PROLOGUE
“Maya! Baba!!” Namulat ang mata kong galing sa mahimbing na tulog. Umagang umaga at si Mama ay panay na ang sigaw.
“Opo, Ma!” balik kong sigaw bago bumangon at umalis sa higaan. Ang sarap pa sana ng tulog ko, Linggo naman ngayon bakit kasi ginising ako ni Mama.
Tatamad tamad akong naglakad patungo sa palikuran ng aking kuwarto at naghilamos. Pagkatapos ko maghilamos ay ngumiti muna ako sa salamin na para bang sinasabi kong ihanda ko na muli ang aking sarili para sa panibagong araw. Matapos kong tupiin ang kumot at iayos ang bed sheet ay agad akong lumabas sa aking kuwarto dahil nagsisigaw na naman si Mama.
Imbes na ngiti ang bumungad sa akin sa hapag-kainan, ang mataas na kilay ng aking Ina, ang nandidiring tingin ng aking Ate at ang walang pake na lingon ng aking Kuya. Hay. Ganito lagi ang bungad ng aking umaga.
Simula kasi noong sumama si Papa sa babae niya na halos tatlong taon lang ata ang gap sa Ate ko ay palagi na lang galit si Mama sa akin. Na para bang pinahihiwatig niyang kasalanan ko ang lahat ng pangyayari o “kamalasan”—ayon sa narinig kong sabi ni Mama sa kaniyang Amiga—sa amin.
Sa labin-limang taon ko sa mundo, sobrang madalas ko lang makita si Mama na nakangiti sa akin. Siguro mga dalawang beses sa isang taon. Exaggerated ba? Iyon ang totoo eh. Sa Ate at Kuya ko siya lagi nakangiti at proud na proud, samantalang sa akin eh para bang estatuwa lang ako, hindi pinapansin pero laging inuutusan. Parang hangin lang ako sa bahay namin. Minsan napapaisip ako kung anong mangyayari sa kanila kung umalis ako. Since mukhang hangin lang naman ako dito, mawawalan kaya sila ng hininga kapag nangyari? O baka hindi nila mapansin na umalis ako? Ilang beses ko nang sinubukang gawin pero hindi ko magawa dahil na din sa takot ako sa dilim at wala ako masyadong kilala dahil minsan lang naman ako nakakalabas ng bahay, kapag may klase o kapag sinama sa pamilihan para magbitbit ng bumibili nila.
“O anong tinatayo-tayo mo riyan? Gusto mo bang mapalo ulit?” Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang tinig ng aking Ate.
“Ay hehe, sorry po Ate. Kakagising ko lang po k---”
“Walang nagtatanong, Maya. Timplahan mo na lang ako ng gatas ko,” saad ni Ate Rose habang nakatingin sa bagong manicure niyang mga kuko.
“At samahan mo na din ng pandesal na may palaman ha,” pahabol ni Kuya Mike kaya tumango na lang ako. Muli akong huminto at lumingon sa Mama kong hinihigop na ang kaniyang timplang kape.
“Sa ‘yo, Mama? May gusto ka pong gawin ko po?” Magalang kong tanong pero hindi niya ako sinagot at nagpatuloy sa pag-akto na para bang wala siyang narinig. Napabuntong-hininga na lang ako bago tuluyang pumasok sa pinaka-kusina dahil naroon ang mga kakailanganin ko sa inuutos nila.
Si Ate Rose ang panganay sa aming magkakapatid, labin-walong taong gulang na siya. Si Kuya Mike ay labin-pitong taong gulang. At si Maya—ako, labin-limang taong gulang.
Pagkatapos ko magtimpla ng mga hinihingi nila ay inisa-isa ko ang paghatid dahil ayaw kong mabugbog na naman ako dahil natapon ang ibang laman ng isang baso noong nakaraan. Grabe ang iyak ko no'n dahil sobrang sakit manabunot si Mama ng buhok. Masakit din ang matutulis niyang kuko na panay dutdot sa noo ko kaya dumugo. May mga pasa rin ako sa braso at sa hita dahil doon at hinahampas ni mama ng belt habang mahigpit na nakahawak sa maliliit kong braso. Buti at Sabado iyon nangyari dahil kung hindi, baka magtaka ang iba kong kaklase o mga guro kung saan ko nakuha ang mga pasa at sugat ko. Mas nakakatakot naman kung isasagot ko na galing sa magulangnko dahil panibagong bugbog na naman iyon.
“HOY, BUNSO.” Itinaas ko ang tingin ko nang marinig ang boses ni Kuya na nakatayo sa gilid ng lamesa at nakatingin sa akin... o sa sandwich na gawa ko?
