CHAPTER 2

917 12 0
                                    

CHAPTER 2

Habang ang lahat ay naghahanda at naghihintay sa sinasabing anunsyo ng boss namin ay abala kaming mga trabahante sa paglilinis dito sa may likod ng kompanya. Kailangan daw kasi na malinis ang buong paligid lalo na at medyo pihikan daw o maarte itong dadating. Ayaw sa maduming kapaligiran. Ang iba'y kinakabahan dahil baka mas strikto pa ang dadating pero ako ay chill lang. Malinis na ang pwestong ini-assign sa akin kaya naman ay papunas punas na lang ako ng aking pawis dahil may kainitan nga ang aking pwesto.

"Hindi mo ba narinig na lalaki ang dadating?" Rinig kong bulungan sa katapat kong pwesto. Magchichismisan na nga lang e ang lalaki pa ng boses. Napailing na lang ako sa nakita.

"Aba malay ko, hindi naman ako chismosang tulad mo. Pero kung lalaki nga ay aba dapat magpaganda tayo. Baka ito na ang hinihintay kong swerte na makapangasawa ng mayaman," saad ng isang babae at humgikhik pa.

"Kung gan'on ay dapat ako din!" segunda ng isa.

Napailing akong muli. Kung pag-aasawa ang pag-uusapan ay dapat seryoso at hindi mukhang pera o kayamanan lang ang habol. Napatingin ako sa gawi noong nagsu-supervise sa amin. Tinatawag niya ng lahat kaya agad kaming lumapit habang hawak hawak ang mahahaba naming walis.

"O my god, wipe your sweats, workers. Mangangamoy ang lugar!" maarte nitong sabi. Muli kong pinunasan ang noo at leeg ko kahit na wala na akong pawis dahil mahirap na, baka pag-initan na naman ako ng malditang nagsu-supervise sa amin tulad noong nakaraang buwan.

"What do you think you're doing?!" sigaw niya at agad na napatayo ako sa pagkakaupo at itinago sa likod ko ang isang bata. 

May nakita kasi akong bata na nakatambay sa hindi kalayuan dito sa pasukan sa likod ng kompanya. At saktong break time namin kaya tinawag ko siya para may makain at mainom gayong napakainit ng panahon.

"Halika, hati tayo nitong baon ko," may ngiti sa labi kong sabi dahil ayaw kong matakot ang bata sa akin.

"Ate, ang sarap po!" masigla niyang sabi kaya ay ginulo ko ng marahan ang magulo na niyang buhok at mas inaya ko pa siyang kumain. Ibinigay ko na lang ang lahat sa kaniya tutal makakakain naman ako mamaya at itong batang ito ay malabo dahil sa pakalat kalat ito sa kalye at paniguradong sobrang dalang lang ang may magbigay ng makakain o maliit na halaga ng pera.

"MAYA!" Napatayo ako at kinabahan nang makita si Maam Kalim. Siya ang pinaka-maldita ayun sa rinig kong usapan. Masyado daw kasi itong maarte at kahit na hindi kataasan ang kaniyang posisyon sa kompanya ay pinagkatitiwalaan siya ng boss namin dahil na din siguro sa nandito na siya at nagsisilbi simula noong dalaga pa siya hanggang ngayon na may anak na siya na isang taon lang ang agwat naming dalawa at nagtatrabaho din dito.

"Maam," bulong ko at agad na yumuko ng kaunti para magpakita ng respeto.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Sa pagkakaalala ko ay  nandito ka para magtrabaho at hindi magpaka ala charity." Napayuko ako sa sinabi ni Maam.

Wala akong makitang makitang mali sa ginagawa ko dahil pera ko naman ang pinangbili ko sa pagkain kinakain ng bata.

"Maam, naawa po kasi ako. Sobrang init po ng panahon at nakita ko po siyang nakayuko doon po," pagrarason ko na siyang katotohanan pero pagak lang niya akong tinawanan.

HER HALF (COMPLETED)Where stories live. Discover now