Mahigit isang buwan na ang lumipas mula ng Itigil ko ang pag-inom ng pills, hindi ako sigurado sa desisyon ni Theo dahil hindi pa naman kami kasal, hindi pa ganap na mag-asawa kahit na matagal na kaming nagsasama sa iisang bubong.Nitong mga nakaraang araw nga ay madalas kong napapansin ang pagiging moody ko. Feeling ko rin ay tumataba ako dahil masyado ng masikip sa'kin ang mga corporate attire na madalas kong ginagamit sa opisina. Hindi naman ako tanga at inosente, hindi na ako kagaya ng dati na walang alam sa mga bagay na ganito. Kaya naman, ngayong araw ay naisipan kong pumunta sa OB upang magpatingin.
Si Theo ay pumasok sa trabaho, ako naman ay nagdahilan na masama ang pakiramdam upang magawa ko ang plano ko ngayon. Hindi ako nagtest sa bahay dahil baka ma-excite lang ako at masabi ko sakaniya. Mabuti na ring sa doctor na upang sigurado talaga ang resulta.
Nagtaxi lang ako dahil tinatamad akong mag drive, hindi naman ako nahirapan dahil ihinanap naman agad ako ng guard ng masasakyan. Well, I have the power now, hindi na ako ang batang Kendra na takot at walang tiwala sa sarili.
Habang naghihintay ng resulta ay hindi ko maiwasang kabahan, ihi at dugo ang itetest ng doctor upang mas credible daw. Mabuti ng sigurado, ayokong magkaroon ng mali sa check-up na ito.
"Congtaualations kendra, you're 3 weeks pregnant!" –nakangiting pahayag ng doctor bago ako kinamayan. I know her, siya ang ob ko at hindi rin nalalayo ang edad namin kaya nag-uusap rin kami minsan.
Tama nga ang hinala ko, talagang memoryado ko ang katawan ko kaya't madali ko lang mapansin ang pagbabagong dulot ng dinadala ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa oras na ito, labis na kasiyahan at pangamba ang namumutawi sa akin. Siguradong matutuwa si Theo sa ibabalita ko sakaniya mamaya.
"Maraming salamat doc," naluluhang sagot ko dala ng kasiyahan at siguro dahil na rin sa pagbubuntis kaya emotional.
Bago ako umalis ay binigyan niya pa ako ng mga payo tungkol sa pagkain, bitamina at gatas na nararapat sa pagbubuntis. Binigyan niya ako ng mga papel na maaari kong basahin tungkol sa pagbubuntis at ng schedule para sa sunod na check-up. I think, hindi lang ako ang excited mukhang pati rin' yata itong Ob ko.
Masayang masaya ako habang nasa biyahe patungo sa kompanya. Ano kayang magiging reaksiyon ni Theo? Mahihimatay rin' kaya siya tulad sa mga nababasang ko sa libro? –napailing nalang ako, he's not that dramatic so for sure hindi.
"Is Theodore inside?" –tanong ko sa sekretarya ng boyfriend kong abala sa sa pagtipa ng kung ano sa laptop. Alam niyang boyfriend ko ang boss niya kaya agad itong napaayos ng upo.
"U-uh yes ma'am, pero may mahalaga po kasi siyang kausap sa loob." balisang sagot nito kaya pinagtaasan ko ito ng kilay.
"Is that so? Ang alam ko ay hindi siya nakikipag-usapsa opisina niya unless urgent ito. You know, meeting room is always his place. Si mommy Dianne ba ang nasa loob?" –kalmado naman ako pero hindi ko alam kung bakit naiirita akong pinaghihinatay dito.
"A-ah kasi ma'am ano po--" nauutal na sagot nito. Seriously? Nakakatakot ba ang awra ko ngayon? Well, I don't think so.
"What? Ohh! Nevermind. I'm important too, so excuse me," –nilampasan ko siya at agad na tinungo ang pinto ng opisina ni Theo.
Pagbukas ko ng pinto ay nanghina ako sa aking nakita, napasandal ako sa hamba ng pinto habang nakatitig sakanila. Gusto kong mag-ingay at sabihing narito ako pero hindi ko magawa. Tahimik ko silang pinagmamasdan at pinakalma muna ang sarili bago ako nagsalita.
"Masarap ba Almira?" malamig na tanong ko habang nakatitig sa kamay ni Theo na humahaplos sa hita ng babae n'ya.
"Kendra!" napatuwid agad ng upo Theo at alanganing tumingin saakin.