“Akin na nga ‘yan, nagugutom ako eh,” Saad niya at hinablot nang walang pasabi ang sandwich na hawak ko sa isang kamay. Inaaral ko kasi ang assignment ko kasi ayaw kong bumagsak.
“Kuya! Akin 'yan eh!” sigaw ko at pilit kinukuha pabalik ang sandwich na gawa ko.
“Maya, ano ba! Sinabing akin na 'to eh!” Ayaw bitawan ni Kuya kaya mas nilakasan ko pa pero wala akong nagawa dahil nang hinila ko ito sa abot ng lakas na makakaya ko eh binitawan niya dahilan nang pagtama ng beywang ko sa dulo ng mesa. Sa sobrang sakit ay kusang tumulo ang luha ko, nabitawan ko din ang sandwich dahilan para kuhanin ulit ni Kuya habang patawa-tawang nakatingin sa akin.
“Ayan, karma. Ang damot damot kasi. Kung ibinigay mo na lang sana edi hindi ka namimilipit sa sakit ngayon. Bobo mo talaga, Maya.” Humihingos akong tumingin sa kaniya bago ko siya sagutin.
“Eh kung gumawa ka ng sa'yo? Hindi ka naman imbaldado para hindi ka gumawa. Ang sabihin mo tamad ka lang! Malapit ka na mag 18, Kuya pero ang tamad tamad mo pa din! Kaya walang nagkakagusto sa'yo dahil maliban sa wala kang alam sa gawaing bahay eh napakatamad mo pa! Kita mong inaaral ko assignment ko pero nanghahablot ka ng pagkain na hindi sa'yo! Lagi mo na lang ako hinahatian Kuy---”
“M-Mama...”
WALANG TIGIL ang pag-iyak ko. Sobrang sakit na ng hita at puwetan ko. Kanina pa ako pinapako ni Mama ng belt niya.
“Hindi ba sinabi ko sa'yo na huwag kang sasagot sa mas nakakatanda sa'yo,” nanggigigil na ani ni Mama kasabay ng paghampas niya ng makapal niyang belt.
Wala akong magawa dahil nakatali ang dalawang kamay ko gamit din ang belt ni Mama at nakatali din ito sa doorknob ng aking kuwarto habang paulit-ulit na paghampas sa hita or puwetan ko.
Ganito magalit si Mama. Hindi ko lang alam kung ganito din ba siya sa mga nakakatanda kong kapatid.
“M-Mama, sorry po... Aray! M-Mama hindi ko na p-po uulitin... Mama masakit!”
“Talagang masakit! Alam mo kung paano ako magalit kapag sinusuway ang salita ko! Pero ginawa mo pa rin! Kaya magtiis ka hanggang sa matapos ako sa'yo!” aniya at hinampas ulit ako.
“M-Mama... Sorry na p-po.” Tanging paghikbi lang ang kaya ko ng gawin. Namamaos na din ako dahil mag-iisang oras na ata kami o higit pa dito sa kwarto ko at pinaparusahan ako.
“Akin kasi 'yun M-Mama eh. Bakit po si Kuya hindi niyo din p-pinapagalitan.”
Tumahimik ang silid bago ko maramdaman ang paglatay ng sinturon ni mama sa aking kanina pang namumulang hita. “Mama!”
“Anong utak meron ka? Nag-iisa kong lalaki ang sinasagot-sagot mo! Sino ka ba sa pamilyang ito? Isa ka lang batang babae na puro kamalasan ang dala! Anong karapatan mo na pagdamotan ang Kapatid mo? Hindi mo ba kayang gumawa ulit ng pagkain mo?”
Pero kalahati na lang 'yun Mama. Kukuhanin niya pa?
Masyado na'kong pagod at sumasakit na ang lalamunan ko sa paulit-ulit na pagmamakaawa. Tumahimik na lang ako at mas piniling pumikit at tanggapin ang mga hampas ng sinturon at mga mura ni Mama.
Deserve ko po ba ito, Lord?
______
Haha, hello? Kung umabot ka man po dito sa part na ito eh maraming salamat po. Sana'y maging kasama kita sa pagtuklas ng kwento ni Maya.
I would also love to read your thoughts about this part hehe. God bless and take care po!!
YOU ARE READING
HER HALF (COMPLETED)
RomanceUNEDITED. - She was treated badly, she longed for a Father's love and still, she can't do anything about it. Maya is a hard-working woman and didn't even realize that her life can change in a snap that leads her to being with her half.