UNA

1 1 0
                                    

AUGUST 26, 2010

DEAR CRUSH,

I NEVER BEEN INTERESTED TO SOMEONE WHO'S BEEN NEW TO ME. PERO BAKIT IBA KA SA LAHAT. BAKIT NAGAGAWA MO AKONG PATAWANIN AT PAKILIGIN?

HINDI KO ALAM PERO, HINDI ITO ANG UNA NATING PAGKIKITA. TANDA KO PA KUNG PAANO KUMUNOT ANG IYONG NOO, TUMAAS ANG IYONG KILAY AT NANLISIK ANG MGA MAGAGANDA MONG MATA DAHIL NATALAPID KA. MARAMI ANG NAKAKITA SA IYO AT NAPAGBUNTUNGAN MO AKO NG GALIT DALA NA RIN SIGURO NG IYONG HIYA.

MEDYO EPIC NAMAN KASI YUNG PAGLAGAPAK MO SA SAHIG. DAPAT KASI SAKIN KA BABAGSAK, PERO MAS PINILI MO PA YUNG MALAMIG NA TILES NG SCHOOL KESA SA HOT KONG BODY. PERO MAS OKAY NA NAGALIT KA SA AKIN. KASI DOON KO UNTI-UNTING NADIVERT YUNG ATTENTION MO.

PALAGI NA AKONG KURYUSO SA MGA GINAGAWA MO. NAGIGING BODYGUARD MO NA DIN AKO KAHIT GRADE NINE KA PA LANG NOON SAMANTALANG GRADE TEN NAMAN AKO. EWAN KO BA! MASYADO ATA AKONG HIBANG SAYO. MASKI ANG KAIBIGAN KONG SI KOBE AY SUMANG-AYON.

HINDI AKO MAHILIG MAGSULAT AT GUMAWA NG ASSIGNMENT. PERO TUWING NAAALALA KO ANG MASUNGIT MONG MUKHA SA TUWING PINAPAGALITAN AKO, AY GINAGANAHAN AKO. NAKAKAHIYA NGA, NASAWAY AKO NG AKING GURO DAHIL PANA'Y DAW ANG NGITI KO. HINDI KO ALAM NA KANINA PA PALA NYA AKO TINATAWAG. KAASAR! TINAWANAN DIN AKO NILA KOBE AT LUIS.

PALIBHASA, WALANG MOTIVATION SA PAGPASOK SA SCHOOL, KAYA YUNG PALAGI KONG ABSENT SA ISANG LINGGO NA TATLO, HINDI NA NAUULIT PA.

ANO BA YAN, MUKHANG PAPASA AKO NITO SA LONG QUIZ NAMIN SA LITERATURE. TURUAN MO BA NAMAN KASI AKO. ANG SAYA MO PALA KASAMA. MAS LALO TULOY AKONG NAHUHULOG SAYO.

AT OO NGA PALA, HANGGANG NGAYON PA DIN BA AY HINDI MO ALAM KUNG PAANO KO NAKUHA ANG IYONG PANGALAN? HAYAAN MONG IKWENTO KO SAYO KUNG PAANO KO UNANG NASILAYAN ANG MAGANDA MONG MGA MATA, KUNG PAANO AKO NAHULOG SAYO KAHIT NASA MURANG EDAD PA LAMANG AKO.

NAGISING AKO SA TUNOG NG ALARM CLOCK NA NASA IBABAW NG AKING KABINET. NAPALINGA AKO SA PALIGID. ANONG ARAW BA NGAYON?

PAPUNGAS PUNGAS AKONG LUMABAS NG AKING KWARTO. MULA SA ITAAS AY NARIRINIG KO ANG BOSES NG AKING MGA MAGULANG. SA TINGIN KO'Y TINANGHALI AKO NG GISING KAYA HINDI NAKASABAY SA KANILANG AGAHAN.

BUMALIK AKO NG AKING SILID AT TINUNGO ANG BANYO. PAGKATAPOS MALIGO AY NAGSUOT AKO NG ISANG KULAY ASUL NA TSHIRT AT MAONG NA SHORTS. HANDA NG BUMABA AT KUMAIN.

"GRADUATION NA NI KURT SA LUNES. MAY AASIKASUHIN KABA SA PAARALAN NYO NG NGA ARAW NA YAN?" SI MOMMY. NAKA SUNNY DRESS SYA, HAWAK ANG ISANG TASA NG KAPE SA KANANG KAMAY HABANG NAKATINGIN KAY DADDY AT NAG-AABANG NG SAGOT.

"I'LL CLEAR MY SCHEDULE." MAIKSING SAGOT NI DAD. NAKA POLO SHIRT ITO AT MAONG NA PANTALON. NAKAHARAP SA KANYANG LAPTOP SAMANTALANG HINDI MAN LAMANG NAGAGALAW ANG ISANG TASA NG KAPE NA NASA KANYANG LAMESA.

NAPUNTA SA AKIN ANG ATENSYON NILA PAREHO. I SMILED AND GREET THEM A 'GOOD MORNING' PAGKUWA'Y LUMAPIT SA AKING UPUAN AT NAGSIMULANG KUMAIN NG TAHIMIK.

ALAM KONG PAREHO SILANG BUSY SA KANI-KANILANG TRABAHO. PERO SANA AY MAPAGLAANAN NILA NG ORAS ANG ARAW NG LUNES DAHIL GRADUATION KO ITO.

RAMDAM KO ANG NAGAALALANG TITIG NI MOMMY, PERO HINDI KO NA SYA PINANSIN PA. BINILISAN KO ANG PAGKAIN AT NAGPAALAM SA KANILA NA LALABAS LAMANG SANDALI PARA MAGPAHANGIN.

MASAYA KONG PINAGMASDAN ANG MAGANDANG HARDIN NG BAHAY. MARAMING BULAKLAK NA MAY IBA'T-IBANG KULAY ANG NANDOON. MAY MGA HALAMAN NA MATATAAS AT MABABABA. KINUHA KO ANG ISANG REGADERA NA MAY LAMANG TUBIG AT NAG-UMPISANG MAGDILIG NG HALAMAN.

INUNA KO MUNA ANG MGA TANIM NA NAKASABIT SA BALAT NG TINALUPAN NA NYOG, KUNG NASAAN ANG ORCHIDS. KULAY LILA ITO AT TUMITINGKAD ANG KULAY DAHIL SA SIKAT NG ARAW NA TUMATAMA DITO. SINUNOD KO NAMAN ANG MGA HALAMAN NA NASA PASO. MAY ILAN NA IBA ANG KULAY NG DAHON, MAY IBANG LUNTIAN AT IBANG MAY MGA BULAKLAK NA.

DIARY NI KURTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon