CHAPTER 8

290 20 11
                                    

Pareho kaming natigilan dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot kaya hindi ko nalang ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain. Paano ko ba sisimulan ang usapang ito? Wala yatang balak magsalita ang lalaking 'to! Palibhasa puro kalandian ang alam. Ano raw ulit baby? ---akala ko ba kaibigan? Bakit may pababy?

At dahil walang nagsasalita sa amin, sinubukan kong titigan siya. Try lang naman--- anong masama? Magbubukas na sana ako ng topic dahil parang ang sarap niyang asarin, ngunit bigla siyang nagsalita.

"So, you're Kendra right?" basag niya sa katahimikan, bakit kanina baby? Ngayon Kendra na ulit?

"Tinatanong mo pa! tinatawag mo na nga akong Kendra," masungit na sagot ko, hindi ko alam kung bakit mas gusto ko yung sinabi niya kanina.

"Look, I'd like to be your friend and I'd like to introduce myself properly," ---mariing wika niya. Hindi ko alam kung ganoon lang ba talaga siya magsalita, hindi ko masabi. Minsan kasi ay malumanay, minsan naman ay intimidating tulad ng dating nya ngayon. Pakialam ko ba sakanya!

"Kilala na kita, ikaw si Theodore Montevero diba?" hinihintay ko ang pagsang-ayon niya. Iyon naman kasi ang sabi ni marsha at sigurado akong tama siya.

"Yeah," –kaswal niyang sagot. Ganito ba kaboring kapag mayaman ang kausap?

"Oh! Edi hindi mo na kailangang magpakilala," –pagsusungit ko. Alangan namang maging mabait ako? duh! Masama ang ugali niya kaya deserve niya 'yan!

"Ikaw? Bukod sa Kendra ang nakasulat sa name plate mo, wala na akong alam tungkol sa'yo," hindi niya man lang pinansin ang sinabi ko. Angas rin' ng isang 'to ah! Pangit na nga kabonding di' pa masarap kausap!

"I am Kendra Marie Mendez, 18 years old. Mabuhay!" sarkastikong sagot ko sabay tawa ng malakas nang makita ang itsura niya.

"You're unbelievable," natatawang sagot nito saka pinansin ang kapeng nasa harapan namin.

"I know right," pagsasabay ko sakaniya habang tumatawa. Masama akong tiningnan ni Theo kaya nag peace sign nalang ako.

"Ilang taon ka na ba?" tanong ko ng makitang seryoso naman siya sa pinag-uusapan namin. Napatitig siya sa akin matapos kong sabihin 'yon. Diba ay ganon' naman talaga? Name, age, birthday, address hobbies and the likes, duhzz!

"I'm turning 26 this year," –sagot niya kahit mukhang nag-aalangan. Matanda na pala siya, pero hindi naman halata. Kung titingnan nga ay mas bata pa siya kumpara sa mga classmates ko sa school. At dahil gusto ko ang itsura niya kapag pikon, naisip ko nanaman na asarin siya.

"So, ano pala ang dapat na itatawag ko sa'yo? Kuya o Sir?" ---nakangiti ako habang nakatitig sa mukha niyang hindi maipinta. Gusto kong humalagpak ng tawa dahil sa reaksiyon niya, kaya lang ay pinili ko nalang na magkunwaring pormal at seryoso

"Theo or Theodore will do," –aniya habang nakanguso, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Pero mas matanda ka sa'kin eh!" parang batang pagmamaktol ko.

"It doesn't matter Kendra. Walang makaibigan na sir ang tawagan at hindi kita kapatid para tawagin mo akong kuya,"

"Sige Theo, madali naman akong kausap" deretsong sagot ko sabay hikab. Bukod sa ayaw ko na siyang asarin, gusto ko na talagang magpahinga. Nakakapagod kaya magtrabaho!

"You're sleepy, aren't you?" –marahang tanong niya. Kapag ganito talaga ang boses na ginagamit niya hindi ko maiwasan ang mapahanga, parang isang musika na kaysarap pakinggan.

"Uhh Oo," tugon ko sabay iwas tingin, itinatago ang pamumula ng pisngi. Omg! nakakahiya 'yon.

"Sige, next time nalang tayo mag-usap para makapagpahinga kana. Halika, ihahatid na kita sainyo," –Napatingin ako sa kamay nitong nakalahad, sabay bagsak tingin sa mga pagkaing nasa lamesa.

THE LIVING HELL (Completed)Where stories live. Discover now