Kabanata 8

261 11 1
                                    


*Oras na kasama ka*


"Siguro, ay nawala sa iyong isipan, nang ika'y nawalan ng malay at siguro ay labis ka nang nangungulila. Wag ka ng mag-alala dahil siguradong masaya ang iyong ama sa langit. uhmm!" masaya nyang sabi at tumingin sa langit at hawak ang isa kong kamay.

Nakatitig lang ako sa mukha nya habang nakatingin sa langit. Ang ganda  ng aking ina.

Patay na pala ang ama ni Marcelina! hindi ko man lang sya nakita, ano kayang itstura nya? Ayaw kong magtanong dahil baka mahalata nya na hindi ako si Marcelina.

Mananahimik na lang ako para hindi ako mahalata. Susulitin ko munang makasama ang ina ni Marcelina, na maaaring ina ko din. Di'pa ako sure kung kamag-anak ko si Marcelina! Kaya kami magkamukha.

Pero hanggat hindi ko pa nakikita sila Black at Metal di'to muna ako kay mama. Ang saya talaga ng nararamdaman ko.

Sila Black nga pala!

"Mama, pwu-de bang ta-yong gu-mala sa mga, 'yun mara-ming tao 'yun matataong lugar!" utal  kong sabi sa kanya.

"Saan ang iyong nais? wala akong alam sa inyong lugar dahil hindi tayo taga 'dito sa Manila naninirahan. Dapat ay ikaw ang magpasyal saakin dito."

Pero wala naman akong alam dito, san ko naman hahanapin sila Black at Metal, kala ko ang mahirap ang tumakas sa bahay na yun, ang mahirap pala yun maghanap sa taong hindi ko alam kung nasaan! hayyyyss

Death Sea, anong sasabihin mo? ha? ano?

"Ha-ha! hindi ako nalabas-" hindi ko na naituloy ng biglang dumating ang isang lalaki.

"Lina at Aling Fea! kailangan nyo na pong makauwi dahil ay baka kayo ay magkasakit" nahingal na sabi ng lalaking ito.

Ano naman magkasakit, lumabas lang magkakasakit na agad! Mga ewan e!

"Lina, sumakay na po kayo sa kalesa." turo nya sa kalesa na medyo nalayo-layo saamin.

Aha! may kalesa pala sila Marcelina bakit hindi nila sinabi. Well! kung sa panahon namin ang kalesa at car at pagmayaman ka may driver ka 'din.

"Anak, tayo na at umuwi at magpahinga! ipagluluto kita ng iyong paboritong pagkain siguradong babalik ang iyong lakas." masayang sabi ni mama at inalalayan akong pumunta sa kalesa kasunod naman namin yun lalaki kanina.

Sorry mommy, pero i need to find them.

"Hoy! anong pangalan mo?" tanong ko sa lalaking na nasa harap namin at hawak ang tali sa kabayo.

"Ako ba Lina?" paniniguro nya at tumungo ang aking naging sagot.

Pero kumunot lang ang kanyang noo.

Anong problem nito?

"Ako si Dahon!"iritang sabi  nya sabi.

Dahon? may ganon bang pangalan!

"Hayaan muna baka dahil noong nawalang siya ng malay at may mga bagay syang hindi maalala." rinig kong sabi ni mama kay Dahon.

"Saan dito ang malapit na palenke?" tanong ko.

"Kailangan nyo pong makauwi agad dahil masyadong mainit ang panahon, siguradong magagalit si Heneral Nicolas ka pang nalagay kayo sa panganib. Lina!"

"May sinabi ba akong sumagot ka? Ipunta mo kami sa malapit na palenke, dali!" galit kong sabi at sinapa ang kahoy na upuan nya.

At dali dali naman nya na pinaandar ang kalesa, kaya nauntog ang ulo ko sa kahoy. Ang sakit, pabigla-bigla kasi!...

Epal 'tong. Dahon nato! Kulot ang buhok nya at may maganda katawan tapos matangkad, matangos din ang ilon at pilipinong pilipino ang kulay nya brown. Tall and Brown and Handsome pero ang pangalang  nya ay Dahon at kung susumahin matanda sya ng dalawang taong gulang. Pero ang unique ng pangalan nya, ahh! DAHON!

Ganto pala sa sinaunang panahon pag nakikita ka ng mga tao nayuko sila sayo, feeling ko tuloy reyna ako.

Gan'yang dapat ginagalang nyo ako, isa akong assassin, wala akong awa
wha, wha, wha.

"Anak ayos ka lang ba? bakit ka tumatawa?" tanong nya.

"Aling Fea, si Lina ay na babaliw na dahil siguro ay nangunguli sa kan'ya asawa. Hahahah" tawa pa ni Dahon.

Sa inis ko ay sinipa ko ang upuan nya pero tawa pa din sya ng tawa at ganon din si mama.

Nakakainis! lahat ng tao ang tingin saaking ay mahal na mahal ko si Nicolas, kung gusto nila kanila na! Mga epal.

"Lina! ano ba ang iyon gagawin sa palengke? Paglulutuan mo ba ang, IYONG MAHAL NA ASAWA. Hahahaha!" pangangasar pa ni Dahon.

"Na'ku kayo talaga, Dahon! hindi muna tinigilan ang pangangasar kay Marcelina."

"Ang saya nya kasing asarin lalo ng mga bata pa kami." ngiting sabi nya.

Kaya feeling close dahil magkababata pala sila ni Marcelina.

Kaya ba galit sya dahil tinanong ko ang pangalang nya kanina!

"Ngunit ngayon ay hindi ko na siya madalas maasar dahil siya ay mga kabiyak na. Lagi kasi siyang nakatutuk sa asawa nyang lagging WALA" At tuloy parin sya sa pag tawa. Sana mabulunan ka!

"Dahon, ang tagal munang naninirahan sa manila ngunit wala kapang nahahanap na asawa, ika'y tumatanda na. Dahon." sabi ni mama.

"Aling Fea! ako'y naakyat na ng ligaw sa isang magandang babae, na taga bukid, ngunit noong nakaraan araw, siya ay nawalan ng malay. Tumagal iyong nang-apat na araw at nang siya ay magising, hindi niya ako kilala at nagbago na din ang kaniyang mga kilos at pananalita." malungkot nyang sabi.

Buti nga sayo, walang sasagot sayo dahil. Epal ka.

Teka?

Apat na araw? di'ba apat na araw din ako na katulog! Di, kaya!

"Dahon, saan ang lugar na yun, ipunta mo ako dun. Dali." taranta kong sabi at niyuyug ang kanyang balikat.

"Sandali Lina, kala ko ba sa palenke tapos  sa nililigawan ko naman ngayon! At wag ko nga akong yugyugin."  At hininto ang kalesa at inalis ang kamay ko sa balikat nya.

Sa sobrang inis ko ay na sipa ko ang likod ko kaya muntikan na syang mahulog sa kalesa. Gulat na gulat naman ang mukha nila ni mama.

Tinulunga ni mama si Dahon na makaupo ng maayos dahil hawak ni Dahon ang likod nya at namamalipit sa sakit.

Yan, kasi ayaw sumunod.

"Saan yun? ako na ang mag-mamaneho" ani ko.

"Ako na! bahala ka ha! ako noong pumunta doon, tinaboy niya ako at lahat ng tao ay pina-paalis niya kahit pa ang kanyang ina." paliwanag nya at pinaandar ang kalesa

"May mga sabi sabi pa nga na nakulam daw si Margarita ang iba naman ay na bati. Ala-alang na ang kanyang mga magulang at kapatid sa kaniyang kalagayan. Ako'y labis nalulungkot dahil duon. Kahit na alam ko na wala akong pag-asa sa pagibig nya dahil meron nang nag-papatibok ng puso nya at mayaman pa ito." malungkot nyang sabi at nagpakawala nalang sya ng malalim na hininga.

Lalo na kung si Black ang babaeng yun wala ka talagang pagaasa kahit n ayun mayaman na yun.

Mukhang mahal ni Dahon yun babae.

Si Black kaya yun? kasi kung ganon ang ugali nya ay si Black ngayon dahil sya lang naman ang yelo saamin, hindi naglalabas ng emosyon yun at madalas na nagkukulong sa kwarto kapag may problema.

Hindi ko maimage si Black at Dahon. Hahaha. Pero bagay sila, haha

"Bakit ka tumatawa kala mo hindi kita naririnig!" inis nyang sabi.

"Dahon! may isa pa bang ganon din ang kaso? Hindi kaso. Katulad." pagtatanong ko.

" Di'ba ikaw!" mabilis nyang sabi.

"Hindi bukod pa saamin"

" Wala na akong alam, bakit? tutulungan mo ba si Margarita para gumaling"

"a-hh, oo tutulungan ko siya kaya nga dalian mo na!" sigaw ko dito at mas binilisan pa ang pagpapatakbo sa kalesa.

Black pa dating nako! Maghintay kalang.

I Became a Wife of Heneral Nicolas Alcaraz in 1815Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon