*Pagdiwang nang pagdadalang tao*Sinulatan ko ng Death Sea ang dahon na hawak ko, gamit ang uling. Kailangan walang maka-alam na kahit na sinuman na kay Margarita ko 'to ibibigay.
Naka-upo si Bella dito sa loob ng kwarto, at pinagmamasdan ako. Wala ba syang magawa, umuwi kaya sya sa pamilya nya.
Hindi ko pwudeng ibigay kay Dahon ay sulat dahil baka, mag-sumbong si Bella sa amo nya 'yun nanay ni Nicolas. Alam ko na tauhan sya ng nanay ni Nicolas para pahirapan si Marcelina. Halata naman.
Galit ang mga magulang ni Margarita sa pamilya nila Nicolas dahil daw, mamamatay tao sila. Nalilito nga ako e, galit ba ang pamilya ni Margarita ki'la Nicolas dahil iniwan ang anak nila, o dahil sa mamatay tao sila Nicolas!
Na-iipit kami ni Black e! Hindi tuloy kami maka-pagusap dahil sa mga pamilya nila. Ang dadrama.
"Bella, itanong mo 'dun sa Doktor kung kailangan ako makakauwi?" pag-uutos ko dito. Para makaalis na muna sya, para mabigay ko kay Dahon 'tong sulat.
Hindi ko masulat ang lahat na gusto kong sabihin dahil maliit lang ang dahon na hawak ko. Kaya Death Sea lang ang nilagay ko, at ipapasabi ko nalang kay Dahon ang gusto kong sabihin. Kailangan lang ng patunay na ako si Death Sea para makinig sya kay Dahon.
Kilala ko si Black, hindi 'yun kaka-usap na hindi nya kilala.
"Naparito ako upang bantayan ka. Dahil yun ang utos sa akin ni Henaral. Hindi upang utosan mo lamang. Pupuntahan ka nang Doktor kung kailangan ka maaaring maka-uwi." mataray nyang sabi habang hindi gumagalaw sa pwesto niya.
Napatawa naman ako sa mga sinabi nya. Ban-ta-yan! So, matapang siya dahil wala si Nicolas.
"Don'ya Marcelina, ako ho ang pupunta sa Doktor." prisenta ni Dahon.
"Hindi. Dahon!" pigil kong. Nang bubuksan nya na ang pinto.
"Bella, sino ang amo mo? Si Nicolas di'ba, at ako ang asaw nya. Kaya sumunod ka 'kung ayaw mong mawalan ng trabaho. O gusto mong lumipat sa nanay ni Nicolas? Di'ba. Aso kaya? "
Taas ang kilay ko at hinihintay kung kikilos sya. Masama niya naman ako tiningnan, kaya naglabanan kami ng makakamatay na titig. Hindi ako mag-papatalo no! Galit syang tumayo at naglakad papunta sa pinto, bago nya buksan ang pinto ay, tumingin sya saakin ulit at tinarayan ako, at lumabas ng pinto.
Takot din pala e!
"Buti ay ikaw ay lumalaban na sa kanila. Na-nunubra na ang kanilang ginagawa sayo. Sila na ba ay i'yong isusumbong sa i'yong asawa?" tanong ni Dahon. G*gi alam din nya, tapos hindi nya tinagtatagol si Marcelina. Ka'lalaking tao. Duwag!
Tanong mo kay Marcelina. Wag saakin.
"Dahon, iabot mo kay Margarita. At sabihin magkita kami bukas. Ipapasundo ko siya sayo. Dahon! Ibibigay mo 'yan." At inabot ko kay Dahon yun dahon.
"Baka hindi niya tangapin ang i'tong sulat!"
"Alam mo kaya ka hindi gusto ni Margarita, ang torpe mo kasi. Basta ibigay mo lang 'yan tapos sabihin mo na magkita kami bukas. Ipapasundo ko, ka'mo sya!" Dami pang sinasabi.
Tiningnan nya ang sulat sa dahon, at takang tumingin saakin.
Ano naman!!
"Ano ang sulat na ito? Hindi ito Espanol! Di'ba. Ma-iintindihan ba ito ni Margarita, hindi siya marunong bumasa! Marcelina. At saan mo nakuha ang mga ka-tagang ito?" takang ani ni Dahon.
"Basta, ibigay mo kay Blac-. Kay Margarita! Maiintindihan niya 'yan. Dalian mo na." gigil kong sabi. Ang dami kansing tanong, ayaw nalang umalis.
"Ito na!" Pagka-bukas ng pinto ni Dahon ay bumungad si Bella mapapasok na.
BINABASA MO ANG
I Became a Wife of Heneral Nicolas Alcaraz in 1815
De TodoSi Death Sea ay isang babaeng assassin. Na walang-awang sa tao, ma'bata man o matanda. Pumapatay sya, hindi dahil gusto nya. Dahil gusto ng boss nya. Samadaling-salita. ASO!!! Sa hindi inaasahan na makarating sya sa sinaunang panahon. Kasama ang ka...