07
Papalapit ng papalapit ang buwan ng Nobyembre. It's afternoon while the temperature is fairly mild. The snow will likely start by December. Sana bago ako makaalis ng New York, maranasan ko ang snow. Nakaranas naman ako ng snow pero sa ibang bansa iyon. I wonder what snow looks like in New York.
"Auntie, can I have some water, please?" Pagpapacute ni Eli.
"Sure, baby. Cold water ba?" Tanong ko kaya naman tumango siya.
Kumuha ako ng baso sa cupboard tsaka dumiretso sa water dispenser. Nagpasalamat siya sa akin noong iniabot ko ang glass of water sa kaniya.
Bumuntong hininga ako at binista ang site ng Philippine Airlines. Hindi ko alam kung magb-book na ba ako ng flight. Naghanap ako ng available flight by the last week of November.
Sakto at tumawag si Kuya EJ sa akin. Sinagot ko kaagad ang tawag niya.
"Yes, Kuya?" Bungad ko noong nasagot ko ang tawag.
"Mag-book ka na ng flight, bunso. By December 14." Utos niya sa akin.
"Okay, Kuya..." I stopped halfway.
"What's wrong, Nat?" Tanong niya noong napagtanto ang pag-aalinlangan ko.
"I'm wondering if puwede akong mauna sa pag-uwi? I want to spend my birthday in the Philippines, e. Remember the outreach program?" Sinabi ko na at last!
Saglit na katahimikan ang bumalot sa amin ni Kuya. Marahil ay pinag-iisipan ang request ko.
"Go ahead, Nat. That will be my birthday gift." Natawa ako noong narinig ang birthday gift. Kuripot talaga!
"Kuripot spotted." Halakhak ko.
"Nako, Nat! Baka magbago pa desisyon ko, ha. Inisin mo pa 'ko." Natawa uli ako noong narinig ang naiirita niyang boses.
"Thank you again, Kuya! I love you so much! Muah!" Halos tumalon na ako sa sobrang tuwa.
"Hindi naman ako ang favorite mo, e. Si Ranz paborito mo." Nagseselos pala siya, ha! Kaya pala hindi niya ako tinatawag sa FaceTime kapag nagmamyday ako kasama si Kuya Ranz.
"Fave ko kayong lahat, Kuya EJ. Walang sumosobra. Pantay lahat." I cleared my side. Baka akalain niya si Kuya Ranz talaga ang fave ko.
"Oo na, oo na. Nat, don't worry about your Ate Leonor once na naka-uwi ka na ng Pinas, okay? I'll just ask her friend to accompany her. Alam ko na kami ang iniisip mo kaya nahihiya kang magsabi kanina." It was heartwarming when Kuya EJ told me that.
Kilalang-kilala niya talaga ang pag-uugali ko. Noong natapos kaming mag-usap, bumalik ako sa pagbabantay at pagtatrabaho. Sumasakit ang ulo ko kakaisip ng design tungkol sa Korean traditional party.
"Damn, this is so hard." Reklamo ko noong hindi tumugma ang color scheme na napili ko sa theme.
Sinandal ko ang likod ko sa couch at tumingin sa kisame. Ilang minuto rin akong nakatunganga habang nag-iisip ng design. Noong may ideyang nag-pop-up sa utak ko, nagmadali kong in-execute ang ideang iyon.
Kalahating oras kong ginagawa ang poster na iyon. Noong natapos ay kaagad kong sinend sa head office ang poster. Nakatunganga ako sa screen ng laptop ko habang hinihintay ang response mula sa groupchat.
Stephanie: I love it, Nat. It fits the theme naman pala, e. Why are you having doubts kanina?
Kung alam mo lang gaano kahirap mag-edit, Steph! Talking about Stephanie, she is my co-worker. Mas mataas nga lang ang posisyon sa akin. Siya ang una kong naka-usap sa trabaho noon dahil kapangalan niya ang pinsan ko na si Ate Stephanie.
BINABASA MO ANG
Seize the Moment (Simon Marcos Fanfiction)
FanfictionThere's a saying that people only live once, so, we must enjoy our life to the fullest. As the youngest child and is consider as the 'Generoso's Princess', Natasha Helena has mastered the art of living her life to the fullest. Can be travelling arou...