CHAPTER 22

258 13 1
                                    


Nagising ako nang maramdaman kong nag-iisa nalang ako sa kama, pagbaling ko sa aking tabi ay wala na nga si Theo. Napanguso nalang ako at nag-iwas ng tingin matapos maalala ang nangyari kagabi, kinapa ko ang aking sarili at nakahinga lang ako ng maluwag ng mapagtanto kong nakasuot ako ng tshirt at boxer shorts niya. Binihisan niya pala ako, hindi ko man lang naramdaman.

Maingat akong bumaba sa kama dahil ramdam ko ang pananakit ng katawan ko, halos gumapang nalang ako papuntang cr dahil hindi ko maitayo ng maayos ang aking mga paa. Tangina ang sakit ng ano ko!

Napagpasyahan ko munang magbabad sa maligamgam na tubig bago ako naligo, nagsuot lang din ako ng dress na hindi masyadong fit at isang panipis na panty. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko bago ko naisipang bumaba upang hanapin siya.

Bawat hakbang ko pababa sa hagdan ay kumirikot ang nasa ibabang parte ng katawan ko. Mahapdi talaga siya, ayaw ko ng umulit!

"Ate, ayos ka lang po?" napatuwid agad ako ng tayo ng marinig ko si Keshia, hindi ko alam na narito na pala sila.

"Oo naman, hinatid pa kayo ni Brixon dito?" pilit akong umaakto ng normal sa harap niya kahit halos manginig na ang mga binti ko sa sakit at pagkailang na nararamdaman.

"Sinundo po kami ni kuya Theo, ang sabi niya po ay pagod ka kaya hindi ka nakasama," hinawakan niya ako sa aking kamay at hinila patungo sa kusina. Kagat labi akong naglalakad at pinipigilang dumaing dahil baka mahalata nila.

"Good morning ate! kain na po tayo," si keneth na prenteng nakaupo sa hapag.

"Good morning sainyong lahat," saad ko bago dahan-dahang naupo. Pinabayaan kong silang tatlo ang magluto dahil hindi ako komportable sa sitwasyon ko, pakiramdam ko ay nasa loob pa rin ang kaniya kahit wala naman na. Ganito ba talaga? Parang punong-puno pa rin ako!

"Hi baby," -iniwan niya sandali ang ginagawa at tumungo saakin upang patakan ako ng mabilis na halik sa labi.

"Morning," mahinang bulong ko, iniwas ko ang tingin ko na ipinagkibit balikat niya bago bumalik sa ginagawa.

Sabay sabay na kaming kumain na parang walang nangyari. Well, wala naman talaga dahil samin lang ni Theo ang mayro'n. Napailing nalang ako at sakto namang nahagip ko ang tingin ni keshia, titig na titig sa akin animo'y may nakikitang hindi ko alam.

"Bakit kesh?" nag-aalalang tanong ko dito bago ibinaba ang tasa ng kape.

"Ano pong nangyari sa leeg mo ate?" kunot noong tanong nito, agad kong kinuha ang cellphone kong nasa tabi at tiningnan ang sinasabi niya. Halos lumuwa ang mata ko dahil sa nakita, sinamaan ko muna ng tingin si Theo bago ko muling hinarap si keshia.

"K-kagat ng lamok. Tama! A-ano natulog kasi ako kagabi sa sala," tarantang pagdadahilan ko.

"Hmm, baka naman ibang insekto ang kumagat diyan?" pinagtaasan ako ng kilay ni Theo habang may sinusupil na ngiti sa mga labi. Mamaya ka sa'kin!

"Gano'n ba ate? Sige po, mauuna na kami dahil ihahatid raw po kami ni kuya brixon sa school," tumayo na siya at inayos ang mga gamit, mabuti nalang talaga at inosente pa sila. Kung hindi ay malilintikan talaga sa'kin 'tong si Theodore.

"Theodore!" -naiiritang pahayag ko matapos makitang nakalabas na ang dalawa.

"Baby?" malambing na sagot nito.

"Baby mo mukha mo! Alam mong pupunta ako sa school mamaya at graduation ko bukas tapos ginawan mo ako ng ganito?" itinuro ko ang leeg ko at galit siyang binalingan ng tingin.

"Sorry na, nadala kasi ako kagabi. Hindi ko 'yan sinasadya, hindi ko alam at hindi ko rin' napansin kanina," yinakap niya ako, naglalambing habang humihingi ng tawad.

THE LIVING HELL (Completed)Where stories live. Discover now