celestial 4

20 14 0
                                    

Should I tell him?

||kiannah||
2019


"Salamat talaga Kiannah! Hindi ko in-nexpect na reregaluhan mo'ko nitong coat na nakita ko sa Louis Vuitton!" napangiti ako, pinagmasdan ko siyang abot langit ang saya.


Nakakagaan ng loob.


"Hope you cherished your day!" masayang tugon ko.


Andito kami sa labas ng bahay nila, nagpapaalam sa isa't isa katabi ni Kristen ang mama niyang nakangiti lang na pinagmamasdan kami. Nasa tabi ko naman si Brylee.


"Of course naman! Siya nga pala, paano ka uuwi?" takang tanong niya, oo nga 'no? Sasagutin ko na sana siya nang maunahan naman ako ni Brylee.


"I'll take her home."


"Ganoon ba? Masaya kung gano'n!" pasimple akong sinusuyo ni Kristen sa pamamagitan ng mga titig niya.


Napangisi nalang ako.


"This is my present, once again happy birthday!" saad ni Brylee sabay kuha ng regalo niya sa bulsa.


Napatitig ako sa box na'yon, hindi talaga mabura sa isip ko kung ano ang laman niyon. Maliit lang, simple lang pero iba ang dulot kapag ikaw ang nakatanggap.


Napaiwas ako ng tingin nang masayang kinuha ni Kristen kay Brylee ang regalo niya, agad naman niya iyong binuksan na walang pag-atubili.


"Hala? Kwintas! Omygaassshhh!! Thank you Brylee!! I'll never forget this day, it should be one of the most memorable day in my life!" patuloy niyang kinakalikot ang pendant nun. "I'll wonder if next month or another month probably Kiannah will answer you!" I heard him chuckled.


Nanlumo ako.


"Hope so."


"Sayang wala pa si papa, ipapakilala sana kita. De bale na sa susunod nalang."


"Eh? It's already 8pm and he's still not here?"


"Hindi ko alam baka nag overtime." sagot naman ni tita.


"Tita, Kris mauuna na kami, baka kasi magalit si mom na ang tagal kong umuwi." paalam ko sa kanila.


"Gano'n ba? Sige hijo mag-iingat kayo, dumalaw-dalaw ka paminsan rito hija ha?"


"Sure, if I have a free time po." tugon ko.


Ilang minuto pa kaming nag usap-usap bago tuluyang umalis, nasa sasakyan na kami ni Brylee, tahimik lang naman siya.


Ultimo pag-andar ng sasakyan hindi parin nagsasalita, bawal ba magtanong sa kan'ya kung na sakbit ko na ba ang seatbelt?

Under the Vast CelestialWhere stories live. Discover now