MISUNDERSTANDING
DALA SIGURO NG PAGOD AY HINDI NA AKO SUMALI PA SA LARO NILA KOBE NGAYON SA COURT. BUONG MAGHAPON AKO BADTRIP, AT AYAW KONG ITANGGI NA SIMULA PA IYON KAHAPON. MATAPOS KONG MAKITA YUNG POST NI.
AISH! NEVERMIND
INABOT KO YUNG PUTING TOWEL NA DALA BAGO PINUNAS SA BASANG-BASA KONG BUHOK. NAUPO AKO SA WALANG LAMAN NA BLEACHERS. KAKAUNTI ANG TAO SA GYM NG SCHOOL. ANG IBA AY ABALA SA PANONOOD NG WALANG KWENTANG LARO NILA KOBE. ANG MOKONG TAWANG-TAWA HABANG INAASAR SINA LUIS AT GAB.
"KURT, HINDI KA BA TALAGA SASALI? NAGPUPUSTAHAN KAMI NGAYON" NATATAWANG SIGAW NYA. WALANG PAKIALAM KUNG MAY MAKARINIG MAN SA ISINIGAW NYA.
"KAYO NA LANG" WALA KONG GANANG SAGOT. INISMIRAN NYA AKO.
"ANG GANDA NG PREMYO BUDDY" SABI NYA. HINAHAWAKAN PA ANG KANYANG SINTIDO NA AKALA MO NAMAN MAY MAGANDANG LAMAN. "SURE, KA BANG AYAW MO NA?" ULIT NYA.
"HAYAAN NA NATIN SI KURT, KOBE. AYAW ATA NG MOKONG YUNG NUMBER NG CRUSH NYA " SABI NI LUIS. NATIGILAN AKO. KANINONG NUMBER?
"SIGE. IWAN KA NA NAMIN" NATATAWA NILA AKONG TINALIKURAN.
SINUNDAN KO SILA NA PAPUNTA SA GITNA NG COURT. NAGSISIMULANG NAGDRIBBLE SI GAB. TINAASAN KO SYA NG KILAY.
"KANINONG NUMBER ANG PINAGPUPUSTAHAN?" I ASKED. MAY IDEYA NA AKO PERO AYAW KO PA RING UMASA.
"KAY RIVERDALE" MAIKSI NYANG SABI. BINALINGAN KO NG TINGIN ANG NATATAWANG MUKHA NILA LUIS AT KOBE. HALATANG MAY IDEYA NA AKO.
"AKALA KO BA AYAW MO?" SI LUIS. NAKA ITIM NA JERSEY.
"PAANO NYO NAKUHA YUNG NUMBER NI DALE?" TANONG KO
"I FIND WAYS BUDDY. DIDYA FORGET?" MAYABANG NA WIKA NI KOBE. PANAY PA RIN ANG DRIBBLE NG BOLA.
"I NEED THAT"
NAGKATINGINAN SILANG TATLO PAGKATAPOS AY HINAGIS SA AKIN ANG BOLA. NAGSIMULA KAMING MAGLARO. AT SYEMPRE NANALO AKO SA KANILA.
NAKUHA KO YUNG NUMBER NA SINASABI NI KOBE. HANGGANG NGAYON AY PALAISIPAN SA AKIN KUNG PAANO NYA NAKUHA AT KUNG TOTOO NGANG NUMBER NI RIVERDALE. LAGOT SYA SA AKIN KAPAG SA IBANG BABAE ANG NUMBER NA ITO. AT WALA RIN AKONG PAKIALAM KUNG MAY BOYFRIEND NA SYA.
SINAKBIT KO ANG DUFFEL BAG NA DALA. MAY HAWAK AKONG GATORADE SA KABILANG KAMAY. PAPALABAS NA KAMI NG GYM, NAUUNA ANG TATLO DAHIL BUSY AKO SA PAGGAGALA NG MGA MATA DAHIL BAKA MAHANAP KO SI RIVERDALE. HINDI NA AKO NAG-ABALA NA PUNTAHAN SYA SA CLASSROOM NYA. BAHALA SYA!
SA PAGKABUSY KO AT HINDI KO TINITINGNAN ANG DAAN AY MAY NABANGGA AKO. ISANG MAPUTING BABAE. MAHABA ANG BUHOK AT MAY HAWAK NA LIBRO. NALAGLAG NGA LANG IYON NG NABUNGGO KO SYA.
AGAD AGAD KO SYANG TINULUNGAN. RAMDAM KO PA ANG PANGINGINIG NG KANYANG KAMAY. NAMULA RIN ANG KANYANG PISNGI NG DUMAMPI ANG KAMAY KO SA KANYA. ANG MGA MATA NYA AY PAMILYAR SA AKIN PERO HINDI KO MATANTO KUNG SAAN KAMI UNANG NAGKITA.
"IM SORRY MISS" SABI KO SA ISANG MALAMIG NA BOSES. TUMINGIN AKO SA LIKOD NYA, PAPALAYO NA ANG BULTO NILA KOBE SA ENTRANCE NG GYM. IIWAN PA ATA AKO NG MOKONG!
"I-IM SO-RRY T-TOO" BULOL NYANG SABI. NAKARAMDAM ATA NG PAGKA-ILANG. TIPID LAMANG AKONG TUMANGO PARA HUMINGI ULIT NG SORRY. PAGKATAPOS AY HINAWAKAN KO SYA SA BALIKAT PARA MAGPAALAM.
HINDI NA AKO MULI PANG LUMINGON. SA PAGLABAS KO NG GYM AY NAHAGIP NG AKING PANINGIN SI RIVERDALE. MAG-ISA. NAGLALAKAD PAPUNTA SA GRASS FIELD. WALANG PLANONG UMUWI. NAPANGISI AKO, MUKHANG HINDI SYA SUSUNDUIN NG MUKHANG FROG PRINCE NYANG RUMORED BOYFRIEND.