Prologue

87 4 0
                                    

Prologue


If there is a big opportunity coming your way, you must grab every bit of it to have a successful and lavish life. That’s what my mother told me years ago. Hanggang ngayon, iyon pa rin ang pinanghahawakan ko. Hindi ko hinahayaang sayangin ang isang bagay o oportunidad na dumadating sa buhay ko. I grab it and won’t let it slip away.


May tatlo akong nakatatandang kapatid, ‘yong dalawa ay mayroon nang sari-sariling pamilyang binubuhay habang ang isa kong Kuya ay pokus sa pagtatrabaho sa aming kumpanya... At ito ako ngayon, nakatambay sa kuwarto at nag-iisip ng puwedeng gawin ngayong gabi.


My everyday routine has always been like this. Kung hindi ako umaalis para bumisita sa iba’t ibang bansa ay dito lang ako sa bahay matatagpuan. I am doing a part time job in our company as an editor and I am working from home. Kung lalabas man ako ng bahay ay sinisiguro kong may kasama akong kaibigan o pinsan.


“Nat! Open the freaking door!” Kasunod nang mataas na boses ni Peachy ay ang pagkalabog ng pintuan ko.


“Calm down, Peach! Hindi mo masisira ang pintuan ko dahil gawa sa Narra ‘yan.” I laugh a little while marching my way towards the door to open it.


“You won’t believe what just happened!” She squealed and tried her very best to breathe properly.


“Halatang tinakbo mo na naman ang daan papunta sa kuwarto ko.” Umiiling kong sambit.


“I saw your Kuya earlier! May kasamang babae at hawak niya sa baywang ang babae!” Binulalas niya ang balita.


Oh, wow! My Kuya Ranz is dating someone right now? Buong akala ko ay tatanda siyang binata at magiging sugar daddy ng mga kabataan! I was happy to hear the news. Nag-asawa na ang dalawa kong nakatatandang Kuya and I am waiting for Kuya Ranz to get married, too! I’ll be the happiest little sister if he will get married right now!


“The lady is pretty. She looks like a model! Especially with those long legs of her.” Peachy describe the girl who is with Kuya.


“Where is the bar located? I wanna go there and see! Hindi naman tayo magpapakita.” I told Peachy my bright idea.


Agad kaming umalis papunta ng bar. Hindi lang pagmanman ang gagawin namin doon. May plano rin kasi akong uminom ngayong gabi kaya nag-aya ako na magpunta sa bar ngayon. Nakita ko ang pagtayo ng dalawang bodyguard noong nakita nila akong palabas ng bahay.


“No need to follow me. I’m with Peachy and Kuya will be there.” Inunahan ko na sila.


It will be too uncomfortable to have my bodyguards with me, especially I will go in a club. Papaano ako makakapag-enjoy kung kasama ko sila, ‘di ba?


When we reached the bar that is located at BGC, I immediately saw Kuya’s car on the parking lot. Mabuti naman at naabutan ko pa sila rito... Minsan kasi ay lumilipat ng bar si Kuya kapag madaming tao ang nakakakilala sa kaniya. I know that he doesn’t want the attention.


Para makapasok, kailangan ko pang ipakita ang Valid I.D ko at nilagyan pa nila ako ng stamp sa palapulsuhan. Noong tuluyan kaming nakapasok ni Peachy sa loob, nakakasilaw na neon lights at malakas na tugtog ang naabutan namin.


“Where the hell is his table?” I asked myself.


I looked around to look for Kuya. Masiyadong madaming tao kaya kinailanganin pa naming makipagsiksikan sa grupo ng tao na nasa dance floor.


“Dance, Natasha!” Peachy cheered.


“Shut up! I'm not even tipsy to dance!”


Seize the Moment (Simon Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon