Pagkatapos ng graduation ceremony ay agad kaming bumiyahe patungo sa resort na sinasabi ni Theo. Nirentahan niya raw ito upang mai-celebrate namin ng payapa ang simula ng pagbangon ko.Sinalubong kami ng staff at ihinatid sa isang cottage kung saan naroon ang mga pagkain. Napatanga ako matapos namin marating ang sinasabi nila, akala ko ay kakain lang kami sa resto o kung saan ngunit mukhang sinadya nila dito na mismo magcater ng pagkain upang ma sorpresa ako. May mga disenyo ang lugar, puno ng lubo at agaw pansin rin ang mga letrang umiilaw na na bumubuo sa salitang Happy Graduation.
Hindi ko maiwasan ang mapaiyak dahil pakiramdam ko ay ako na ang pinaka maswerteng tao dito sa mundo dahil kasama ko ngayon ang mga taong bumubuo saakin. Napayakap ako kay Theo na nasa aking tabi, walang mapagsidlan ang tuwa sa aking katawan kaya sinusubukan kong kumapit sakaniya upang kumuha ng suporta.
Hindi ko alam kung bakit pero yumakap silang lahat sa amin, parang isang group hug ng pamilya na alam kong hindi ko mararanasan. At dahil ayaw kong tangayin ng kalungkutan ang isip ko ay ipinasawalang bahala ko nalang ito at sinabayan ang vibe ng gabi. Kumain kami at nagsimula namang mag-asaran ang mga bata, yes kasama si brixon dahil siya ang pasimuno ng kalokohan. Nang lumalalim na ang gabi ay pinatulog na ni Theo si Keshia at Keneth sa kwartong para sa kanila.
"Inuman naman tayo kuya para hindi masayang ang pagpunta natin dito," si brixon sabay taas ng kamay na may hawak na alak.
"Sige, basta light drinks lang ang para kay Kendra," pinagtaasan ako ng kilay ni Theo ng makitang nakangiti ako. Ang kj niya naman! Hindi naman nga ako umiinom, minsan lang....
"Sure, kung gusto mo ay gatas lang diyan kay baby Kendra," natatawang dagdag ni brixon at saka lang tumahimik ng makitang hindi na maipinta ang mukha ni Theo -ngunit may nakakalokong ngiti na nakapaskil sa mga labi.
"Gatas ko?" maangas na tanong ni Theo. Ang yabang niya! Bakit niya ba pinapatulan itong si brixon, nagmumukha lang silang mga bata.
"Ay p*tangina! Wala namang gano'n kuya, kita mo ng wala kaming bebe dito." –busangot na sagot ni brixon bago pagasak na naupo.
"Ang dami ninyong satsat, shot na oh," –nagbukas agad ni Renzo ng inumin at ipinagsalin kaming lahat.
"Cheers para kay Kendra," si brixon na hanggang nggayon ay nakanguso pa rin bago itinaas ang kaniyang kopita.
"Cheers!" sigot naming lahat.
Kaonti lang ang iniinom ko habang sila naman ay napaparami na. Si Renzo ay mukhang lasing na, napapatawa nalang tuloy ako sa tuwing may nasasabi itong wala naman sa topic.
"Ano, magkakaroon na ba kami ng pamangkin kuya?" –hindi ko alam kung seryoso ba ang tanong ni brixon pero napailing nalang ako. Isang beses palang namin 'yong ginawa at sigurado akong safe ako no'ng araw na 'yon kaya Malabo ang sinasabi niya, bukod pa riyan ay wala pa kaming plano dahil bata pa ako at hindi pa tapos mag-aral.
"Shut up lover boy! Baka nga ikaw ang unang makabuntis," kumindat si theo sa kapatid niya, nang-aasar. Mukhang pati ito ay may tama na rin.
"Huh! Nakapull-out method to 'no!" pagmamayabang ni brixon, akala mo talaga tama ang pinagsasabi niya. Sa huli ay natawa nalang siyang kaming lahat sa term na ginamit niya.
Nagpatuloy ang kanilang inuman hanggang sa nalasing na ngang tuluyan si renzo, pasuray-suray namin itong hinatid sa kaniyang kwarto bago kami naligo sa pool. Kaming tatlo nalang ang natira kaya medyo tahimik na ang paligid habang naliligo kami.
"Congratulations ulit Kendra," nariyan nanaman ang nakakalokong ngiti sa labi ni brixon bago ako kinindatan
"Maraming salamat, uh b-brixon." tipid na sagot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/303393927-288-k419780.jpg)