09
Katulad nang pinlano namin, maaga kaming umalis patungo sa Zambales kung saan nakatira ang mga Aeta. Kasama kong nakasakay sa Hiace sina Mommy, Daddy, Kuya Ranz, Peachy, at iya. Sa bahay na sila natulog dahil may balak nga raw sila na sumama sa amin.
Mom was happy about their decision. Dati kasi, kaming apat lang ang nagpupunta sa outreach program kasama ang ilan sa mga kasambahay at trabrahador sa kumpanya. The view of SCTEX is really mesmerizing. Sinadya ko talagtang hindi matulog upang makita ang view na ito.
I took my phone secretly from my pocket. I've been really cautious about my actions since last night because of Mom. Madalas ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin. Nakakakaba dahil baka makita niya akong nakangiting mag-isa habang nagtitipa sa cellphone.
natashahelenasg: The view of SCTEX is really niceeee
I then sent him a picture of the scenery.
simon_marcos07: You seem to be enjoying, birthday girl
natashahelenasg: What are you doing?
simon_marcos07: I'm out for dinner with Tita Irene
As far as I remember, she is the daughter of the former President who married into the Araneta family. Her husband is really famous when it comes to business field. My father know him.
Wala na sa mundo ng pulitika ang pamilya namin dahil sa nangyari sa nanay ni Iya. That was traumatizing for all of us. May nag-alok nga kay Dad na makipbahagi sa senator slate ni President Duterte noong 2016 but Dad declined.
Personally, hindi ko rin naman papayagan si Dad na makilahok dahil natatakot ako sa puwedeng mangyari. He is a Generoso and the Aquino's hate us. Isa ang pamilya namin sa nahirapan noong panahon ni Cory Aquino dahil kakampi namin ang mga Marcoses noon.
Several of our business went bankrupt because of that reason. Tanda ko ay nakasuhan din si Lolo noon. Up until this day, our connection with the Marcoses is going strong.
Nang makarating kami sa lugar na pupuntahan namin, isang matandang Aeta ang sumalubong sa amin at may dalang bulaklak mula sa mga tanim nila.
"Maligayang kaarawan ho," Ngumisi ako at tinanggap ang bulaklak.
"Maraming salamat sa 'yo." Sagot ko.
Hanggang hapon ay dito kami magiistay. Noong natapos kumain at mgbigay ng regalo sa mga bata, in-assign kami ni Mommy na turuan ang mga bata na magsulat at magbasa.
"Ilang taon ka na po, Ate?" Tanong isang batang babae.
"Secret. Matanda na kasi ako, e." I jokingly answered.
"Hindi naman po halata! Ang ganda niyo po." I smiled when I hear her response.
"Bolera ka, ah. Balik na tayo rito sa lesson natin." Nginuso ko ang nakabuklat na libro.
Nakita ko ang pagsimangot niya kaya natawa ako, Habang busy ako sa pagtutuo, ang ginagawa naman ni Peachy ay playtime kasama ang batang naka-assign sa kaniya habang si Iya naman ay minemake-up-an ang batang naka-assign sa kaniya.
"Buti pa sila naglalaro lang." I am kind of expecting that from her.
Nag-iisip ako ng activities na puwede niyang gawin. Nakangisi kong kinuha ang cellpone ko noong nakaisip ng plano.
"Tayo ka riyan at mag-smile, okay? Kukuhanan kita ng picture." Ani ko at inayos ang postura niya.
Mukhang nag-enjoy naman siya sa ginawa ko sa kaniya. Feel na feel niya ang pagiging model niya. Pagkauwi ng bahay tsaka ko i-uupload ang mga litrato. Wala kasing signal dito kaya hindi ko masabi kung nagmemessage ba si Si ngayon.
BINABASA MO ANG
Seize the Moment (Simon Marcos Fanfiction)
FanfictionThere's a saying that people only live once, so, we must enjoy our life to the fullest. As the youngest child and is consider as the 'Generoso's Princess', Natasha Helena has mastered the art of living her life to the fullest. Can be travelling arou...