Kabanata 9

256 12 0
                                    


*Nang dahil sayo! Marcelina.*



Hindi ako mapakali, panay tingin ako sa kaliwa't kanan; gusto ko nang makita si Black, sigurado akong sya yun.

Hindi ko na alam kung saan kami na lusot na lugar, kahit Manila to! ibang iba naman ang itsura nito kaya hindi ko to! alam.

Puro bukid ang nakikita ko, mga palay pala, ang kina-bubuhayan ng mga tao dito.

Tumigil ang kalisa sa dulo na patag na lupa at puro palayan na ang nasa paligid.

"Lina! sandali, maghintay ka naman!" sigaw ni Dahon, dahil dali dali akong bumaba.

Pagbaba ko, ay nakatingin sa akin ang mga taong nagtatanim ng palay at sabay sabay silang umuko para galanin ako.

Nahiya naman ako kaya yumuko din ako at tinaas ang dalawan gilid ng palda ko. Diba ganto yun. Ganto yun nakikita ko sa Tv e!

May tatlong bahay na medyo kalayuan  mula sa akin, kahit hindi ko alam kung nasaan si Black ay naglakad na ako papunta sa bahay na medyo maranya ito.

"Anak, Marcelina!!!" rinig kong sigaw ni mama.

"Lina!!! Marcelina!!" sigaw ni Dahon na papalapit saakin, at mas binilisan ko pa ang papunta sa malaking bahay.

"Ano ba!! kailangan kong makita si Black!!" sigaw ko sa kanya at hinawi ang kamay nyang nakahawak sa braso ko, at pinag-patuloy ang paglalakad ko.

Kailangan kong makita si Black, kailangan kong malaman kung bakit kami napunta dito, sya lang naman ang nakakaalam ng lahat.

"Marcelina, wala jan!! Nandun!" napatingil ako sa paglalakad at hinarap sya at sinundan ko kung nasaan nakaturo ang daliri nya.

Sa mga bahay na medyo sira sira, at may mga mataas na silong, may puno din ito ng mangga sa tabi.

Dali daling akong lumiko sa kanan ko dumaan ako sa bridge ng pagitan ng mga square na taniman ng mga palay, wala kasing daan.

"Don'ya Marcelina, dahan dahan po sain'yong paglalakad" sabi ng isang babae at inalalayan ako sa paglalakd.

"Marcelina!! sandali, ako kaya ang manliligaw dito ngunit ikaw pa ang parang sabik na sabik sa atin." sigaw ni Dahon.

Wala akong pake'alam sayo!.

"Anak, baka madumihan ka!!!"

Nang makarating ako sa  mga bahay na medyo ano yun. Parang pang-mahirap yun. Hindi ko naman minamaliit pero siguradong masisiraan talaga ng bait si Black kung dito sya patitirahin.

"Black, nasaan ka!! ako to! si Death Sea. Black!!" tawag ko habang hinihingal dahil sa pagtakbo.

Nakatingin naman ang mga tao at gulat na gulat sila.

"Sino po kayo?" tanong saaking ng medyo may katandaan na babae.

"Nasa-an si Black? ay hindi si ano?"

"Sino nga ba yun? Dahon?" tanong ko kay Dahon na kaka-dating lang at hingal na hingal pa ito.

"Ohh, Dahon, ano ang iyong ginagawa dito at sino ang kasama mong magandang binibining ito!"Masayang sabi nito at turo nya sa akin.

"Dahon, ano ang pangalan ni Black dito?" tanong ko dito.

"Sino ba ang pinagsasabi mo? Ahh! Magandang araw po, Aling Beng, nais po sana naming makita si Margarita!" magalang na sabi ni Dahon.

"Ayon, si Mar-garita. Nasan sya?" ani ko.

"Tutulungan po ni Lina si. Ay si Don'ya Marcelina Alcaraz. Si Margarita, sa paggagamot. Tutulong po siya kaya po nais niya po ito makita, kung maaaring!"

I Became a Wife of Heneral Nicolas Alcaraz in 1815Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon