Chapter 17
Pagbaba ko sa taxi sa harap ng malaking gate ng mga Vasco, agad akong nagbayad at isinukbit ang bag na puno ng damit ng mga bata.
Inayos ko din ang buhok at damit ko. Kinakabahan nga ako kasi baka mapansin nila ang pamumugto ng mga mata mo.
Nag-door bell ako at ilang segundo lang, tanaw ko na si Levis na tumatakbo patungo dito sa may gate at binuksan.
"Good evening, Levis," bati ko.
"Good evening, Maya. Come, they are waiting."
Huh? Bakit naman maghihintay? Ano ba kasing nangyayari.
"Mama!" sigaw ni Caly ang bumungad sa akin nang makapasok ako sa main door.
Nagtakbuhan kaagad ang apat at sinalubong ako ng yakap.
"Hello, kamusta dito?"
"Ikaw Mama, kamusta ka? Hindi mo sinagot tawag ko, nag-alala kami. Hindi din kami makapasok sa bahay dahil wala sa'kin ang bag ko eh nandoon susi ko, dinala mo pala." Napatango ako at napatawa na lang nang halik halikan nila ako at niyayakap ng mahigpit.
"Para naman tayong hindi nagkita kanina," natatawa kong saad.
Nang satisfied na sila sa pagkamiss sa akin, napadako ang tingin ko sa mga nakaupo sa sofa.
Nandoon si Ma'am Fasaia at Achie. Nakaupo si Ma'am, nakatayo si Achie.
Agad kong naalala ang mga salitang binitawan ko kaya ay iniwas ko ang tingin ko at pilit na ngumingiti habang papalapit sa nakaupo na si Ma'am Fasaia.
"Natutulog ka lang pala sa bahay niyo? Kulang na lang eh magtawag ng pulis itong si Ach---"
"Mom," putol nito na agad nagpalipat ng tingin ko sa kaniya.
Ibinababa ko ang bag na may laman ng mga damit ng mga bata sa sofa at humingi ng tawad .
"Pasensiya na ho, may nangyari lang kasi tapos napagod ako kaya nakatulog. By the way, ito po ang mga damit nila. Saktong pang isang linggo ang mga damit na 'to---"
"Wait Ma, ano 'to? Akala ko ngayon lang kami matutulog dito? Saan ka pupunta? Sinong makakasama mo sa bahay? Paano kung babangutin ka---"
"Rehan.."
"Ma hindi, naalala mo iyong last time? Kung hindi ko pa nabuksan ang nakalock mong pinto gamit ang hairpin ni Caly baka ano ng nangyari sa'yo. Ma, ayoko. Kahit sila Caly, Mark at Briel na muna dito, sasamahan kita doon sa bahay. 'Wag makulit."
Kita mo 'tong batang 'to, parang siya iyong tatay.
"Fine... Ang tanong, papayag ang tatlo?" Agad naming nilingon ang naglalaro na mga bata at tinanong.
"Opo, Mama! Tabi po kami kay Lola," nakangiti at excited nitong saad.
"Then that settled everything. Those three kiddos will stay with me for the whole week. Thank you Maya." Tinanguan ko siya at inakyat na ang kwarto kung saan sila matutulog—sa master's bedroom.
"Ako na," Achie interfere.
"Okay lang, kaya ko."
"Maya---"
"Edi bitbitin mo." Agad niyang dinampot ang bag at napatingin ako kay Rehan na masama ang tingin kay Achie.
Hinaplos ko ang nangungunot niyang noo gamit ang aking hinlalaki at nginitian.
Nauna siyang umakyat at nakasunod ako sa kaniya.
Nang marating namin ang kuwarto at nasirado, agad niya akong naitulak sa pinto ngunit hindi naman kalakasan at walang sabing hinalikan ang labi ko na parang uhaw na uhaw.
YOU ARE READING
HER HALF (COMPLETED)
RomanceUNEDITED. - She was treated badly, she longed for a Father's love and still, she can't do anything about it. Maya is a hard-working woman and didn't even realize that her life can change in a snap that leads her to being with her half.