SIMULA

2 0 0
                                    

LLAM




"ALL OUR YOUNG LIVES WE SEARCH FOR SOMEONE TO LOVE. WE CHOOSE PARTNERS, CHANGE PARTNERS....ALL THE WHILE WONDERING IF THERE'S SOMEONE, SOMEWHERE, SEARCHING FOR US."



IBINALIK KO ANG LIBRONG BINABASA SA DATI NITONG KINALALAGYAN. NASA LOOB AKO NG LUMA NAMING LIBRARY ROOM AT NAGHAHANAP NG MGA LIBRONG PWEDENG BASAHIN UPANG AKO'Y DALAWIN NG ANTOK, NGUNIT MASYADO AKONG NABIGHANI SA BINASANG NOBELA NG PABORITO KONG MANUNULAT KAYA IMBES NA MAKATULOG AY MAS LALO PA AKONG GINANAHAN SA PAGBABASA.




NAPAKUNOT NGA LAMANG AKO NG AKING NOO NG MAKITANG WALANG KATAPUSAN ANG LIBRO SUBALIT NAKA PUBLISHED ITO. NAGLALARO SA AKING ISIPAN KUNG ANO ANG NAIS IPARATING NG AUTHOR SA KANYANG LIBRO.




BAKIT WALANG ENDING? NAKAKAPAGTAKA.




KARAMIHAN NAMAN SA MGA LIBRONG AKING NABASA AY MAY MAGANDA AT ANG IBA NAMAN AY TRAGIC ENDING, PERO ANG NOBELANG ITO AY KAKAIBA SA LAHAT NG KANYANG GAWA. NAKAKAPAGTATAKA DIN NA MAYROONG MGA IILANG PAHINA NG LIBRO ANG WALANG NAKASULAT NA LETRA.   PARANG....SINADYA



IKINILIG KO ANG AKING ULO. NAPATINGIN AKO SA WALL CLOCK NG SILID. TAHIMIK AT TANGING ANG TUNOG LAMANG NG ORASAN ANG MARIRINIG SA MGA ORAS NA IYON. TANAW NAMAN MULA SA KINATATAYUAN KO ANG MALAWAK NA LUPAIN NG ESPROLICA. MARAMING IBON ANG LUMILIPAD SA HIMPAPAWID AT SINASAYAW NAMAN NG HANGIN ANG MGA PUNO AT MGA HALAMAN SA HARDIN.





UNTI-UNTI AKONG TUMAYO. DALA ANG AKING CELLPHONE AY TINUNGO KO ANG KUSINA. NAKARAMDAM AKO NG UHAW. HALOS MAGDADALAWANG ORAS NA DIN KASI SIMULA NG PUMUNTA AKO SA SILID AKLATAN AT NAWILI SA PAGBABASA.





WALA AKONG NAABUTAN PAGKABABA KO NG HAGDAN. TAHIMIK, RAMDAM KO ANG MALAMIG NA HANGIN NA NAGMUMULA SA LABAS NA PUMAPASOK NAMAN SA GLASS DOOR NG AMING BAHAY. ALAS KWATRO NA NG HAPON. ASAN NA KAYA SILA?




MATAPOS MAKAUBOS NG ISANG BASONG TUBIG AY DUMIRETSO NA AKO SA IKATLONG PALAPAG NG BAHAY, KUNG NASAAN ANG AKING KWARTO. GUSTO KONG MAGPAHINGA.



PERO TALIWAS YON SA NAIS GAWIN NG AKING KATAWAN. PARANG PINIPIGILAN AKO NITO NA IHIGA ANG SARILI SA MALAMBOT NA KAMA. WALA AKONG MAINTINDIHAN.


BINUKSAN KO ANG TV NG SA GAYON AY MAGKAROON NG KAKAIBANG INGAY. AT BAKA SAKALI DING DALAWIN AKO NG ANTOK. KINULANG AKO SA TULOG NITONG NAGDAANG ARAW. AT KAILANGAN KO DIN NG PAHINGA.



NAPAPIKIT AKO NG TUMAMA SA AKING KATAWAN ANG MALAMIG NA HANGIN MULA SA BINTANA. TANAW KO ANG MARAMING BATA NA NAGLALARO MULA SA LABAS NG KABAHAYAN NAMIN.  PERO NAAGAW NG ATENSYON KO ANG ISANG BATANG BABAE NA MAY DALANG LIBRO. MAY KATABI SYANG MANIKA SA GILID HABANG NAKAUPO SA MAHABANG SILYA NA GAWA SA KAHOY. NAKALUGAY ANG ITIM NA ITIM NITONG BUHOK AT NG MAGTAMA ANG PANINGIN NAMIN AY AGAD NYA AKONG KINAWAYAN AT LUMABAS ANG ISANG NAPAKAGANDANG NGITI MULA SA KANYANG LABI.



NAPATAWA AKO SA KANYANG SINIGAW. MUKHANG TINATAWAG AKO.




KUMAWAY LAMANG AKO PABALIK SA KANYA BAGO TINUNGO ANG ISANG LUMANG TUKADOR NG AKING SILID. WALA ITO SA WALK-IN CLOSET. AGAD MO LANG DIN ITONG MAKIKITA DAHIL KATAPATAN ITO NG KAMA KO.



MULA SA DRAWER AY INILABAS KO ANG ISANG MAALIKABOK NA BAGAY. NAPANGITI AKO NG MAPAIT. ILANG TAON NA BA ANG LUMIPAS SIMULA NG MAGSULAT AKO SA NOTEBOOK NA ITO?




HINDI KO NA RIN TANDA.....





I STARTED TO OPEN THE FIRST PAGE AND MY SMILE SLOWLY FADE.



KAMUSTA NA KAYA SIYA? NAPATAWA AKO NG MAPAKLA. MARAHIL AY MAY ASAWA NA IYON. WALONG TAON NA DIN SIMULA NG HULI KAMING MAGKITA. KAHIT ILANG TAON NA ANG NAKARAAN AY RAMDAM KO PA RIN NA PARANG KAHAPON LAMANG NANGYARI ANG LAHAT.





SIGURO NGA AY MEDYO NAUUNAWAAN KO NA ANG MANUNULAT SA NOBELANG BINASA KANINA. NA HINDI LAHAT NG KWENTO MAY MAGANDANG SIMULA AT MAGANDANG PAGTATAPOS.




SAKSI AKO NITO. SAKSI AKO KUNG PAANO KO NAKILALA ANG BABAENG UNANG NAGPATIBOK NG AKING PUSO. I STILL CAN'T REPLACED THAT WOMAN. ALAM KONG MALI...PERO, WALA AKONG MAGAGAWA.



DAHIL GAYA NG NASA LIBRO MARAHIL AY NAGING PARTE LAMANG KAMI NG NAKARAAN NG ISA'T-ISA. HINDI NA PWEDENG BAGUHIN DAHIL NAKASULAT NA.

DIARY NI KURTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon