TRP: 23 (The Broken Promises)

731 31 0
                                    

LECKZY'S POV

Naglalakad ako papasok sa bahay. Paakyat pa lang ako nang marinig ko na kausap ni Manang si Mommy sa phone. Rinig ko ang pinaguusapan nila dahil naka-loud speaker ito. Medyo mahina na kasi ang pandinig ni Manang. Tumigil ako at pinakinggan ang pinag-uusapan nilang dalawa.

"Hanggang ngayon, wala parin kaming makuhang donor ni Danny. Unti unti na syang nanghihina at ang sabi ng Doctor nya, kung hindi daw sya agad maooperahan baka daw hindi na sya tumagal." Mommy said while crying.

"Manang, ayokong mawala ang anak ko. Hindi ko kaya! Nawala na nga si Mama pati ba naman si Danny. Ayoko! Kung pwede lang na puso ko na lang ang kuhanin at ipalit sa anak ko para lang magdutungan pa ang buhay nya gagawin ko, pero bigla kong naisip si Leckzy! Kung pati ako mawawala, paano na lang sya. Mahal na mahal ko silang dalawa!" Sabi ni Mommy sa kabilang linya habang umiiyak. Napaiyak din ako.

Umalis na ako sa kinatatayuan ko bago naglakad papunta sa aking kwarto. So, hindi pa sila nakakahanap ng donor. Ayokong mawala si Ate. Ayoko ng may mawala ulit sa buhay ko.

Tumayo ako bago naligo. Pagkatapos ay nagpalit ako ng pambahay at bumaba. Pupunta muna kila Lolo.

Pagkababa ko ay nakita ko si Kian sa sala na naka-upo. I frowned. Anong ginagawa nya dito?

"Kian!" I said and approached him. He smiled at me.

"What are you doing here?" I asked him.

"I just want to visit you!" Masayang sabi nya. I nodded.

"Punta tayo sa Mansion!" I said. Naglakad na kami papunta sa kotse nya. Pinaandar nya ito papunta sa Mansion pero nang makita ko ang Park ay bigla ko na lang naisip na doon muna kami tatambay ni Kian.

Pagkaparada nya ng kanyang sasakyan ay bumaba na agad kami. Malapit lang ito sa Mansion. Mga ilang lakad lang simula sa Mansion ay andito ka na. Umupo kami sa damuhan. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa aming dalawa.

"Baby Lecks, pwede kang mag-open sa akin ng problema mo. Andito ako para makinig sa'yo!" He said. I looked at him and smiled. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Earlier, I heard Manang and Mommy talking on the phone. Mommy said that Ate still doesn't have a donor. Sabi daw ng Doktor ni Ate kung hindi daw agad maooperahan si Ate may possiblity na hindi na sya tumagal! K -Kian, why is this happening to me! Hindi ko na alam ang gagawin ko, litong lito na ako. Hi-hindi ko kayang mawala ang Ate ko. Hindi ko kakayanin! Until now, I still can't accept that Lola is gone. Bakit unti unting nawawala ang mga taong malaki ang parte sa buhay ko? Ang mga taong mahalaga sa akin?" I said. Napahagulhol ako. Naramdaman kong niyakap ako ni Kian. Niyakap ko rin sya bago ibinaon ang aking mukha sa kanyang dibdib.

"Andito lang ako, Baby Lecks! Ako, hindi kita iiwan." He whispered. I slowly looked at him. Hindi parin kami kumakalas sa yakap. Ilang pulgada na lang ang layo ng aming mga muka pero wala akong nararamdaman na kakaiba. Nang katulad ng nararamdaman ko kay Clark sa tuwing nasa paligid sya, sa tuwing hinahawakan nya ako at kinakausap. Because Kian is like a older brother to me. Simula pagkabata namin, kuya na ang turing ko sa kanya.

"Thank you, Kuya Kian!" I said and smiled. He smiled too and wiped my tears. Ibinaon ko ulit ang aking mukha sa kanyang dibdib. I'm so thankful that I have him.

*-*-*-*-*-*-*-*-*

Naglalakad ako papunta sa classroom nila Clark. Manghihiram sana ako ng aklat sa El Filibusterismo. Tinatamad kasi akong pumunta sa library. Pagkapunta ko doon ay nakita ko agad si Clark. I smiled at him but I was surprised when he just looked at me. Nagtataka ako dahil kakaiba ang mga tingin nya. Bakit parang galit sya sa akin? I waved my hand and called his name but he just ignored it. What happen? I sighed.

The Reneged Promises (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon