INTRAMSABALA ANG LAHAT NG MAG-AARAL PARA SA NALALAPIT NA IKA-41ST NA INTRAMURALS SA BIYERNES. MARAMI ANG BOOTH NA GAGAWIN AT ILANG PALARO. BASKETBALL, SOCCER, VOLLEYBALL AT TENNIS. OPEN DIN ANG SCHOOL NG BUONG MAGHAPON PARA SA MGA OUTSIDER NA ESTUDYANTE NG IBANG UNIBERSIDAD NA NAIS MANOOD O MAKAPUNTA SA LA MARTIN.
NAPANGISI AKO NG MADATNAN SI KOBE. ANG GAGO! TUWANG-TUWA NG IBINALITA NG COUNCIL ANG TUNGKOL SA INTRAMS. MARAMI NA NAMAN DAW SYANG MABIBIKTIMA SA KANYANG KAGWAPUHAN. KADALASAN KASI AY MGA MAG-AARAL NG AMADEO AT ARIZONA ANG PUMUPUNTA DITO LALO NA KAPAG OPEN. WALA RING KLASE ANG HUWEBES PARA MAKAPAG-HANDA SA MISMONG EVENT KINABUKASAN.
SINABI KO KAY DADDY ANG TUNGKOL DOON. SUMANG-AYON SYA NA TUMUNGO AKO SA SCHOOL NG HAPON. UMAGA NAMAN ICE-CELEBRATE ANG IKA-50 BIRTHDAY NG YUMAONG INA.
"WALA KA BANG SASALIHANG LARO? " I ASKED RIVERDALE. BUSY SYA SA PAGSUSULAT NG ILANG ARALIN SA KANYANG NOTEBOOK. NASA PASILYO KAMI NG CANOPY. MAY MGA UPUAN NAMAN DOON KAYA HINDI HIRAP KUNG MAISIPANG TUMAMBAY.
"HINDI AKO MAGALING SA SPORTS. ISA PA...HINDI AKO FRIENDLY" SABI NYA. ISANG BESES LANG AKONG SINULYAPAN NG TITIG. KAMI LAMANG DALAWA ANG NANDITO. UMALIS AT INIWAN NA SYA NG KAIBIGANG SI CHYNA NG MAKITA AKONG KASAMA.
"HOW ABOUT PAGEANT?" NILINGON NYA AKO. IBINABA ANG BALLPEN AT SANDALING NAPAISIP.
"AYOKO!"
I LAUGHED. "MAGANDA KA NAMAN AH"
"HINDI USO SAKIN YAN. ISA PA, MALAPIT NG MATAPOS ANG FIRST QUARTER. KAILANGAN KONG MAGSERYOSO"
"EDI MAGSERYOSO KA SA AKIN"
SINAMAAN NYA AKO NG TINGIN. BALAK NG HAMPASIN NG DALANG NOTEBOOK KUNG HINDI LAMANG AKO UMIWAS. ITINAPON KO ANG CUP NG PINAGKAINANG ICE CREAM SA BASURAHAN TSAKA NAGPAALAM NA MAGBABANYO LANG.
HINDI KO KASAMA SINA KOBE AT ILAN SA KAIBIGAN DAHIL BUSY SILA SA PAGPAPRAKTIS NG LARO. NAKA-LINE UP SILA SA FRIDAY.
HINDI PA MAN NAKAKAPUNTA SA BANYO AY HINARANGAN NA AKO NG ILANG MAGKAKABARKADA NA BABAE. TINAASAN KO SILA NG KILAY. WHAT'S WITH THIS PEOPLE?
"UY, IBIGAY MO NA"
"ANO. KAYO NA LANG! NAKAKAHIYA"
"SIGE NA DAPHNE"
WALANG EMOSYON KO SILANG TININGNAN "ANONG KAILANGAN NYO?"
ISANG BABAE ANG NAHIHIYANG INABOT SA AKIN ANG ISANG BAG. MAY LAMAN IYONG TUPPERWARE NA PUNO NG PAGKAIN. HINDI NAMAN KASI NAKASARADO ANG BAG KAYA NAKITA KO.
"S-SAYO YAN.... TANGGAPIN M-.MO K-KURT..."
PINASADAHAN KO ANG AKING BUHOK PAGKATAPOS AY INABOT ANG BINIBIGAY NYA. NAGTILIAN ANG ILANG NAKAKAKITA SA GINAWA KO.
"SALAMAT" SABI KO BAGO TUMALIKOD SA KANILA.
I SMILED TO RIVERDALE NG MAGTAGPO ANG MGA MATA. NAPADAKO ANG TINGIN NYA SA HAWAK KO.
"KANINO GALING Y-YAN?".
"SAYO NA LANG. BINIGAY SAKIN" SABAY ABOT SA BAG.
"BAKIT MO SA AKIN IBIBIGAY E, BINIGAY NGA RIN SAYO. COMMON SENSE"
"BUSOG AKO" YON LANG ANG TANGING NASABI KO. HINDI ITO ANG UNANG PAGKAKATAON NA NAKATANGGAP AKO NG REGALO MULA SA IBA. MADALAS AY KASAMA KO SINA KOBE. WALA NAMAN TALAGA AKONG PLANONG TANGGAPIN PERO PINIPILIT AKO NI KOBE. SAYANG DAW AT PURO PAGKAIN, KUNG AYAW KO...SYA NA LANG DAW ANG KAKAIN.