TRP: 24 (Tell Me)

712 30 0
                                    

LECKZY'S POV

Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ni Ivan. I never thought he could hurt a woman. Pagkarating namin, nagtataka kami ng makita naming may kalmot si Ivan sa mukha at braso. Ang pula pula ng mukha nya at hinihingal pa sya.

Kahit nagtataka, we never asked him what happened. We only found out what happened when we went to the guidance office.

I was also very annoyed because it seemed like we were still to blame for what had happened. Parang kami ang nagsimula. Na kasalanan namin na pumasok kami ng cafeteria. Sa halip kasi na sila ang pagalitan at bigyan ng punishment ay kami ang binigyan. Clark was also there but he was not on our side. Hindi man iyon halata sa iba pero kaming dalawa ni Ivan, halata namin ang pagsang-ayon ni Clark sa mga sinasabi nila Sabrina.

Padabog na unang umalis si Ivan. Sumunod lang kami ni Chelsey na nakatungo lang. Tulala kami pagkalabas naming dalawa ni Chelsey. Pagod na pagod na akong umiyak! I sighed.

Hindi na kami pumasok sa hapon. Nagpadiretso ako sa Mansion dahil kung sa bahay ako didiretso ay baka makita ako ni Manang at malaman pa ito ni Mommy. Ayokong pati ako ay problemahin ni Mommy. Kaya rin ako dumiretso sa Mansion ay para dalawin si Lolo. Meron ng hinire na mag-aalaga kay Lolo sila Mommy. Madalas na dinadalaw ng iba kong Tita si Lolo.

Pagkalabas ko sa kotse ni Ivan ay bigla akong napatingin sa kabilang bahay. Sa bahay nila Clark. Umiwas rin ako ng tingin bago dire-diretsong pumasok sa Mansion.

Dahan dahan akong pumasok, baka kasi mahuli rin ako ni Lolo. Pero alam ko naman na nasa loob lang sya ng kwarto nila ni Lola, maghapon.

Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok ako sa aking kwarto dito sa Mansion. Kumuha agad ako ng aking pampalit bago pumasok sa Bathroom at naligo. Pagkatapos ay nagbuhis ako at dumiretso sa kwarto nila Lolo at Lola.

Naabutan ko si Lolo na nakahiga patagilid. Mukhang yakap yakap nya na naman ang picture nila ni Lola nung bagong kasal sila.

"Lo!" Tawag ko sa kanya. Dahan dahan akong lumapit sa kanya bago sya niyakap. Naramdaman ko ang kanyang paggalaw pero hindi sya humarap sa akin. Palihim akong umiyak. Alam ko na Hindi parin tanggap ni Lolo ang pagkawala ni Lola. Kahit ako, hindi pa rin tanggap. Pero kailangang maging matatag ni Lolo. Alam ko na magiging maayos din ang lahat.

Ilang minuto kaming nasa ganung posisyon bago ako kumalas at hinalikan sya sa noo bago lumabas.

Tinawagan ko ang driver namin at pinapunta dito. Maya maya lang ay dumating na sya. Pumasok na ako agad ng kotse.

Pagkarating namin sa bahay ay nagpasalamat ako sa kanya bago bumaba at pumasok sa aming bahay. Nakita ako ni Yaya K at mukhang nagtataka sya kung bakit ang aga kung umuwi. Nginitian ko na lang sya bago Dali daling pumunta sa aking kwarto at doon ulit umiyak. Ilang oras akong tulala habang nakatingin lang sa kisame. Inaalala ang nangyari kani kanila lang. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising lang ako kinabukasan. Pagkatingin ko sa salamin. Bugto ang magkabila kong mata. I sighed loudly. Another hell day.

Pagkatapos kong maligo at magpalit ng uniform ay kumain lang ako sandali bago nagpahatid papunta sa school. Maglilinis pala kami ng C.R ngayon. I sighed heavily.

Nakasalubong ko si Chelsey na may dala dala ng map at iba pang gamit pang linis ng C.R. Kinuna ko ang iba bago kami dumiretso sa C.R ng mga babae.

Ini-expect ko na magiging ganto talaga karumi ang C.R ngayon. Part kasi yun ng pagpapahirap nila sa amin. Tahimik lang kami habang naglilinis. Natapos naman namin ito agad pero bigla na lang akong nakaramdam ng hilo. Binalewala ko na lang iyon at pumasok sa C.R ng mga lalaki. Nagpapasalamat ako na hindi ito ganun kadumi. Natapos agad namin ang paglilinis bago kami dumiretso sa stockroom para ibalik ang mga gamit na ginamit namin. Unti unting nanlalabo ang aking paningin. Kaya hinila ko na lang si Chelsey papunta sa aming classroom.

The Reneged Promises (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon