*Gubat*
Nanlaki ang aming mga mata habang papalapit saamin ang mga sundalong kapareha ang uniform ni Nicolas. Mula dito ay tanaw namin na may hawak silang baril at ispada. Hirap silang tumakbo papunta sa kubo, na sinisilungan namin dahil sa mga putik at tubig sa taniman ng palay.
Kung susumahin mga nasa bente silang sundalo na papalapit saamin.
Para akong na blanko at hindi makagalaw dahil iniisip ko na baka ipapapatay na ako ni Don Manuel, dahil nagabala pa siyang kumuha ng ganto kadaming sundalo para ipahanap ako."Tara na Death Sea!!" hila saakin ng Metal paalis sa kubo.
"Dito ang daan." turo ni Franco.
Dumadaan kami sa edge ng lupa ng taniman ng palay kaya medyo mabilis ang takbo namin. Hawak ko ang tyan habang inaalalayan ako ni Dahon mula sa likod, nasa unahan ko si Metal at si Franco.
"Lina dahan-dahan lang sa pagtakbo ang iyong anak." Dahon.
"Oo " At mas hinig pitan ko ang hawak ko sa tyan ko. Hindi ko ma-iwasan ang mag-aalala sa bata na nasa sinapupunan ko dahil kanina pa kami takbo ng takbo, baka may masamang mangyari sa anak ni Marcelina.
"Dalian niyo sundan sila!!" sigaw ng sundalo.
"Tigil!!" utos nito at nagpaputok ng baril.
"Ahh!!" biglang sigaw ni Dahon mula sa likod ko, napalingon ako at nakita ko siyang nakahawak sa tainga niya at nakasubsub ang ulo sa tuhod.
"Tumayo ka jan. Bilis." hila ko sa kanya at dali daling tumakbo papasok sa gubat.
"Death Sea. Leaves, dalian niyo maabutan na nila tayo!" sigaw na Metal.
Hawak ko si Dahon sa kabilang kamay at ang kabila naman at ang tyan ko.
Putik putik na ang saya na aming suot dahil sa pagtakbo.Pagpasok namin sa gubat ay malalaking puno at madilim na paligid, paikot ikot ang paningin ko dahil hindi ko alam kong saan kami pupuntang direksyon.
Hingal kong tiningnan si Metal at nakatingin din siya saakin. Hinahanap ng mata ko si Franco pero hindi ko siya makita.
"Nasaan si Franco?" hingal na tanong ko.
Nilibot ni Metal at Dahon ang paligid pero ni anino ni Franco hindi namin makita.
"Ayon sila!!" rinig namin na boses ng sundalo sa kabilang banda ng gubat.
"Upo." hila saakin ni Metal pa upo.
"Aray!" reklamo ko dahil sa malakas na hila niya sa pulsuhan ko.
"Sea, si Franco" ani niya at sinisilip ang direksyon ng mga suldalo. Tinaas ko ng kaunti ang ulo ko at tiningnan ito, sumalubong ang kilay ko dahil nagpapahabol si Franco sa mga sundalong sibil papalayo sa direksyon namin.
Nagpapasalamat ako dahil sa ginawa ni Franco ay hindi ko na kailangan pang tumakbo ng mabilis at magpahabol sa mga sundalong sibil. Sabay hawak ko sa tyan ko. Mabilis na rin ang tibok ng puso at naghahabol ng hininga ramdam ko na rin at pag-uumpisa ng pagtulo ng mga pawis ko.
"Leaves, ayos ka lang ba?"
Mapalingo ako sa kanila. Hawak ni Metal ang balikat ni Dahon habang nakalapit ang mukha ni Metal kay dahon.
"O-o" utal na sagot ni Dahon at nagiwas ng tingin sa tingin ni Metal. Pero bakas parin ang takot sa kaniya mukha.
"Ano ang gagawin natin?" metal.
"Sea?"
"Hindi ko alam!" ani ko habang pinaglalaruan ang bato na hawak ko.
Napahinga nalang ng malalim si Metal at humiga sa lupa.
BINABASA MO ANG
I Became a Wife of Heneral Nicolas Alcaraz in 1815
RandomSi Death Sea ay isang babaeng assassin. Na walang-awang sa tao, ma'bata man o matanda. Pumapatay sya, hindi dahil gusto nya. Dahil gusto ng boss nya. Samadaling-salita. ASO!!! Sa hindi inaasahan na makarating sya sa sinaunang panahon. Kasama ang ka...