tumuwid naman ng tayo si Rehan at napatingin sa likod ko.

"Ano pong ginagawa niyo dito Sir Achie. Ikaw po ba naghatid kay Mama? Kung oo, salamat. Makakaalis ka na po." Natampal ko ang braso nito sa sinabi.

"Respeto, Rehan."

"Gumamit ako ng po, Ma." Aba't pilosopo.

"A part of this School is mine so, I'm not leaving," balik na sagot ni Achie.

Kunot noo kong nilingon siya, ang dami niya namang pag-aari?

"Ma'am? Pasok na po kayo para makapag simula na—Mr Vasco! Omg, good morning, Sir. What brought you here?" tanong ng guro ni Rehan.

HER HALF (COMPLETED)Where stories live. Discover now