Kabanata 20

403 13 5
                                    


"Huling yakap"

Napabalikwas ako ng banggon ng may malamig na tubig ang bumuhos sa aking mukha.

"Bumangon ka!!"

"Hah!!! Hah!!! Hah!!!" habol kong sa aking hininga. Mabilis  kong napatingala para tingnan ang tao sa harap ko, at tiningnan ko ng masama. Pero mas natuon ang atensyon ko sa demonyong mukha ni Don Manuel na nakaupo habang may hawak na tabacco, at nakatingin saakin. may mga kawal din na nasa mga gilid niya, at lahat sila ay nakatingin saakin at binabantayan ang bawat kilos ko.

'Gagong duwag ka Manuel'

Nasa isang silid kami na ang tangging nagbibigay ng liwanag ay apoy na hawak nila.

"Buti naman gising kana, ang aking akala ay mamahalin mo ang iyong higaan." ani nito habang patuloy parin sa paninigarilyo.

Nakakalokong ngiti ang aking sagot ko sa kanya. Kahit naglalaway na ako sa dugo niya. Dahan dahan siyang tumayo at hinagis sa isang sulok ang tabacco niyang hawak.

At sumenyas sa mga tao na lumabas, mabilis naman lumabas ang mga tao sa silid na maliit.

Nang tanging kami nalang dalawa ang nasa loob ng maliit na silid ay nagtitigan lang kami na halos pinapatay  na namin  isip ang isat isa.

Nang bigla siyang tumawa

"Hahahahah!!! Ganyan na ganyan ang mga mata nang iyong Ama, bago ko siya pinatay. Hay!! ang tigas kasi nang ulo! bakit hindi niyo nalang ibigay saakin ang KASULATANG. Nang natapos na tayo. Mahirap bayung?" galit niyang saad at sinipa ang upuan na nasa harapan niya.

Salo salo ang nararamdaman ko ng banggitin niya si Ama, parang biglang kumirot ang dibdib at nanghina ang katawan ko.

Pero nangingibabaw ang nanginginig na ako sa sobrang galit at gusto ko na siyang pagsasaksakin.

Dahan dahan akong tumayo para malapitan siya pero mabilis niya akong sinipa sa balikat kaya tumalsik ako sa dingding ng kwarto.

"Ahh.. ahh... Pa-pata-yin kita. Ha-yop ka. Ah-h." nahihirapan kong sabi sa kanya. Pero sya ay tila masaya pa sa nakikitang nahihirapan ako.

"Ang lakas nang katawan mo!! Magagawa mo pang tumayo at kalabanin ako, matapos mong mawalang ng anak!"

"Iba bang Marcelina ang kaharap ko ngayon?"

Biglang na nigas ang katawan ko at tila nawala ang sakit ng katawan ko. Anong wala? Dahan-dahan akong yumuko para tingnan ang tyan ko, mabilis na tumulo ang mga luha na kahit kailan ay hindi ko pa naranasan.

Bakit hindi ko maramdaman ang baby ko?

Hin-di? Buhay pa siya.

Tama. Buhay pa ang anak ko!!!

Baka kaya hindi ko maramdaman kasi hindi ako ang totoo niyang ina. Pero ako ang may dala sa kaniya ngayon!

Hindi ko na alam ang gagawin ko, dahil hindi ko magalaw ang  katawan ko. Sa pagkakataon ito tila nawala na ako sa aking sarili.

Hahawakan ko siya. Kasi. Alam ko buhay pa siya.

Nanginginig ang kamay ko habang nilalapit sa tyan ko, para maramdaman ko ang pagtibok ng puso ng aking anak. Kahit natatakot ako na baka totoong wala na talaga siya, ay pinilit kong hawakan ito, habang patuloy parin ang pag-agos ng mga luha ko, nawalang balak na huminto.

"Hindi ko ba na sabi sayo? napatay na ang anak mo. Nang matagpuan kayo nang aking sa sundalo, patay na ang anak mo sa loob ng tyan mo. Hindi ko naman hahayaan mamamatay ka, dahil hawak mo pa ang kasulatang. Kaya pinatangal ko ang bata sa sinapupunan mo. Kaya wag mo akong sisisihin kung nawala ang anak mo. Dahil kasalanan mo lahat 'yan." Don Manuel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Became a Wife of Heneral Nicolas Alcaraz in 1815Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon