EPILOGUE

650 13 5
                                    

Author's Note: Hi there. Medyo natagalan ako kasi nagdadalawang isip ako kung tatapusin ko na ba o hindi pa. Pero ayun nga, I end up writing this epilogue and maybe make special chapters instead.

Honestly, a part of me was sad knowing that I am the only reading this. Oh, a friend of mine too but I guess he didn't finished it reading. I know you have encountered a lot of errors throughout the whole story. If I have the time and the inspiration to correct them, I'll correct them. For now, I want this story to stay how I wrote it—errors and all.

I do hope I can write another story and I hope to see you there. ENJOY READING R's.


EPILOGUE

"Sigurado ho ba kayo? Baka kailanganin 'to dito at makakabili naman po ako kung gugustuhin namin." Nakangiti itong umiling kaya ay tinanggap ko na lang ang basket na naglalaman ng mga niluto nilang cookies kasama ang mga bata.

"Naku Sir, ginawa talaga ng mga bata iyan para sa inyo at sa mga kasama mo sa bahay. Pagpapasalamat sa pagbuo ng matutuluyan nila mahabang panahon na ang nakakaraan. Kung hindi po dahil sa inyo, wala ho kaming matutulugan at bilang pagtanaw ng utang na loob ay ginawan namin kayo ng makakakain kahit na hindi man ito pumantay sa mga dinadala niyong cookies dito sa ampunan." 

Tumango ako at tinawag ang kasama kong guard na siyang magpapasok ng mga niluto nila sa sasakyang dala namin.

Ilang taon ang nakakaraan, naitayo ang ampunang pwedeng maging bahay ng mga walang kasama sa buhay. Walang pili dito dahil kahit anong edad ay tinatanggap namin. Mapa-bata o matandang nag-iisa na lang sa buhay ay pinapatira dito sa napakalaking espasyo na pinaglagyan ng tatlong building na may tig-tatlong palapag. Sa gitna ng tatlong gusali, may malaking espasyo para pwede paglaruan ng mga bata, may slides at basketball ring, tennis at kung anu-ano pang magbibigay ng kalibangan sa mga tumitira. 

Meron ding mga bakanteng kuwarto na ginawang classroom, well hindi talaga classroom gaya ng nasa eskwela pero ginawa nila iyon para magturo ng apat o tatlong beses sa isang lingo o hindi kaya'y may mga bata na gusto talagang matuto ay nag-aaral doon ng halos pitong araw sa isang lingo. Nag-order kasi kami ng sandamakmak na mga babasahin para sa mga may gusto dahil kung hindi mali ang pagtantsa ko, nasa halos isang libo o lagpas ang mga nandito. Hindi ko mabilang.

"Oh siya, umuwi ka na at baka hinihintay ka na ng mga Anak mo doon. Paki-kamusta na lang ako sa nag-iisa mong babaeng Anak ha. Kapag wala silang pasok ay baka maaari mo siya o silang papuntahin dito. Kahit na tinatawag ng ibang bata ng Sassy Frein ay friendly pa din at mabait... O sige na, nadaldal na naman ako ng sobra." Natatawa akong nagmano sa matanda.

"Oho Nay, dadalhin ko dito ang mga Anak ko sa susunod kong dalaw, paniguradong matutuwa ang mga 'yon... Alis na po ako Nay." Tumango ito at kumaway pagtalikod ko.

Habang naglalakad ako patungo sa exit ng lugar, hindi mawala ang ngiti ko dahil may mga bata akong nakakasalubong na nakangiti.

"Ingat ho kayo Sir Achie!"

"Sir, amping!"

"Dalhin niyo po si Sassy Frien sa susunod Sir Achie!" sigaw ng mga batang nasa loob ng ibang kuwarto at sa gilid ng hallway.

Tinanguan ko sila at kinawayan bago ako sumakay sa naghihintay na sasakyan. Nilingon ko ang malaking pangalan ng lugar.

HOME FOR YOU

Napakasimple man ng pangalan ng buong lugar ay napakalaki ng ganap nito sa buhay namin at sa buhay ng mga nakatira dito.

"Deretso po ba tayo sa mansion?" tanong ng nagmamaneho.

"Yes please, I miss them already." Ngumiti ito at tumango.

Agad namang na-excite ang kalamnan ko sa isiping uuwi na ulit ako sa piling ng pamilya ko. Hindi ko na namalayang nasa may gate na pala kami ng mansyon. Bumukas ang pinto at lumabas kaagad ako.

HER HALF (COMPLETED)Where stories live. Discover now