Kabanata 18

194 7 2
                                    

*Ang pasya ni Metal*




Kitang kita ko sa mga mukha ni Metal na seryoso siya sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung sasan-ayunan ko ang pinaplano niya pero..... Hindi ko alam.

"Metal, hindi tayo taga dito! Alam mo 'yan. Kung may problema sila, sakanila na 'yun. Ang focus natin, ang makauwi sa panaho natin." giit ko.

Biglang sumalubong ang kilay ni Metal sa mga sinasabi.

"Death. Sea! Hindi mo ba nakikita? Na ikaw at si Marcelina, ay iisa. Hin-di ka ba nagagalit? Sa mga umaapi sa kanya? O dito! Sa panahon ito.........Inaapi ang dating......ikaw." naiinis niyang sagot.

"Metal-."

"Pinatay ni Don Manuel ang tatay ng dating, ikaw. Tapos wala kang gagawin? Alam mo simula una palang pero wala kang ginawa? Death Sea?
Dito lang tayo may pamilya. Ako. Ikaw. Si Black! May pamilya na tayo dito........Hindi pa pwudeng tulungan mo na nating sila, bago tayo umalis?" pakiusap niya.

"Matagal na nating pangarap ang mahanap ang pamilya natin. Pero, bakit ganyan ka?" tugtong niya pa.

Nang nababadya na ang kanyang luha na pumatak ay umiwas na siya ng tingin. Si Metal ang pina-kabata sa aming tatlo, masiyahin siyang klaseng tao. Kapag may mission na pinapagawa ni Boss, si Metal ang pinaka-naapektuhan saamin. Alam kong kahit matagal na namin ginagawa ang pumatay.

Alam kong kahit kailanman....... hindi niya gusto ang pumatay. Hindi tulad ko.

Sa aming mga naranasan, na pagpapahirap, mga pagsubok, at sa truma na nadala namin hanggang ngayon. At hindi na maalis pa.

Mga ugali na nabago dahil sa mga pangyayari, kapag na patay kami kahit ayaw namin, kailangan baka kami ang patayin ni Boss.

Ganon lang ang takot namin kay Boss dahil siya ang........na patay ng mga kasamahan naming bata noon. Mga mata niyang parang demonyo. Na hindi mo matitigan ng matagal. Kayang gawin ni Boss ang impossible, na possible.

Ako lang ang may kayang kuma-usap kaya Boss ng harapan sa aming tatlo, dahil nakakaya kong labanan ang emosyon na nilalabas ko.

Ang pinaka-ayaw ni Boss ay nanginginig pagkausap siya. Naiinis si Boss ay bigla ka nalang babarilin. Kaya pagtapos ng aming mission, ako ang na harap at hindi sila Metal at Black. Ako din naman ang Leader sa aming tatlo.

Mas malaki ang tiwala ni Boss, saakin kaysa sila Black at Metal. May mga pagkakataon na bigla nalanh tututukan ni Boss sila Metal at Black ng baril, mula sa malayo.

Ngunit kailangan kong ipakita kay Boss na hindi mahalaga saakin sila Metal at Black.

Kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kay Metal.

Mahalaga siya saakin. Sila ni Black.

Nakatalikod lang si Metal at nakatingin sa malawak na lupain ng palay, habang naka-pamewang. Hindi ko alam ang isasagot ko kay Metal. Dapat ba na tumulong kami?

Kung susumahin maaari pang tumulong si Metal dahil mas matatawag pa sila ni Black na tao, kaysa saakin.

Wal din naman saysay kong tutulungan ko si Marcelina at ang anak niya, dahil wala sa pagkatao ko ang tumulong, pagpatay ang tangin alam ng aking kamay.

Pero??

Bahala na.

"Bahala ka. Kung 'yan ang gusto mo. Pero kailangan maging pangalawa lang 'yan. Dahil kailangan natin mahanap si Black." kalmado kong sabi.

Para siyang batang nang humarap saakin dahil sa pagpipigil niya ng ngiti.

"Tu-tulong ka?" utal niyang tanong

I Became a Wife of Heneral Nicolas Alcaraz in 1815Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon