* Heneral Nicolas Alcaraz*
May pumasok na matipunong lalake sa pinto at unti unting lumapit saakin. Parang huminto ang buong paligid ko nung nakita ko sya. Bakas sa mukha nya ang pag-alala habang papalapit saakin.
Habang ako ay na kaupo sa sahig at nakatingin lang sakanya. Bigla nya akong yakapin ng mahigpit, may sinasabi sya pero hindi ko marinig dahil nakatulala pa rin ako. Sa tanang buhay ko hindi pa ako niyayakap ng ganito. Ang sarap sa pakiramdam, kahit magkakaibigan kami nila Black hindi naman kami sweet noh!! Ang oe!.
"Mahal? Mahal? Bakit ka na kaupo sa lapag?" pagaalalang sabi ng lalake sa harap ko At inalalayan ako papunta sa upuan. Oh!. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko lalo na nun tawagin nya akong... MAHAL!
Ang sarap sa tainga. Ano ba'tong sinagabi ko. Nakatingin parin ako sa kaniyang mukha. Bakit ang gwapo nya? Ha??
"Bella? tumawag ka ng Doctor!" sigaw nya.
"Masusunod po, Heneral Nicolas." At nagmamadaling lumabas ng bahay. Bigla akong natauhan at naramdaman ko na hawak nya ang bewan ko.
"Sandali, wag mo nga akong hawakan. Sino ka ba? Makahawak kala mo kung sino." Tulak ko sa kanya sabay tayo. nagulat naman siya at unti unting na nubig ang mata. Bakla!! Kalalaking tao umiiyak. Tss..
"Mahal, patawad dahil sa pagkukulang ko." iyak yang sabi sabay lapit sakin, ako naman ay lumalayo. Nakakunot ang noo kong tiningnan sya. Anong pinagsasabi nya 'patawad dahil sa pagkukulang?' Ang corny!.......... Tiningnan ko lang to ng masama habang pinipilit nyang abutin ang kamay ko.
Ang drama ng lalaking to!!
"Mahal, wag mo naman akong saktan ng ganito. Pakiusap. Mahal?" iyak nya pa rin sabi.
"Na-nanabik na ako sayong mga yakap. Mahal." Yakap? tulig na yata to e!
"Mister? hi-hindi kita kilala! hi-hindi ako ang asawa mo! Okey! Na-punta lang ako dito. Ng big-laan" mabils kong sabi bakit ba ako nauutal.
"Mahal! A-alam kong galit ka. Kaya. Tatanggapin ko ang iyong galit. Dahil sa aking hanap-buhay kaya hindi na kita nakakasama. Mahal ko! Patawad." Sabay yakap nya saakin ng mahigpit.
"Doctor dito!" Napatingin naman kami sa pintuan at pumasok dun ang matandang na tinatawag nilang Doctor.
"Buen día, Heneral Nicolas Alcaraz.(Magandang araw, Don Leo Alcaraz.) bati ng Doctor sa lalaking to.
"Buen dia, Doctor. Nais ko sanang malaman kung anong nangyayari sa aking mahal na asawa." tanong nya habang pinupunasan ang luha nya kanina.
"Natingnan ko na sya kanina, ang kailangan ng iyon asawa ay pahinga. Ang sabi ng inyong mga kasambahay ay nawalan sya ng malay pag katapos gumawa ng iba't ibang gawain." paliwanag ng matandang panot na to!
Anong gawain e wala nga akong alam na gawaing bahay!
"Mahal bakit mo pinapagod ang iyong sarili. Madami tayong mga kasamahan nandito si Bella. Bakit kailangan mo pang magpagod." pagaalalang sermon saakin. Salamat to! wala ako sa mood kung di kanina ko pa'to sinapak.
Nakakapagtaka lang dahil tila takot na takot lahat ng maid nila parang may gustong sabihin. Ano kaya yun. Hayyyys wala akong pake!! So! si Bella pala ang pangalan ng humahabol saakin kanina.
BINABASA MO ANG
I Became a Wife of Heneral Nicolas Alcaraz in 1815
RandomSi Death Sea ay isang babaeng assassin. Na walang-awang sa tao, ma'bata man o matanda. Pumapatay sya, hindi dahil gusto nya. Dahil gusto ng boss nya. Samadaling-salita. ASO!!! Sa hindi inaasahan na makarating sya sa sinaunang panahon. Kasama ang ka...