PANGALAWA

1 1 0
                                    

INEVITABLE

HULING ARAW NAMIN NGAYON SA PROBINSYA. NAKARAMDAM AKO NG LUNGKOT. GUSTUHIN KO MAN NA MAGTAGAL KAMI DITO AY HINDI KO IYON MAGAGAWA. MAY TRABAHO ANG AKING MGA MAGULANG AT KAHIT TAPOS NA ANG GRADUATION AY KAILANGAN KO NAMANG MAGHANDA PARA SA PAGPASOK KO NG HIGHSCHOOL.



BINILIN SA AKIN NI DADDY NA IBA NA ANG WAY NG PAGTUTURO NG MGA GURO KUMPARA SA ELEMENTARYA. ALAM KO NAMAN ANG BAGAY NA IYON. SINABI SA AKIN NI MOMMY NA HUWAG AKONG MABAHALA GAANO. BUKOD SA MAG-ARAL DAPAT DIN DAW NA MAGING MASAYA AKO SA PINAKAMAGANDANG PARTE NG BUHAY NG ISANG MAG-AARAL.



ANG HIGHSCHOOL.




SA LA MARTIN KAMI PAREHONG PAPASOK NG KAIBIGANG SI KOBE. SAMANTALANG SI ALLEN NAMAN AY SA OLLA PA RIN MANANATILI PERO NANGAKO NAMAN SYA NA BIBISITA KAPAG MAY PAGKAKATAON.



TINANAW KO ANG KALMADONG KALANGITAN. NAALALA KO TULOY ANG BUGHAW NA KULAY NG DAGAT NA MERON ANG LUGAR. SUBALIT MASYADONG BUKID ANG LUGAR KUNG NASAAN ANG RESTHOUSE, SA PAKIWARI KO KASI AY SA BARANGAY PA NG ALDAVOC AT POBLACION MAKIKITA ANG DAGAT NG PROBINSYA. TANAW DIN NAMAN IYON SA SA LUGAR NG RIZAL AT LAUREL, SUBALIT NAPAKALAYO NA NITO SA LUGAR NG SAN VICENTE KUNG NASAAN KAMI.




MAY PAGKAKATAON MAN NA MAKAKAPUNTA AKO SA NASABING LUGAR, YOON AY KUNG MARERENOVATE NA SA SUNOD BUWAN ANG BAHAY SA SAN JOSE. KATABI NG BAYAN NG POBLACION. MAS MALAPIT IYON SA DAGAT, AT MATAO NA ANG LUGAR DAHIL NGA BAYAN.




MASAYA KONG PINALIPAD ANG SARANGGOLA NA DALA. NAKITA KO ITO HABANG NASA BODEGA. MAY KAUNTING BUTAS ITO SA MAGKABILANG PARTE NA  NASIRA DAHIL SA PAGKAKATAGO KAYA KUMUHA AKO NG TAPE PARA TAKPAN.



DAHIL MAHANGIN AY MATAYOG ANG LIPAD NG LARUAN NA DALA. TUMAKBO AKO NG PAULIT-ULIT SA MAHABANG MGA DAMO NA NASA HARAPAN NG BAHAY. MALAWAK ANG LUPAIN NI LOLA CYNTHIA KAYA WALANG MASYADONG MGA BAHAY NA NAKATIRIK MALAPIT SA RESTHOUSE. PRIVATE PROPERTY.



NANG MAPAGOD AY NAHIGA AKO SA KULAY BERDENG DAMUHAN, HINDI ALINTANA ANG IBANG INSEKTO NA MAAARING KALAPIT KO. TIRIK ANG ARAW KAYA TANGING BRASO KO LAMANG ANG AKING PANANGGA HABANG TINITINGALA ANG MGA IBON NA MASAYANG LUMILIPAD SA HIMPAPAWID.




PAWISAN AKO NG BUMALIK SA BAHAY, NAABUTAN KO SA SALA SI MOMMY HABANG GINAGAWA ANG KANYANG DAILY ROUTINES.


ANG PAGPA-PAINTING. PINAGMASDAN KO ANG PININTA NYA NA NASA AKING HARAP. IT'S A NATURE. MUKHANG GINUHIT NYA ANG GANDA NG TANAWIN NA NASA HARAP NG BAHAY. NAPANGITI AKO NG PALIHIM, BAGO NAISIPANG TUMAAS NA PARA MAKALIGO.



KINUHA KO ANG PANYONG NAKITA KAGABI. I THINK I STARED TO IT TOO MUCH. SIMULA KAGABI AY HINDI NA DIN NAWALA ANG NGITI KO.



HINAHABOL NYA YUNG PUTING SUV. I WONDER IF....NAKAUWI NA SYA NG LIGTAS? ALA-SAIS NA DIN KASI IYON NG MANGYARI.


ILANG ORAS DIN SIMULA NG MAKA-IDLIP AKO SA KULAY GINTONG HAPON. NAGISING LAMANG NG PUMUNTA SI ALLEN SA BAHAY. SINABI NYA SA AKIN NA PAPUNTA SYA NG BAYAN KASAMA ANG KANYANG MGA PINSAN. INAKIT NYA AKO TUNGKOL DITO.

"HINDI KA BA SASAMA KURT? SAYANG NAMAN KUNG HULING ARAW NYO NA NGAYON DITO PERO HINDI KA PA RIN NAKAKAGALA O NAKAKAPUNTA MAN LAMANG SA PALENGKE"


NARINIG SIGURO NI MOMMY ANG HINAING NG KAIBIGAN KAYA PINAYAGAN NYA AKO, PUMAYAG DIN NAMAN SI DADDY KAYA OKAY LANG. NAKASUOT AKO NG ITIM NA SHORTS AT GRAY NA PANG-ITAAS.


NAKASUNOD AKO SA MGA PINSAN NI ALLEN, SAMANTALANG SYA AY ABALA SA KUNG ANO SA KANYANG SELPON. NAKAKUNOT ANG NOO. IPINAGKIBIT KO NA LAMANG ITO BALIKAT.

"HOY KUYA YUNG CRUSH MONG SI YCKARR!" RINIG KONG PANG-AASAR NG MGA BATANG BABAENG PINSAN NI ALLEN SA KANYA.

AGAD NYANG SINUNDAN NG TINGIN ANG TINURO. AGAD SYANG UMILING.


DIARY NI KURTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon