05

41 2 0
                                    

05



Masaya siyang kasama at hindi ako nagsisisi na pumayag ako sa dinner na iyon. Madami siyang baong kwento, ganoon din ako. Hindi ko nga napansin ang paglipas ng oras dahil sa kwentuhan namin.


Totoo nga na lahat ng tao, may kaniya-kaniyang pinagdadaanang problema. Nalaman ko ang iilan sa mga problema niya noong gabing iyon. That he is kind of insecure about his body. Wala namang mali sa katawan niya.


"What's for breakfast?" Tanong ni Kuya EJ.


"I cooked pancakes. Request ni Eli. Ikaw ba? You want to eat rice?" Tanong ko pabalik.


"Oo sana. I'm so hungry." Kuya EJ answered.


Kumuha ako ng Tocino sa freezer. I'll cook this for him. Favorite kasi ni Kuya EJ ang Tocino, lalo na 'yong galing sa Pampanga's Best. That's his all-time favorite kaya hanggang dito sa Amerika ay pinadadalhan siya ni Mommy ng Tocino.


"I love the smell." Aniya pa.


"Who wouldn't love the smell of Tocino? It smells delicious kaya!"


"Me! I don't like Tocino." Si Eli kaya tumawa kami ni Kuya.


Busy'ng busy siya sa pagkain ng pancake niya. Binuhusan ko ng mapple syrup ang tuktok ng pancake. Ate Leonor is still sleeping. Napuyat na naman kasi siya dahil kay Lili. I guess having an infant really sucks as a mother. Imagine those sleepless nights.


Sinerve ko kay Kuya ang nalutong Tocino. I wanted to drink Espresso this morning kaya gumawa ako gamit ang coffee machine. Kinuha ko ang MacBook ko at nagtungo sa living room. I have some work to do.


Stephanie: Here, Nat. Marie Antoinette theme ang gusto ng debutant kaya iyon ang tneme na susundan sa paggawa ng invitation. Here are some samples.


Iyon ang instruction na sinend ni Stephanie sa akin via Viber. Pinagmasdan ko ang sample picture na binigay niya sa akin. This is my dream theme! Kaso, hindi ako pinagbigyan ni Mommy noon dahil hindi raw angkop sa image ko ang theme na iyon. Kilala kasi ako ng mga tao bilang sosyal at eleganteng Generoso. Malayong-malayo sa totoong personalidad ko.


Sumimsim ako sa Espresso habang nag-iisip ng design na maari kong gamitin. I'll use different shades of Pink as my base. Now that I've gather all of the ideas to creat the invitation, I proceeded to do my work.


Being an editor is really hard. Akala ng iba, madali lang ang trabahong editor. Ang hindi nila alam, nakakaburn-out din ito. Lalo na at kailangang maging consistent sa mga design na ginagawa mo. Thinking of a design is really hard. Nakakaubos ng creative juices. Minsan nga, gusto ko na lang pigain ang utak ko para magkaroon ako ng idea para sa isang project na kailangang gawin.


Isang oras din akong nag-design. Nakaalis na si Kuya EJ at kami na naman nila Ate Leonor ang nandito sa bahay. Nilapag ko ang kape sa countertop habang si Ate Leonor naman ay naka-upo sa stool.


"Barista lang ang peg, Nat." Tawa niya.


"Nakaka-enjoy gumawa ng kape, e. Feel ko tuloy Starbucks barista ako."


Sinipag talaga akong magkape tuwing umaga dahil sa coffee maker nila Kuya. Noong nasa Pilipinas ako, hindi ko pinapansin 'yong coffee maker namin sa bahay. Pero ngayon, hindi ko maimagine mamuhay ng walang coffee maker.


"Wheels on the bus everyday!" Umupo ako sa couch sa tabi ni Eli.


"It's a great song! I love it!" She said and pointed the TV.


Seize the Moment (Simon Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon