My love,
||kiannah||
Isang buwan na ang makalipas nang mangyari iyon, at kahit hindi maganda ang naging tapos ng birthday ni mommy ay mukhang okay lang naman sa kaniya. Mukhang maraming pag-uusapan ang magkapatid pero ni isa sa amin ay walang may alam patungkol sa bagay na iyon.
Sinalubong namin ang bagong taon ng magkasama ni Luinax, sinubukan kong magpaliwanag sa kaniya pero tumanggi siya. Sinabi niyang naiintindihan niya ako, at may mga bagay na dapat pa naming mas pagtuunan pa ng pansin.
Brylee was there, he heard it. He asked me to have a talk with him after that dinner, but Luinax's feelings mattered to me the most. I asked him to have a talk in other day, but months passed we still don't have any closure after that.
Naisipan kong ngayon nalang makipagusap, gusto ko nang klaruhin kung ano man ang mayroon sa aming dalawa. Habang tumatagal ay may guilty na nabubuo sa loob ko, ayokong manggago ng tao dahil nagawa ko na iyon sa kaniya.
Malapit nang mag-graduate si Luinax sa Bachelor's degree na ayon sa course niya, nag take siya ng entrance exam ngayon at ako naman ay naiwan sa condo. I prayed for his success at alam kong mapapasa niya. I know he will be he wanted to be. While me pursuing a career I did not graduated for. I'm not interested on something like, doctor, engineer, lawyer, especially a teacher.
Nanatili ako sa condo kaysa ang bumalik sa amin, hindi naman ako kinuwestiyon ni mommy. Hinahayaan niya na akong mag desisiyon mag-isa, at may tiwala naman siya sa akin. Inaamin kong ilang beses na kaming naghahalikan ni Luinax at ang condong ito ay saksi sa lahat, ngunit hanggang doon lang iyon pareho kaming walang plano sa ibang bagay.
Suot ko ang dress na ibinigay ni Luinax sa akin noong Valentine's day, nagpabango narin ako bago ayusin ang hanggang braso kong buhok. Nang makontento ay saka lang ako lumabas lumabas ng hotel at maghanap ng taxi upang pumunta sa bahay nila Brylee. Hindi ako nagpaalam sa kaniya na ngayon kami mag-uusap, I just don't feel like it.
Ramdam ko na ramdam niyang ayoko nang bumalik sa dating kami, at ang ipinagtataka ko ay kung bakit wala man lang siyang ginawa. Pagkatapos kong tanggihan ang anyaya niya noong kakabalik ko palang ay wala na. Hindi ko rin maiwasang maisip kung nagpapansinan pa ba sila, may pinagsamahan din sila.
Pagkababa ay nilakad ko papasok ang subdivision nila, nginitian ako ng guard na may gulat sa mga mata niya. Kilala niya ako at matagal narin akong hindi nakakadalaw dito.
"Nakauwi kana pala? Matagal na kitang hindi nakikita!"
"Hindi ho ako rito nag-aaral, matagl narin akong hindi nakakadalaw dito. Kumusta na ho kayo?"
"Maayos naman ako hija, naparito ka marahil kay Brylee?" napatango ako, tinignan niya naman ako nang may nanunuyong tingin. Kung ang nararamdaman ko ay tulad parin ng dati ay malamang tunay ang ngiting igagawad ko.
"May kailangan lang ho akong pag-usapan, tutuloy na ako manong." papaalis na sana ako ay pinatigil niya ako.
"Kung hindi ka nagmamadali ay puwede bang makitawag sa telepono mo? May ipapahatid lang akong meryenda sa anak ko."
Alas kwatro na, marahil ay gusto niya ng makakain. Ibinigay ko naman ang cellphone ko sa kaniya, halatang nahihirapan pa itong gamitin kaya tinulungan ko na siya. Medyo napasarap naman ang kwentuhan niya sa anak niya dahil umabot ng ilang minuto, nang mapansin niya sigurong nayayamot na ako ay saka lang siya tumigil.
"Pasensiya kana kung natagalan hija, nagtatanong kasi ang anak ko kung paano magluto ng hotcake." napataas ang kilay ko, hotcake lang pala sana binilhan ko nalang siya sa labas.
YOU ARE READING
Under the Vast Celestial
RomansaI just have an abstraction about it: someone feels unrequited love with me, whereas I made someone feel the taste of unrequited love from me. To know what love is, does it require hurting someone intentionally? series i complete May 14, 2023 Kianna...