New Student,
||kiannah||
2019"Starting today, I will not allow you to be home late." seryosong sabi ni mommy, napayuko
naman ako.Mukhang hindi pala magandang sinabi ko pa sa kan'ya tungkol sa nangyari kagabi, andito kami ngayon sa dining nag-aalmusal. Hindi umuwi si dad kagabi kaya less ang sermon na matatanggap ko ngayong umaga.
Walang pabaon.
Simula no'ng sabihin ni Brylee na safe na ako ay wala na siyang iba pang sinabi, ni hindi niya man lang ipinaliwanag sa akin kung paano niya ako nasundan kagabi. Buong akala ko ay pagkatapos ng pagbaba ko sa kotse niya ay umalis narin siya, kumusta naman kaya ang urgent na sinasabi niya?
Napabuntong-hininga nalang ako, "Are you three listening to me?" sarkastikong tanong ni mommy.
Napasulyao ako sa p'westo ng dalawa kong kapatid, mga walang pake!
Si Amilah na concentrate sa pagkain na animo'y siya lang ang mag-isang kumakain sa hapag, si Amore naman ay panay sulyap sa cellphone niya.
Bigla ko tuloy naalala 'yung usapan na narinig ko kahapon sa mc'do, pasimple ko siyang diniinan ng tingin kahit hindi naman siya nakatingin sa 'kin.
Wala paring sumagot kay mommy, tahimik kaming tatlo tanging tunog lang ng mga utensils at pagnguya ang ginagawa namin.
"I'm done." usal ni Amilah.
Tumayo siya at dumaan sa likod ni Amore na hindi pinapansin ang paligid, something's new with this girl. Nakasunod lang ang mga mata ko sa bawat galaw niya, hanggang maka-akyat siya sa hagdan.
Rinig ko ang malakas na buntong-hininga ni mom sabay napapa iling-iling pa. Nagpangalumbaba nalang ako marahil ay ako ang dahilan kung bakit gano'n nalang ang naiasta ng mga kapatid ko.
"Your dad will be having a business trip in London, unfortunately, I will come too so; in other words the three of you will be left at home."
Gusto kong magdiwang!
"There's a curfew, you need to get home at seven o'clock." aniya at napadaan ang tingin niya sa akin, hindi siya nakangiti at hindi rin siya mukhang nagagalit. Isang tingin na walang emosiyon pero may pinapahiwatig.
Sabi ko nga 'di nalang.
"Mom, when can I have my card?" Amore asked between the silence, ang atensiyon namin ay napunta sa kan'ya.
"Are you in a rush honey?"
"No, I'm just asking."
"When you turn 18." napatango nalang si Amore, napa-iwas naman ako ng paningin.
"Bilisan mo na ang pagkain Kiannah, what are you thinking?" she sweetly smiled and raised her left eyebrow.
"None." of your business.
Kagaya ng ginawa ng dalawa kong kapatid ay tumayo narin ako at umalis na sa dining, mahirap na baka kung saan pa mapunta ang usapan namin.
Dire-diretso akong umakyat at pumunta sa kwarto ko, binati man ng iilang maid ay hindi ko na magawang sumagot pa, kagaya ng nakasanayan ko.
Hindi ko alam, siguro curious ako sa sinabi ni Brylee kagabi.
Binilisan ko nalang ang kilos ko upang madaling makarating sa school, lately we're busy preparing for the upcoming intramurals.
YOU ARE READING
Under the Vast Celestial
RomanceI just have an abstraction about it: someone feels unrequited love with me, whereas I made someone feel the taste of unrequited love from me. To know what love is, does it require hurting someone intentionally? series i complete May 14, 2023 Kianna...