*Ang hinala*Dinala kami ni Dahon sa isang kubo na nasa gitnang bukid, at sira sira ito, medyo lang naman. Pero parang may nakatira pa dito, kasi may mga gamit pa sa loob, at ang tingin ko lalaki! Sapagkat aamoy lalaki ang kubo.
Nakaupo kaming tatlo sa labas ng kubo, sa may pa-pag. Habang malayo ang tingin, iniisip ko parin si Black hindi ako nagkakamali, si Black talaga 'yun. Ang nakakainis lang hindi namin nagawang ihinto ang kalesa, kasi. Bwusit 'tong Dahon na 'to.
Hay!!
Ano kayang ginagawa ni Black 'dun? malapit lang siya sa bahay nila Marcelina, na bahay ko, ang ibig sabihin............ malapit din siya 'dun! or gumala lang sila?
"Grabe Death Sea, nakita mo ba 'yun mukha ni Black......ang ganda niya diba!!!! Ang ganda ng damit niya tapos ang ayos ng buhok niya. Para ngang hindi si Black 'yun e!" kinikilig na sabi ni Metal at yugyug sakin.
Oo nga, parang hindi si Black 'yun, nakakatuwang isipin na napasuot nila si Black ng ganon. Tamang ponytail lang ang nagiging tali ni Black at ni minsan hindi ko pa nakitang naglugay 'yun.
Pero parang may napansin ako sa mukha ni Black.
"Pero Metal....... hindi mo ba nakita na parang......... malungkot si Black?"
"Ano ka ba, e! lagi naman 'yun seryoso, ni pag-ngiti hindi niya magawa. Ngumingiti si Black pagkasama lang tayo!" iritang sagot ni Metal
Oo nga no! Pero hindi talaga.
"Malungkot hindi seryoso." pag-gigiit ko. Ewan talaga 'to.
"Parehas lang 'yun." pag-gigiit din ni Metal.
At biglang nagsalita si Dahon.
"Lina. Aking Margarita ako'y kukuha lamang nang ating maiinum, at kung maaari wag kayong aalis dito hanga't hindi ako dumadating.........Siguradong dadating narin si Franco." At kinuha ang isang vase at umalis.
"Sige!! ingat ka Leaves!!!" sigaw ni Metal kay dahon na papalayo na, lumingon si Dahon at tinaas ang Vase na hawak niya.
Napangiti naman ako ng nakitang labis ang saya ni Metal. Bagay sila.
Teka! Franco? Parang na rinig ko na 'yun pangalan, saan ba?
"Death Sea, 'dun nalang kaya tayo saamin? Baka kasi hinahanap na ako ni Ina at nila Ate at Kuya. Ang paalam ko kasi maguguha lang ako ng mangga. e! Kanina pa ako wala, tapos wala din akong hawak na mangga." Metal.
Na bigla ako sa pananalita ni Metal.
Edi kaya?Tingin ko! nahanap ni Metal ang pagmamahal na gusto niya sa panahon ito. Masama ito.......Baka hindi niya gustong umuwi sa panahong namin. Pero...... napakawalang puso ko naman kung ipagkakait ko ang pamilya niya sa panahong ito.
Pero..... parang iba magsalita si Metal ngayon?
"Metal anong edad mo dito?"
"Diba 24 na ako! Matanda kayo saakin ni Black ng isang taon." paliwanag niya. Oo nga no! Baka sa tagal lang ng paghiwalay namin kaya nagulat ako sa pagiging makulit niya at tuno ng boses niya.
"Umuwi kana Metal baka hinahanap kana ng pamilya mo. Marunong ka naman umakyat ng mangga, may nakita ako na puno ng mangga 'dun palabas, umakyat kana lang. Sige na. Baka pagalitan ka!" pananakot ko pa.
Para kaming mga bata.
"Hindi sumama kayo sa akin ni Leaves, promise mabait sila Ina. Chaka saan ka matutulog dito Diba buntis ka!"
"Hindi ako BUNTIS. Si Marcelina ang buntis hindi AKO. Naintindihan mo." napasigaw tuloy ako, Ang Epal kasi.
"Di ikaw parin 'yun." natatawang nyang sabi.
BINABASA MO ANG
I Became a Wife of Heneral Nicolas Alcaraz in 1815
AcakSi Death Sea ay isang babaeng assassin. Na walang-awang sa tao, ma'bata man o matanda. Pumapatay sya, hindi dahil gusto nya. Dahil gusto ng boss nya. Samadaling-salita. ASO!!! Sa hindi inaasahan na makarating sya sa sinaunang panahon. Kasama ang ka...