CHAPTER 29

248 9 2
                                    


Hindi ko pa rin makalimutan kung paanong nagtinginan ang mga tao sa restaurant dahil sa pagsigaw ni Theodore. Ano bang nakakatawa do'n sa sinabi ko? Totoo namang yo'n ang gusto ko. –bahala siya kung hindi siya maniwala.

Nakakahiya raw 'yong sinabi ko, hindi niya alam mas nakakahiya 'yong pagsigaw niya. I'm not sure kung na-asar ba siya o napikon sa'kin dahil pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami.

Kagigising ko lang ng biglang kumatok si Keshia sa kwarto, aniya'y kakain na raw ng agahan. Sinabi ko naman na susunod nalang ako dahil mag-aayos pa ako, late nanaman kasi akong nagising. Palagi nalang silang nauuna, palamunin lang talaga ako sa umaga.

"Good morning everyone!" bati ko sa lahat sabay upo sa tabi ni Theo, mukhang hinihintay talaga nilang bumaba ako bago kami kumain.

"Good morning baby," hinalikan niya ako sa pisngi, madalas niyang gawin tuwing umaga.

"Kumain na tayo!" masayang deklara ko matapos makakita ng saging sa lamesa.

Kumuha muna ako ng rice at ulam saka ako tahimik na kumain, agad ko itong inubos dahil balak ko talagang kumain ng prutas. Bukod sa gusto kong asarin si Theo ay natatakam rin ako sa manga at avocado sa basket.

"Ang bilis mong natapos ngayon," napansin pala ni Theo na tapos na agad ako, kumakain pa rin kasi sila.

"Yup! Kakain kasi ako ng prutas ngayon."

Inusog ko ang basket ng prutas sa harap ko, kumuha ako ng isang mangga at kinain ito. Sunod kong hinawakan ang saging saka ako tumingin kay Theo na nakatitig rin pala sa akin.

"What?" he mouthed.

"Nothing, I just want to eat banana." inosenteng sagot ko, nakita ko naman ang pamumula niya kaya palihim akong natawa.

"Hmm, ang laki naman nito. Mataba na nga masarap pa!" komento ko habang sensuwal na ngumunguya.

"Kendra, stop it!" pinandilatan niya ako, bago itinuro ang ibang prutas. Gusto niya yatang iba nalang ang kainin ko. No way! saging nga ang gusto ko.

"What? I'm just admiring the fruit babe, taste it kaya!" alok ko sakaniya ng makitang namumula nanaman siya ngayon. He's cute, dirty nanaman ang iniisip nito for sure.

"No thanks, I have banana too." kaswal na sagot nito bago ako binigyan ng nakakalokong ngisi.

"Of course you have, favorite ko nga 'yan 'di ba?" –kung confident siya ngayon pwes 'di ako papatalo. Dapat siya ang mapikon, hindi ako!

"I'm not talking about that baby, I'm talking about this." turo niya sa saging na nasa tabi ng pinggan niya.

"Iyan naman talaga ang tinutukoy ko, bakit mayroon pa bang iba?" tumitig ako sakaniya habang isinusubo ang saging na may kalakihan pa.

"Just eat baby," pagsuko nito bago nag-iwas ng tingin. Nagbaba ako ng tingin sa gitna ng hita niya dahil napansin kong nahihirapan siyang huminga. Damn it, he's fucking hard!

"Well, later babe." pang-aasar ko bago ko hinimas ang hita niya kaya sinamaan niya ako ng tingin bago hinuli ang magaslaw kung kamay.

Matapos ang agahan namin ay pumasok na silang lahat. Ako lang ang naiwan kaya naisipang kong puntahan si Ella. Nag-text rin ako kay Theo na aalis ako, baka mamaya ay mabaliw yo'n sa kakahanap sa'kin lalo na't mukhang matatagalan talaga ako ngayon.

Nagtaxi lang ako papunta sa bahay nina Ella, taray ng gagang 'yon may sarili ng bahay. Sabagay ang aga niya kasing lumandi kaya gano'n.

Dahil kilala naman ako sa village nila ay pinapasok agad ako ng guard, katulong ang sumalubong sa akin, ano bang bago? Sa laki ng bahay nila ay kailangan talaga nila ng maraming katulong para maglinis at para naman may kasama sila.

THE LIVING HELL (Completed)Where stories live. Discover now